[15] All Together

33 8 2
                                    


KAI

14 years later...

PAPUNTA na ako kina Tita Ryleine ngayon. Dina-drive ko ang kotse ni Tatay Johann. College student na ako, malapit nang maka-graduate.

"Nako, may boyfriend na talaga," inasar ko kaagad si Ryzeleine-anak nina Tito Ryven at Tita Ryleine.

Umirap siya sabay nguso. "Kuya, wala pa nga! Kung may boyfriend ako, sana kilala niyo na," depensa naman niya. Para lang siyang si 'Nay Yamara.

"Wala pa raw kasi. Nangunguna ka, Kuya Kai, eh," sabi naman ni Tita Ryleine.

Sinamaan ko ng tingin si Ryzeleine. "Sinasabi ko sa 'yo, Ryzel, subukan mong mag-boyfriend ngayon, ah," pagbabanta ko. Inirapan ulit niya ako, alam ko namang nagsasabi siya ng totoo, inaasar ko lang talaga siya.

"Kumusta ang school?" Hindi ko pa rin siya tinigilan.

"Duh, first honor!" sumbat niya.

"Good," matipid kong sabi.

"Very good!" pagpuna niya sa sinabi ko.

Nag-asaran lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa sementeryo. Nauna silang bumaba dahil nag-park pa ako nang mas maayos para mas malapit ito sa spot na pupuntahan namin.

Nasa kabilang side sina Tita Ryleine dahil naroon ang puntod ni Tito Ryven.

"Good morning!" masaya kong bati.

***

In Loving Memories of
Yamara Elyza Vallerio.

December 10, 1987-
November 6, 2012

***

In Loving Memories of
Johann Rye Sebastian.

January 5, 1986-
September 9, 2012

***

In Loving Memories of
Leyjan Kahr Balagtas.

June 12, 1986-
December 7, 2012

***

"Kumusta po kayo?" Nakangiti lang ako habang nakaupo sa picnic mat na inilatag ko.

Pakiramdam ko, katabi ko pa rin sila kahit dampi ng hangin na lang ang nararamdaman ko, at huni na lang ng mga ibon ang naririnig ko.

Hindi ako galit sa kanila dahil iniwan nila ako nang maaga. Nagpapasalamat pa rin ako dahil ginawa nila akong parte ng mga buhay nila, 'yon lang, sapat na sa akin-sobra-sobra pa.

Naaalala ko pa noong may dumating na service para sunduin kami ni Yaya Isay. Masayang-masaya pa ako no'n dahil akala ko maglilibot kami o kaya ay mayroong surprise family outing pero ang dinatnan ko, si 'Tay Johann na wala nang buhay.

Sobrang sakit na ilang buwan kaming hindi nagkikita, tapos no'ng nagkasama na kami, 'yon na rin pala ang araw na magpapaalam ako sa kaniya.

At least, naibigay ko kay 'Nay Yamara 'yong singsing na naiwan niya sa kama noong huling uwi niya sa bahay. 'Yon na lang ang pwede kong gawin para sa kaniya, kahit hindi niya tinupad ang pangako niya na tatabihan niya akong matulog.

Sa ngayon, naipanalo namin ang kaso ni Tito Achi. Nakakulong na ang mga pumatay sa kaniya, pero dinadalaw pa rin namin sila ni Tita Anastasia every weekend.

12:51: Long-Lost FriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant