14

78 9 0
                                    

"Don't forget our dinner tomorrow."

Oo nga pala, pupunta ako sa bahay nila para sa dinner bukas. Wala namang pasok dahil sabado kaya pumayag na ko.

Hinatid nya ko matapos nang trabaho ko kanina. Nandito na kami sa tapat ng apartment ko, papasukin ko pa sana sya pero ayaw nya. Napaka arte talaga ng ulupong na ito, siya na nga inaalala ayaw pa.

"Ano bang meron bukas?" I asked. He smiled at me.

"Early celebration for my graduation also...I will formally introduce you as my girlfriend." He said. I raised my left eyebrow.

"Kilala na nila ako ah?" Tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga naman sya.

"Yeah, baby. As a cashier of our restaubar and friend of my sister, not my girlfriend." He said in bored tone. Natawa naman ako sa kanya.

"Fine." Tipid kong sabi ngumiti naman sya at mababakas ang kapaguran sa mata nya. "Go home, Ashton. You look tired." He sighed.

"Sorry, baby. Babawi ako sayo, promise." Pagod na saad n'ya.

Hinigit ko naman sya para sa isang mahigpit na yakap, naramdaman ko na nanigas sya sa kinatatayuan nya pero kalaunan ay nakabawi rin at niyakap ako pabalik.

"Go home and rest, Ashton. Don't stress yourself.." Bulong ko sa kanya. Isiniksik naman nya ang ulo nya sa leeg ko.

"I will, baby. Susunduin kita bukas." Saad nya bago humiwalay sakin. Ngumiti naman sya at hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako.

"Gotta go." He said. I nod in response.

"Take care." Tipid kong sabi. Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad. Akmang papasok na ko sa loob nang marinig ko ang tawag nya.

"Baby.." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Miss agad ako? 

"I love you." He mouthed. Tila naestatwa ako dahil ito ang kauna-unahang beses na sinabi nya ang mga katagang ito.

Akmang magsasalita na ko pero hindi ko mailabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Alam kong yun ang nararamdaman ko pero natatakot ako sa kadahilanang hindi ko malaman. Ngumiti nalang ako ng matamis sa kanya.

"Ingat, Ashton.." Saad ko.

Hindi nakatakas sakin ang pagkadismaya sa mga mata nya kaya inunahan ko na syang tumalikod. Hindi ko kaya na makitang ganon ang reaksyon nya.

Dumeretso ako sa kwarto at pabagsak na hiniga ang sarili ko bago tumitig sa kisame. Dapat bang sinagot ko ang sinabi nya? Sigurado ako sa nararamdaman ko para sa kanya pero ang mga salitang iyon ay hindi ko kayang basta basta nalang bitawan.

Since then, I've always wanted to have a better future. Graduated with flying colors, stable work and a man who will loved me despite of everything. Who wouldn't want it, right?

Pinangako ko sa sarili ko na hindi mararanasan ng magiging anak ko ang pakiramdam ng hiwalay na magulang. I want them to experience having a complete and happy family. Yung mararamdaman nila ang pagmamahalan sa loob ng tahanan.

Love is about give and take. Hindi pwedeng tanggap ka lang ng tanggap, hindi rin pwedeng bigay ka lang ng bigay. Yan ang isa sa natutunan ko simula ng maghiwalay sila Mom at Dad.

I don't do commitments, why? Simple lang, ayaw kong natatali sa isang tao, ayaw kong nasasakal ako pero ganon naman siguro sa isang relasyon diba? Kaya sumubok ako.

Take it or leave it? Two choices but both of the choice will surely hurt you at the end so better choose what makes you happy.

Tumingin ako sa litrato na nasa tabi ng kama ko. My sister and I. Kinuha ko ito bago pinagmasdan ang mukha ng kapatid ko. Ang mapuputi nyang kutis ay walang wala sa morena kong balat.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now