25

82 5 0
                                    

I slowly open my eyes. I can see familiar celling. Nandito pa rin ako sa bungalow. Napatayo ako, at kinuha na agad ang baso ng tubig sa tabi para inumin.

Pilit kong inalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Bumalot sakin ang pamilyar na kaba at sakit nang maalala ko ang lahat.

I looked at the side when I heard a noise. I saw Trev, cooking. I shrivered in nervous again.

Paano kung sigawan nya rin ako? Paano kung galit pa rin sya. Shit. I don't know what to do.

I looked at my side to check around. I met his cold eyes, and stared for a second before I looked away. I feel guilty, maybe because I'm still the reason why she did that?

Then maybe I should stay away from Trev too.

"Sakto. You should eat, halos dalwang araw kang walang malay." He said coldly. Ang tagal ko palang nawalan ng malay.

Hindi ako makatingin sa gawi nya dahil sa kabang nararamdaman ko. I want to tell him the truth but what if, hindi sya maniwala? Kung si Ashton nga ay hindi naniwala, sya pa kaya.

Napatingin ako sa nanginginig kong kamay at nagtataka ng makita ang bendang nakapulupot dito.

"W-what happened to my hand?" I trembled. He sighed and place a tray to drawer.

"Hindi mo siguro napansin na malalim ang paghawak mo sa bubog. Bumaon ito sa kamay mo, buti na nga lang ay bumalik kaagad ako para tignan na. Doon ko nakita na nawalan ka ng malay, pati ang sugat mo sa kamay." Paliwanag nya sa malamig na paraan.

I suddenly felt disappointed but at the same time thankful. Hindi sya ang inaasahan kong babalik. Bakit nga ba babalik pa si Ashton?

Galit na galit sya sakin sa nangyari, sa pagaakalang sinaktan ko ang girlfriend nya. Sino nga ba ako para maniwala sya? Isa lamang akong hamak na parte ng nakaraan nya.

Nakayuko ko lang kinuha ang tray dahil gutom na rin ako. Sinubukan kong kumain pero hindi kaya ng kamay ko dahil kumikirot. Sa kanan kasi ako nagkasugat kaya ang hirap igalaw. Naramdaman ko ang pagkuha ni Trev sa kutsara.

"Let me help you..." He said sternly. Pumayag nalang ako dahil wala akong lakas. Nanatiling nakayuko pa rin ang ulo ko.

"Hindi kita masusubuan kung nakatungo ka." Saad nito sakin.

Dahan dahan kong inangat ang tingin ko, parang gustong sumabog ng luha sa mga mata ko ng makita ko sya. Gusto kong magsumbong, gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong sabihin na hindi ako ang sumaksak, pero pinanghihinaan ako na lakas ng loob.

Tahimik nya kong sinubuan hanggang sa matapos nya kong pakainin. Inabutan naman nya ko ng tubig at gamot para daw mawala kahit paano ang pagkirot ng sugat ko.

Gusto ko nga sanang itanong kung mayroon din ba syang gamot sa kirot sa puso ko.

Nang maangat ko ang tingin ko ay malalamig pa rin ang paraan ng pagtingin nya sakin. Gusto kong maiyak sa harapan nya ngunit parang naubos na ang luha ko.

"T-trev..." I said, trembling. He looked at me, cold.

Ipinikit ko muna ang mata ko bago ulit magsalita. "H-hindi ko ginawa yon.. h-hindi ako ganoong t-tao.." I said lowly.

Nagsimula nang mahulog ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko naman ang pag angat nya sa baba ko kaya nasalubong ko ang malalamig nyang mata.

He smiled at me. "I know.." He said still smiling. Inilapit nya ko sa kanya para yakapin ng mahigpit. Niyakap ko sya pabalik at sumiksik para umiyak.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now