Part 13°

2.9K 132 4
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV





Pagkatapos namin kumain, ay hindi na siya nagsalita pa. Nanatiling na lamang siyang tahimik. Hindi mo na rin mahahalatang kagagaling lang nitong umiyak. At ang aura niya, ay bumalik sa na pagiging cold.



My nagawa ba akong mali? Mali ba yung sibabi ko sa kanya kanina?





"Hey ok ka lang?" nag aalala kong tanong.


Tumingin siya ng blanko sa akin. Hindi ko siya mabasa. "Yeah. Cge mauuna na akong umalis. Tapos ka naman na kumain dba?" walang kabuhay-buhay nitong tanong sa akin.





"A-ah. Oo" nautal kong sagot.




May tinawag siyang isang waiter. "Paki balutan nalang itong kasama ko ng pagkain. Just ask him kung ano ang gusto niya." Bilin niya dun sa waiter na tinawag niya pagkalapit nito sa kanya.  Tumayo naman  siya pagkatapos nun.




Hinawakan ko ang braso niya bilang pagpigil sa kanyang pag-alis. Pero bali nakatalikod na siya sa akin. "H-hey. Hatid na kita." Nahihiya kong sabi sa kanya.




"May kotse ka ba?" Hindi lumilingon na tanong niya sa akin.


Napabitaw naman ako sa kamay niya dahil sa kanyang naging tanong sa akin. "A-ah... w-wala eh. h-hehe" napahiya kong sagot kay Bellatrix.





Wla na siyang sinabi pa after that at nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng resto. Napaupo nalang ako ulit sa upuan ko dahil sa hiya. Ahahaha... Dukha nga pala ako. Pati nga sa kinain namin ngayon, siya pa nagbayad. Ang feeling close ko pa. Ahahaha






"S-sir. Ano po order niyo?" nahihiyang tanong nung waiter na tinawag ni kanina ni Miss Chantilly.



Binalingan ko siya ng tingin at ngumiti ng pilit. "Wala na po kuya. Itong tira nalang sa kinain namin kanina ang ibalot niyo po. Salamat" pasalamat kong pahayag sa kanya.


Tumango naman si kuyang waiter at agad na din akong pinagbalot ng pagkain. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumayo na ako para umalis na rin. Pero bago ako makalayo, may nagsalita ito sa akin. "Ah, sir. Wag mo na po yun isipin pa." Alam kong narinig niya kanina yung nangyari aming dalawa ni  Bellatrix. At alam kong pinagagaan lang niya ang loob ko.




Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.









Pagkarating ko sa bahay ay wlang tao. Nilagay ko yung pagkain sa mesa at dumiritso na sa kwarto ko. Agad akong humiga sa kama ko pagkapasok ko ng kwarto at agad ding ipinikit ang mga mata ko. Agad din naman akong dinapuan ng antok at nakatulog na.







Naalimpungatan naman ako nang may naramdaman akong may nakaupo sa tiyan ko.










"Gising na." sabi nito.









Idinilat ko ang aking mga mata at naaninag ko ang mukha ng isang babae.




















360° (gxg)Where stories live. Discover now