Part 22

2.5K 113 0
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV





Totoo  kaya yung nakita ko kaninang umaga? Buhay si bestfriend? Pero napaka imposible naman eh... Pero kung iisipin-

"Tol..."

Nandito ako sa mundong kabaliktaran ng kinagisnan kong mundo. Babae ako na naging lalaki. Buhay rin ang mama at bunso kong namatay sa aksidenti. At marami pang bago... Magtataka pa rin ba ako kung ang mga imposibling bagay, kung iisipin ko ay possible? Ay ang gulo na talaga. Bakit ba kasi ako napunta di-

"Hoy tol!"  Nabalik ulirat ako sa pagtawag sa akin ni Alister.

"H-huh?" Nagtataka kong tanong.

"Uwian na." sabi niya habang sinisuri ako. Napatingin naman ako sa paligin. Oo nga, naggalabasan na yung iba kong mga kaklase. Nabalik naman ulit yung tingin ko kay Al ng magsalita ulit ito. "Pansin ko, kanina ka pa lutang ah. Ok ka lang ba talaga?" Sabi nito na may bahid ng pag-aalala ang bosis.

"O-oo naman. Tara na. Uwi na tayo." Sabi ko at nginitian siya ng pilit. Napatango nalang din siya at nauna ng lumabas. Napabugtong hininga ako at sumunod na sa kanyang lumabas ng silid.

Hay... totoo naman yung sinabi niya. Kanina pa ako wala sa aking tamang pag-iisip. Yung isip ko ay hindi nakapukos sa aming leksyon, kundi ay lumulutang ang aking isip magmula pa nung natapos kaming kumain ng umagahan sa canteen.

Naglalakad kaming hallway nang nakasalubong namin si Bellatrix."Moch, hi. Labas tayo?" Ani nito.

"Pasiyensiya na mo chisle. May lalakarin pa ko eh." napakamot sa batok kong sagot.

"Sige na please..." nag puppy eyes pa ito sa akin. Pa cute ang busit.

Napabugtong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa nito. Hay, ang cute niya eh...

Sasagot na sana ako ng may mahagip ang mata ko. Aalis sana ako para sundan ito, ng hawakan ni Bellatrix ang kamay ko. "Moch, where are you going?"

"Wait lang mo chisle. May pupuntahan lang ako saglit" sagot ko habang tinatanggal ang pagkakahawak niya. Nakita kong papaliko na ang taong susundan ko ng pasilyo kaya nagmamadali na akong maglakad para sundan ito.

"No!"

"Mo chisle ko, pls. Madali lang talaga. Balik rin ako agad pls." Hinawi ko siya dahil humarang siya sa dadaanan ko.

"I said no."

"Ple-"

"No"

"Sige na pl-"

"I said no! Are you somehow deaf, or just plain  stupid. Can't you understand a simple no?!" galit niyang pahayag.

"Please... madali la-"

"I said n-"

"Fuck! Sabing madali lang eh!" I snapped at her. Oh God! What did I do. "Mo chisle, I-I'm sor-rry. I didn't m-mea-" hihingi sana ako ng tawad dahil nasigawan ko siya, ngunit tumalikod ito sa akin at naglakad pa alis.

Urgh! Rain, anong kabobohan na naman to. Napatingin ako kay Alister na kanina pa walang imik. Bumugtong hininga ito at nagsalita sakin pagkatapos. "Sundan mo yun. Baka magtampo yun sa iyo"

Alanganin akong napailing, kaya nagtaka siya tumingin sa akin. "Ikaw nalang sumunod sa kanya please. May kailangan lang talaga akong gawin." Sagot ko at tumalikod na para umalis

360° (gxg)Where stories live. Discover now