Part 37

2.2K 103 10
                                    

Yzei Raine/Ren Zein Marquiz POV










Sino naman kaya yung taong nagtext sa akin kanina...


May ibang tao pa kayang nakakaalam sa sitwasyon ko ngayon, maliban kila Alister at Ysabelle? O pinaglalaruan lang ako nung dalawa?


Pero di naman sila ganoong klase ng tao eh.


Kaya, sino???









"Ren"



"H-huh?" Nabalik ako mula sa malalim kong pag-iisip nung tinawag ni Moch yung pangalan ko.




"Your spacing out. Are you okay?" Nag-aalalang tanong sakin ni Moch.





Kanina pa kasi talaga ako wala sa sarili ko. Mula nung pagkabasa ko sa text ay iniisip ko na kung sino talaga yung nagmamay-ari nung unknown number. Baka kasi alam nung taong yun ang paraan kung paano ako makakabalik sa totoong mundo ko.




"A-ah yeah... I'm fine." Sagot ko kay Moch saka ngumiti ng pilit sa kanya. Mapanuring tinitigan naman niya ako sa mga mata ko. Pero nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Di ko kayang salubungin yung mata niyang tinatansya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.




Nakahinga naman ako ng maluwag nung  sumabat sa usapan namin yung madaldal na kaibigan ni Moch na si Artemis. "Beshy, ano ka ba. Baka excited lang  si Ren sa darating  nating summer break. Alam mo na, excited lang yang boyfriend mo makita kang naka two piece. Kaya pag usapan na natin yung gagawin natin ngayong darating na bakasyon dali!!!" Excited nitong pahayag.




Salamat naman sa babaeng madaldal na to at naiwasan ko yung mapanuring tingin sakin ni Moch.




Nandito kami ngayon sa isang kainan. Nagugutom daw kasi silang tatlo kaya napagpasyahan naming tumambay nalang muna dito at ng makapagsnack na din.




"Hmm..." Sagot naman ni Moch dito sa kaibigan niya habang sumisipsip sa straw ng inumin niya.




"Moon, sa  beach niyo nalang kaya tayo. Ganda kasi dun. Pareserve ka kay tito dali." Sabi ni kay Luna habang inaalog-alog ito sa balikat. Nahampas tuloy ito ng isa. "Aray" daing nito habang hinihimashimas yung parting nahampas ni Luna.




"Why won't you focus more on our upcoming examination rather than that vacay your talking about." Pangaral ni Luna dito sa kaibigang maingay.




Nagpout naman si Artemis dito. "Ito naman ang kj. Walwal din gurl." Sabi niya sa kaibigan.




Di naman umangal o sumagot man lang si Luna dito at sa halip ay bumalik nalang ulit  ito sa pagc-cellphone at isinalampak sa tainga nito ang kanyang headset. Naingayan siguro sa kaibigan.




"Tayo nalang mag usap Ren. Ang kkj ng mga kasama natin eh." Reklamo sakin ni Artemis. "So ito na nga. Sa darating na summer break, kailangan mong sumama sa aming tatlo. Mag b-beach tayo! Isama mo na din yung dalawa mong kaibigan. The more the merrier!" Napangiwi naman ako sa kahyperan ng babaeng to. Ilang supot kaya ng chocolate ang pinagdiskitahan nitong kainin. Ang hyper talaga masiyado. Tapos ang ingay pa. Parang nakalunok lang ng microphone.





"Ah... eh, ewan ko lang sa kanila. Baka kasi di yun dito magbakasyon yung dalawa." Sagot ko naman sa kanya.





"Sayang naman." Dismayadong ani nito.  "Change topic na nga lang. Ikaw Ren, naniniwala ka ba sa parallel world, multiverse o yung mga switch bodies?" Tanong nito sa akin na siyang nagpakaba sa akin.







360° (gxg)Where stories live. Discover now