Part 35

2.2K 117 1
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV



Nandito na kaming dalawa sa bahay nila. Nanginginig yung tuhod ko habang nakatayo at feeling ko, parang maiihi na ako sa kaba.

Eh kasi naman, nandito yung papa niya, mama niya at pati narin si babe Brix yung kuya niya. Sinong tao ang di kakabahan kung kaharap mo ngayon yung mga taong mahalaga sa taong mahal mo.



Ayeii mahal daw.


Shatap brain


"So you're my daughter's boyfriend?" Bosis ng papa niya.



Formal na formal ang postura ng papa ni Moch, the same with babe Brix. Para silang galing sa isang business meeting. Yung mother naman ni Moch ay elegance yung inilalabas na aura. Sa dad si Moch mostly nagmana sa facial features and expressions. Strict and confident ang madidiscribe mo dito. Halata ring brainy tung taong to. While yung mother ni Moch, warm naman yung personality. Nakasmile nga sakin eh, kaya masasabi kong dito nag mana si babe Brix.



"N-no sir!" Pumiyok yung bosis ko sa kaba. Natawa naman si babe Brix sakin. Tapos si Moch naman ay nandito sa tabi ko pero kanina pa siya tahimik. Pinabayaan lang ako ditong kabadong-kabado ng talaga.



Nako, kung di ko lang talaga mahal tong babaeng to. Kanina pako umiyak dito. Pero dahil mahal ko siya, dapat kapalan ko na yung peyslak ko.


Nabugtong hininga muna ako to compose myself. "What I mean sir is that, I'm no longer your daughter's boyfriend. Nagbreak na po kami. But I'm here now po, to get her back. I'm here to court her." Lakas loob kong sagot.




Mariin naman akong tiningnan ng papa niya, habang si babe Brix ay amuse na amuse na nakangiti bahang nakakikinig at nanunuod sa nangyayari.



"You and my daughter had a relationship? And I don't know about it?" Napalunok naman ako.




"Because you never was here. Both of you are always busy making money and shits." Sabat naman ni Moch.




"Bella" saway naman ng mama niya sa kanya.


Ngayon naman ay sa kanya na nakatingin yung papa niya. "You young lady should learn how to respect. Hindi ka namin tinuruan ng masamang asal. And your mother and I, are working para sa inyong dalawa ng kuya mo."



Wala namang mababakas na emosyon sa mukha ni Moch habang tumitig pabalik sa mata ng ama niya. "Like I said, both of you are always not here. So huwag niyong mabato sakin na may itinuro kayong magandang asal o kahit ano pamang katangian sa akin. Your absence proved your incompetence as parents." Pang-iinsulto ni Moch dito.




Nanlaki naman yung mata ko dahil akmang sasampalin ng ama niya si Moch. Pero humarang ako. Kaya ang resulta, ako yung nasampal.



"Arthur!" Saway ng mama ni Moch sa asawa. Napalapit din ang kapated ni Moch sa ama para pakalmahin ito.



Napahawak naman ako sa pisngi kong nasampal. Ang shakit. Kaiyak ¤^¤



"Okay k-ka lang?" Sumisinghinghot kong tanong kay Moch. Ay gago, napaiyak na pala ako. Eh sa masakit talaga yung sampal.




"Haharang-harang ka tapos iiyak naman pala. Yan napapala ng pagiging epal mo." Sabi nito habang pinupunasan niya ng panyo niya yung luha ko.



"Ehh..." suminghot ulit ako. Tumutulo kasi yung sipon ko. "Oo n-na. Ako na y-yung epal. Eh sa a-ayaw kitang masaktan." Umiiyak parin akong sumagot sa kanya.




360° (gxg)Where stories live. Discover now