Part 43

2.1K 109 32
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV








"May alam na kayong dalawa sa nangyayari Ms. Bellatrix at Ms. Angel?" Tanong ni Alister sa dalawang babaeng katabi ko.






Napagitnaan ako nila Geli at Moch. Nasa left side kong muli si Moch at nasa right naman si Geli nakaupo. Kaharap naming nakaupo ang dalawa ko pang kaibigan na may nakakalokong mga tingin na ipinupukol sa akin. Mga walang hiya talaga tung dalawa.





Nandito kaming lima ngayon sa library. Tapos na yung klase namin kaya napagpasyahan naming pag-usapan yung sitwasyon ko.







"Yeah. I found it not so long time ago through this book. " Sabi ni Moch at inilapag yung aklat sa mesa. "And Raine filled me with more information yesterday."






Nginisihan naman ako si Alister. Gago talaga. Tinanguan niya muna si Moch bago kay Geli na naman nagtanong. "Ikaw Ms. Angel-"





"Angel. Angel nalang." Putol nito kay Alister.







"Ah yeah. Angel, paano mo nalaman yung sitwasyon ni Raine?" Tanong nito. Napatingin naman kaming lahat kay Geli.





"I didn't." Panimula niya. Naguluhan naman kaming lahat dun sa sagot niya pero walang nagsalita at hinintay namin yung karugtong ng sagot niya. "At first, I didn't know. But the moment I saw and meet Ren or should I say Raine again, I just knew it. May bigla nalang natrigger sa akin and the next thing I know, I had a memory of him with a personality of her." Paliwanag ni Geli. Tumango-tango naman ang lahat sa kanya.







"So now that we all know about Raine's situation, we will all discuss and suggest possible ways to help her. We need to plan." Mungkahi ni Ysabelle. Tumango kami sa kanya. "Sa ngayon, nakasalalay sa aklat na ito ang sagot. We still need more clues. And that's one thing we're finding out now." Napatingin kaming lahat sa kanya. "We never once asked, kung sino ang nagmamay-ari nito." Sabi niya.







Oo nga noh. Di ko yun naisip.







"Ang imposible naman nun Ysa. Paano natin malalaman ang nagmamay-ari niyan? Di ba nga sabi ni Raine, nakuha lang niya yan dito sa isang sulok ng library? So walang nag mamay-ari niyan." Kontra naman ni Al kay Ysabelle.







"I don't think so." Napatingin kaming lahat muli kay Ysabelle. "Possibleng nakamasid lang ang nagmamay-ari niyang aklat kay Raine." Napatingin siya sa akin. "You're being watched Raine." Kinabahan ako bigla. Nanginig at nanlamig ang katawan ko sa takot.







Hinawakan ni Moch ang kamay kong nanginginig sa ilalim ng mesa. Her hand feels warm. Napatingin ako sa kanya pero nasa kay Ysabelle lang ang tingin nito. "So what's the plan?" Tanong niya.









"Finding out the owner?" Patanong na sagot ni Ysa. "For now, yun lang ang naiisip kong plano. Ang alamin natin kung sino talaga ang nagmamay-ari nitong aklat because I'm 100% sure that the person who owns it is the same person whose responsible for Raine's situation." Tumingin siya kay Moch. "So now, tell me. Sino ang nagbigay niyang aklat sayo?" Seryosong tanong niya kay Moch.








"Artemis" sagot naman ni Moch.







Tumango si Ysabelle kay Moch at tumayo pagkatapos. Nagtatanong na napatingin kaming lahat sa kanya. "Let's go. Hanapin na nating lahat si Artemis." Sabi niya sa amin.







360° (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon