30

141 5 1
                                    

"Sirius, may lakad ka ba ngayon? Dadalaw kami kay Louie ngayon." Mom asked. I shook my head lazily.

Nandito kami ngayon at kumakain. Tinatamad naman akong kumilos dahil inaantok pa ko. Napaka epal kasi nung kuya ko!  Pagkatapos ko umiyak kay Mom ay nagkulong lang ako sa kwarto at umiyak hanggang sa mapagod.

"Sa susunod na lang po, Mom. Ikamusta nyo nalang po ako kay Louie. May pupuntahan po kasi ako mamaya." Saad ko. Tumango tango naman sya habang ang kuya ko ay nakasimangot.

"Miss ka na ng pamangkin mo! Kapag yung pangit mong ex ang pupuntahan mo, wag ka nalang tumuloy!" Bulyaw nya sakin. Napahikab naman ako sa kanya.

"Birthday ni Gez mamaya. Party party muna kami. Sabihin mo nalang kay Louie hanap ko syang chix kapag may nakita ako." Tinatamad na sabi ko. Binatukan nya naman ako.

"Bata pa yung anak ko hoy!" Sabi nya na ikinatawa ko.

Pinagpatuloy ko nalang ang kinakain ko dahil siguradong mamaya tuluyan nang masusunog ang atay ko!

Wearing my bodycon dress and heels. I put a dark make up on my face. Mukha kong bitch ngayon pero ayos lang naman.

Napatingin ako sa cellphone ko at inaabangan ang isang numero na hindi na tumawag o nag text sakin simula nung pinaalis ko sya. Naghahanap pa ko ng tyempo kung paano ko kakausapin si Ashton.

Binuksan ko ang kotse at mabilis itong minaneho. So today, forget the worries, and let's party!

Pagdating ko sa bar ay hinayawan agad ng mga tao mula sa labas ang naririnig ko. Agad akong napangiwi ng maayos ko ang alak. Ayaw ko talaga ang amoy ng alak.

Dumeretso na ko sa loob at hindi pinansin ang ilang dinadaan ko na nagme-make out. May ilan pa nga na sinusubukan akong kausapin pero hindi ko pinapansin.

"Sirius!" Dinig kong boses ni Gab.

Napatingin ako dito na ngayon ay kumakaway sakin katabi si Andrei. Agad naman akong napangiwi bago lumapit.

"Para kang mangkukulam!" Salubong naman sakin nito. Inirapan ko lang sya bago humarap dun kay Andrei at tinanguan sya.

Andrei is really a nice guy and handsome, wala naman kaming kaso sa kanya dahil alam kong magiging mabuti siya sa kaibigan ko, at aalagaan ito.

I heard a laughed, then I looked at it. Nakita ko si Gez na tawa ng tawa habang tinuturo kami ni Neriana. Napatingin naman ako kay Neriana at napangiwi ng makita na magkaparehas kami ng suot.

"Sumasali ka na ba sa kulto ni Sirius, Neri?" Natatawang saad ni Dionne. Binatukan naman sya ni Neriana habang ako ay inirapan nalang sya bago naupo.

"Happy birthday." Nakangising sabi ko sa kay Gez bago ihagis sa kanya ang regalo ko.

Nagniningning naman ang mata nito habang malalapad ang ngiti. Dali dali nya itong binuksan na agad ikinawala ng ngiti sa mga labi nya. Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan namin.

"Yun oh! Magkakaron ka na ng asul na mata, mas bagay na kayo!" Gab teased. Tumawa naman ako sa kanila at tinungga ang inabot na alak ni Neriana.

"Pinagkanulo mo na nga ako, niregaluhan mo pa ko ng magpapaalala sa kanya! Wow, Sirius ha! Salamat!" She said sarcastically. They laughed unison.

Sino ba namang matutuwa kung contact lense ang ireregalo, tapos blue pa.

"Baby, baby blue eyes~" Pagkanta ni Neriana, bahagya pa itong pumiyok kaya mas nagtawanan sila. Nakita ko naman ang lalong pag simangot ni Gez dahil don.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now