Part 32

2.2K 98 2
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV





"Wow ah. Belib na belib na talaga ako sayo. Ang bongga ng surprise mo. I didn't even expect it na dito mo ako dadalhin. Really, I didn't expect it to be here. Ang unique eh." Sarcastic nitong pahayag sakin at kunwaring pinapalakpakan ako.


Natawa naman ako at sinakyan yung pang-aasar niya at nagbow-bow pa ko sa kanya.



Dinala ko kasi siya sa mall. Nyahahaha



"Wait lang kasi. Di pa naman ito yung surprise ko sayo eh. Ang excited mo masiyado." Inirapan naman niya ko. "Pasok na nga muna tayo sa loob. Hanap muna tayong resto at kumain na muna ng agahan. Gutom na ko eh. Ang aga ko kayang gumising upang maaya lang kitang makadate ngayon." Inikutan niya lang ako ng mata at naunang pumasok sa loob ng mall. Natatawa naman akong sumunod sa kanya.









Pumasok kami sa isang fast food chain. Miss ko na kasi si kaibigang jollibee ahahaha. "Hanap ka nalang ng mauupuan natin. Ako na bahalang mag-order. Ano ba gusto mo? Ako?" Banat ko sa kanya sabay kindat.

Binigyan lang niya ko ng blankong tingin. Napakamot naman ako sa ulo. Parang di gumana banat ko ah. "Seryoso ka diyan? Ang corny ehh." Tinulak pa niya ko sa mukha. "Kahit ano nalang. Ikaw na bahala" sabi nito bago tumalikod sakin at umalis para maghanap ng mauupuan namin.






Sinundan ko nalang siya ng tingin. Napailing nalang ako sa sarili ko. Tama naman kasi siya eh, ahahaha. Ang corny ng banat ko.


Pero sa totoo lang, masaya ako ngayon. Matapos kasi nung huli naming pag-uusap tapos di payon magandang pag-uusap, ay di na kami nagpapansinan. Well, it was actually my fault. Ako yung umiwas, but di naman siya nagreach-out sakin. Maybe to gave me space? I don't know... Di kasi ako nakalabas ng earth ahahaha.



And now, I want to make amends. Sayang yung naging relasyon namin. Gusto kong makarelasyong muli ang Moch ko. For the meantime, I want to enjoy my life here. Saka ko nalang muna iisipin yung sitwasyon ko. Wala parin naman akong naisip na solusyon eh. For now, let me enjoy being a err.. boy? Weird




"Good morning Sir." Ay, turn ko na pala para umorder. "Ano pong order niyo?" Magalang naman na tanong sakin nung service crew.



"Good morning din po. Dalawang 1 pc. Burger Steak w/ 3 pcs. Shanghai, tapos pineapple juice naman yung drinks. Pasali narin ng dalawa ring mini sundae at fries regular. Yun lang" sagot ko naman.


Tumango naman ito sakin at sinabing mula yung naging order ko. Nagbayad naman ako pagkatapos.




Ilang minuto lang ay nakuha ko narin yung order ko at naglakad na ko papunta sa table namin ng Moch ko.



"So here's your order my lady." Kinindatan ko siya at iniabot sakanya yung pagkain niya.


"Salamat" ani nito.



"Wala bang kiss man lang diyan?" Inosente kong tanong. Tinaasan lang niya ko ng kilay. Taray naman. "Sabi ko nga, your welcome." Naupo narin ako sa harapan niya.





"Kamusta ka na?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.




"I'm good. Ikaw ba?" Tanong nito sakin pabalik.


Ang graceful naman nitong kumain. Lam niyo yun, yung ang liit lang ng kagat tapos sa isang side lang ng bibig ngumunguya. Ganown yung kanya. While on the other side, punong-puno naman yung bibig ko pagkumakain. Parang takot lang maubusan. Ewan ko ba kung bakit di ako masiyadong maarte pag kumakain. Lamon lang ako ng lamon. Nyahahaha



"Ito, miss ka na." Smooth kong sagot.


"Anyari sayo? Bakit ka naging ganyan? Last time I checked, di ka pa naman corny. What happened? What happened to Ren? Ibalik mo yung totoong Ren" natatawa niyang pang-aasar sakin.

Natawa nalang din ako. Totoo naman kasi. Ewan ko ba kung bakit ako naging ganito. Di naman kasi ako mahilig bumanat dati. Pero ngayon, ewan ko. Di ko maintindihan sarili ko. Gusto kong mapasaya siya kahit gawin ko pang kakatawa sarili ko. Gusto ko ring maging expressive sa feelings ko. I don't know why, but I feel more free.


Dahil ba sa lalaki ako ngayon? And this kind of relationship is normal in the eyes of the society and not a taboo? Mas may freedom? Walang manghuhusga? I don't know...









Pagkatapos naming kumain ay lumabas narin kami.

"Oii cr mo na ako. Naiihi nako." Reklamo ko sa kanya.

"Same to me. Tara, sabay tayong magpunta ng cr." Aya nito sakin at tumango naman ako bilang sagot. Nauna na siyang naglakad at nakasunod naman ako sakanya.





Habang nakasunod ako sa kanya ay bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman tumigil din ako. Humarap siya sakin at nagtatakang tumingin sakin.


"Bakit?" Naguguluhan kong tanong.



"You know that this way is heading to the ladies room... right?"



"Yeah-" biglang nanglaki yung mata ko ng marealise ko yung ibig niyang sabihin. Oh Shit! I'm not a girl nga pala ngayon. Patay! Pano ko to lulusutan. "H-hinatid lang kita. H-haha. A-alam ko namang l-ladies room to. S-sige punta nakong cr p-para sa mga l-lalaki." Nagkautal-utal kong sagot at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon.




Habol hininga akong napahawak sa tuhod ko matapos kong tumakbo palabas ng cr para sa mga babae.


"Fuck! Raine. But ka nadulas. You're a boy in this world remember that." Pagalit kong bulong sa sarili ko.



Pumikit ako ng mariin at humugot ng malalim na hininga bago ito pinakawalan. Ibinuka kong muli ang mata bago naglakad papasok sa restroom na naaayon para sa mga lalaki.




Can this shit gets anymore weirder? Cause if yes... I don't know what to do anymore.















360° (gxg)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ