28

79 5 0
                                    

Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Puro puti ang makikita, may naririnig din ako na ilang palahaw ng tao. Nagpasama ako kay Trev para pumunta sa rehabilitation. Ayaw nya pa sana pero sinabi kong gusto kong makausap si Ishi.

I want to apologize to her. Hindi ko inaakala na mapupunta sya sa sitwasyong ito. May kasalanan din ako kaya naisipan kong humingi ng tawad. I feel bad for what happened to her.

"Samahan na kita sa loob." Trev offered. I shook my head. He's paranoid, uh.

"Just wait for me, there." Turo ko sa upuan na hindi kalayuan dito. Nagaalala naman syang tumingin sakin.

"Baka saktan ka nya." He said worriedly.

I smiled for assurance. Alam kong nag aalala lang sila pero naniniwala akong hindi ako kayang saktan ni Ishi.

"I can take care of myself. Go, I want to talk to her, alone." Saad ko dito habang tinutulak sya.

Wala naman syang nagawa kung hindi sumunod. Nang makita ko itong nakaupo na ay huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

Nadatnan ko sya na pinapakain ng isang nurse habang pilit nya itong tinatabig. Nakatingin lang sya sa labas na animoy walang buhay.

Mukang hindi nya naramdaman ang presensya ko. Nakaramdam ako ng awa nung makita ko sya. Walang buhay ang mga mata nya na parang mga patay.

Napatingin sakin ang nurse kaya lumapit ito sakin. Hindi naman nag abalang tumingin sakin si Ishi dahil nanatili pa rin sa labas ang tingin nito.

"Kayo po yung bisita?" Tanong nung nurse at tumango lang ako. Yumuko naman sya.

"Ayaw nya pong kumain. Ganyan po sya simula nung inilagay sya dito. Kayo pa lang po ang naging bisita nya kaya natutuwa po ako na dumalaw kayo." Nakangiting sabi nito.

Nakaramdam muli ako ng awa para sa kanya. Hindi ba sya dinadalaw ng mga magulang nya? Si Ashton? Trev? 

"Ako na magpapakain sa kanya." Saad ko at bahagyang ngumiti. Nakita ko naman ang paglapad ng ngiti nya.

"Sige po, Ma'am. Pindutin nyo lang po iyon kapag may kailangan kayo." Saad nya habang tinuturo yung red button. Tumango naman ako sa kanya kaya lumabas na ito.

Tumingin ako kay Ishi na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nililingon. Sa katunayan ay kinakabahan ako pero sinasawalang bahala ko lang.

Natatakot ako na baka saktan nya na naman ang sarili nya. Inilibot ko ang paningin at nakahinga ng maluwag nung wala akong makita na matalim na bagay.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. I'm so nervous right now! She's mad at me, I know. Kaya nga hindi pa dapat ito ang oras para kausapin sya pero hindi ko alam kung bakit may tumutulak sakin na pumunta dito.

She needs someone who will talk to her.

"Ishi." Pagtawag ko sa atensyon nito. Nanatiling sa labas ang tingin nya. Umupo naman ako sa kama, katabi nya.

"Come here. You looked damsel in distress there." I joked but still no response.

"Kumain ka na. Hindi ka pa raw kumakain sabi ng nurse." I spoke again.

This time, nakuha ko na ang atensyon nya. Nagtataka syang tumingin sakin na parang hindi nya inaasahan na pupuntahan ko sya.

Umiwas sya ng tingin at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. I bit my lower lip. Mas nakakatakot sya pag ganto katahimik. Pakiramdam ko pinapatay nya na ko sa utak nya.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now