Part 47

2K 100 24
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV





Kakalabas ko lang ng ospital kaninang hapon. Gabi na ngayon at tulog na ang mga magulang ko at pati narin si bunso.





Sobrang tahimik ng kwarto ko. Nakahiga lang ako dito sa kama ko ngayon pero mulat na mulat pa din yung mga mata ko dahil di pa ako dinadalaw ng antok. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan oras. 2:25 na pala ng madaling araw.





Napabugtong hininga ako. Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa bedside table at pipilitin ang sarili na matulog na dahil may pasok pa kasi ako bukas. Pwede na kasi daw ako pumasok sabi nung doktor ko pero bawal pa din daw ako magpasobra sa stress.




Bago ko pa mailagay ang cellphone ko ay umilaw ito. Nangunguhulugang may nag text sa akin.



Sino naman kaya to?




Binuksan ko text message na nakapaloob. Galing pala ito kay Alister.

*Pumunta kang luneta ngayon din. Dalhin mo din yung aklat. Ysabelle called me and it's an emergency daw. I'm on my way too.* -recieved at 2:34 am.

*See you.* -recieved at 2:35 am.




Kinabahan ako bigla. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at agad-agad din nagpalit ng damit. Inilagay ko yung aklat at pati narin ang cellphone ko sa loob ng bag. Pagkatapos kung mailagay ang mga gamit na dadalhin ko, maingat akong lumabas ng kwarto pagkatapos. Iniiwasan kong makagawa ng kahit ano mang ingay.




Nung matagumpay akong nakalabas ng bahay ay agad akong sumakay sa bisikleta ko. Binilisan ko agad ang pagpepedal pagkaangkas ko sa bisikleta.




Mga sampung minuto din ang tinagal ko bago ako nakarating ng luneta. Ipinarada ko ang bisikleta ko katabi ng mga sasakyang nakaparada din dito sa labas. Lima lahat ang sasakyang nakaparada dito sa labas ng luneta at lahat ng mga ito ay pamilyar sa akin.





Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko at itatanong ko sana kay Alister kung asan siya pero may text na pala akong natanggap galing sa kanya.



Agad ko itong binuksan.




*Nasa may parting playground kami. Magmadali ka.* -recieved at 2:33 am.





Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad na pumasok sa loob ng luneta. Patakbo akong pumunta ng playground na tinutukoy ni Al.



Agad ko din siyang nakita pagkarating kong playground. Nasa may parting swing sila.



Ang mga taong nandoon ay si Alister na katabi ang kaibigan kong si Ysabelle at si Geli. Kaharap nila sila Bellatrix na galit na galit na nakipagsagutan ngayon ang kaibigan nitong si Artemis. Pinipigilan naman silang dalawa ng kaibigan nilang si Luna na umiiyak na ngayon.


Agad akong lumapit sa kanila at nagtanong. "Anong nangyayari dito?" Nagtataka kong tanong.



Napatingin silang lahat sa akin. Lalapitan ko sana agad si Mo-Bellatrix ng mapansin kong umiiyak ito. Napatingin siya sa akin at nagkatinginan kaming dalawa. Bago pa man ako makalapit sa kanya at agad akong sinugod ng yakap ni Geli. Nag-iwas ng tingin sa akin Bellatrix.





"R-Raine... I'm s-sorry. I'm s-so sorry R-Raine." Umiiyak na sabi nito sa akin.



"Huh? Bakit ka humihingi ng tawad sa akin?" Tanong ko sa kanya habang pinapatahan ko siya. Di siya sumagot sa akin at sa halip ay umiyak lang siya. Naramdaman kong nababasa na yung sa bandang dibdib ng damit ko. Nagtatanong na tumingin ako kila Alister at Ysabelle.




360° (gxg)Where stories live. Discover now