10

100 10 0
                                    

"What?!" He exclaimed. Bakit ba ang OA ng mga tao ngayon?

"Dito ka na matulog." Ulit ko sa sinabi ko. Agad naman syang napasabunot sa buhok nya. Ba't ba problemado ang isang to?

"Damn it! Uuwi nalang ako. Babae ka at lalaki ako. Hindi magandang tignan. Isa pa hindi ka ba natatakot sakin?" Agad nyang sabi. Napakunot naman ang noo ko. Ah! Kung ano ano nalang iniisip ng isang to.

"Wala ka namang gagawin, hindi ba?" Tanong ko sa kanya. Napaangat naman sya ng tingin sakin.

"Of course, baby.." Saad nya sa malumanay na tono. Napalunok ako, baby daw...

"Oh yun naman pala. Edi dito kana matulog kaysa maaksidente ka pa dyan." Sabi ko, pilit kinakalma amg sarili kahit kinakabahan din.

Napatingin naman ako sa sofa na inuupuan nya. Masyado itong maliit hindi sya kasya.

He smiled widely. "Concern ka sakin?" Sabi nya na nagmumuka ng aso sa laki ng ngiti. Napataas naman ang kilay ko.

"Mas nagaalala ko sa sarili ko. Madadagdagan lang konsensyang dinadala ko." Pabalang kong sagot. Agad naman syang napasimangot.

"You're bad." He pouted. Kanina pa sya nagpapacute!

I smiled at him sarcastically. "You still like me." I shrugged my shoulder. He laughed.

"Conceited! Damn, that's my baby!" He exclaimed. I frowned. Psh.

"I'm not your baby, moron." I said.

"Yes, you are!" He exclaimed. I glared at him.

"Shut up!" Humalakhak naman sya. Hindi naman halatang masaya sya. Tumalikod ako para pumuntang kwarto at ayusin.

Sa sahig ko nalang kaya sya patulugin? Hindi naman sya kasya sa sofa at isa pa hindi kami pwedeng magtabi. Kaso anak mayaman to, mamaya mag kasakit pa ako pa sisihin. Argh! Bahala na nga!

"Dun ka na sa kwarto ko matulog. Isa lang ang kwarto ko wag ka na umarte." Malamig kong sabi. Agad namang nanlaki ang mga mata nya.

"You mean magkatabi tayo?! Hindi pwede iyon! Hala!" Saad nya na animoy natataranta. Para talagang tanga ang isang to. Ano bang pinagsasabi nya?

"Anong magkatabi? Sa sahig ka." Sabi ko at inirapan sya. "Sumunod ka na" Bago sya tinalikuran.

Buti nalang at nalinis ko kahit paano ang kwarto ko. Napakaburara ko talaga kahit kailan. Nakakahiya sa prinsipe. Agad akong nakarinig ng bukas ng pinto at nakitang nakatayo sya don.

"Tatayo ka lang dyan?" Sabi ko.

Agad naman syang umiling at pumasok na. Para syang highschool student na pinagalitan sa harap ng crush nya. Natawa ko ng bahagya sa itsura nya. Kakaiba talaga sya..

"Dyan ka. Wag na wag mo akong gigisingin kung hindi.. " Sinamaan ko sya ng tingin. Agad namang itinaas nya ang kamay nya na parang sumusuko.

"Nakakatakot ka naman! Oo na!" Saad nya. Hinagis ko sa kanya ang isang kumot at unan.

"Ikaw na magpatay ng ilaw." Sabi ko bago tuluyang mahiga.

Maya maya lang ay dumilim na ang kabuuan ng kwarto ko. Damn! This is so awkward.

Kanina pa ko nakatulala dito at hindi makatulog. Hindi ako sanay na may kasamang iba sa kwarto! Batid ko nalang gising pa rin sya dahil likot sya ng likot.

"Sirius?" Tawag nya. I hummed.

"Gising ka pa?" He asked. I rolled my eyes.

"Ay hindi!" I said with sarcasm.

Behind the Star (Squad Series#1)Where stories live. Discover now