27

91 5 0
                                    

"Hijo, bakit ka naman kasi naligo sa ulan baka mag kasakit ka pa." Mom said, worriely.

Nakaupo ito sa sofa habang nag pupunas ng buhok. Pinagpalit muna sya ng damit, hihiram muna sana ako kay kuya pero umangal ito.

Bukod don ay mayroon din nalang extra na damit si Ashton sa kotse kaya nakapagpalit sya. Kaya naman pala malakas ang loob maligo sa ulan, pinaghandaan.

"Papansin lang." Pabalang na sagot ni kuya kaya nilakihan ko sya ng mata. Sumimangot naman ito.

"A-ah, pagpasensyahan mo na yang panganay ko hijo. Nabagok kasi yan nung bata kaya ganyan ang utak." Pagbibiro ni Mom. Natawa naman ako samantalang si Dad ay naka poker face pa rin.

Ngumiti naman si Ashton. "Wala po iyon." Magalang na saad nya.

Pagkatapos namin maghapunan ay dumeretso kami sa sala. Nakaupo kami paikot na parang ine-interrogate si Ashton. Nasa taas na naman si Rain dahil sabi ni Dad ay bawal daw sa mga bata ito kaya walang nagawa ang kapatid ko kung hindi umakyat

Dad clear his throat. "Anong ginagawa mo dito?" Malamig na usal nito. Napatingin naman ako kay Ashton na mukang kinakabahan na.

"U-uh, gusto ko lang po makausap si Sirius." Nakatungong saad nito. Napatingin naman sakin si kuya kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Kung ayaw naman ng anak ko na makausap ka, bakit ipagpipilitan mo pa?" Dad said.

Sumandal ako sa sofa at pinahinga ang ulo ko. I watch them while crossing my arms. Gandang palabas nito.

"P-patawad po sa nagawa ko sa anak nyo. Please, let me talk to her po." He said and looked at me for a while before averting his gaze.

"At may gana ka pa mag pakita matapos ng lahat nang iyon?" Kuya interrupted. Kinuha ko naman ang chips sa tapat at binuksan ito.

"Don't be harsh to him, boys. Gusto nya lang naman makausap si Rius, nakay Sirius pa rin ang desisyon." Mom said, and they looked at me. I raised my eyebrow.

"Continue, don't mind me." I said and continue eating. Nakatingin pa rin sila na animoy hindi makapaniwala. "What?" I mouthed.

"You seems enjoying the show, huh?" Kuya said. I rolled my eyes at him.

"Hindi ba binalaan na kita na wag mo sasaktan ang kapatid ko? Anong ginawa mo? Gago." Pasigaw na sabi ni kuya. Lumapit naman sa kanya si Mom at binatukan sya.

"Gusto mong tahiin ko yang bunganga mo?" Pagbabanta ni Mom na ikinatihimik ni kuya. Natawa naman ako sa kanila. Isip bata.

"Bat' ang tagal mong hindi nag pakita? Nahihiya ka sa ginawa mo?" Malamig na usal ni Dad.

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Ashton kaya napatingin ako. "I actually want to apologize personally for everything po. I'm asshole---" Kuya cut his words.

"Ngayon mo lang nalaman?" Pabalang na sabi ni kuya. Natawa naman ako ng bahagya.

"I've been asshole, even before. I'm aware of that." He said in low voice. I looked at him because I can hear a hint of disappointed to his voice.

"Don't be so dramatic. Payag ako kausapin mo ang anak ko, pero sa kanya pa rin ang desisyon." Dad said. Tumingin naman sila sakin kaya wala akong nagawa kung hindi mapatango.

"Bukas nalang, inaantok na ko. Dito ka na matulog may guess room dyan." Saad ko at naunang tumayo papuntang taas.

Nakita ko ang paghinga ng maluwag ni Ashton. Bago ako pumasok ay nakita ko pa ang ngiti ni Mom kay Ashton. Lumapit naman sa kanya si kuya at tinapik ang balikat.

Behind the Star (Squad Series#1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum