Prologue

262 41 36
                                    

This story is a work of fiction. Ang anumang pangalan ng mga tauhan, lugar, at mga pangyayari sa kwento na may pagkakahalintulad sa totoong pangalan ng tao, lugar, maging ng mga pangyayari ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Note: This is my first story here on Wattpad. Some of my childish manners were applied to the characters unintentionally. I was still learning how to write when I wrote this story, even until now, I'm still learning and doing my best to improve and be better.

TRIGGER WARNING!

P.S. 15 years old pa lang po ako nang isulat ko ito. Kung hindi po kayo komportable sa childish (or cringey) scenes, you can skip this story.

Happy Reading!

12:51: LONG-LOST FRIEND is now self-published!

12:51: LONG-LOST FRIEND is now self-published!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

_________________________________________

ACHI

     19 YEARS AGO, akala ko'y mawawala na ako. Akala ko ay hindi ko na ulit makikita ang mga ulap sa kalangitan. Akala ko'y hindi ko na ulit masisilayan ang pagsikat at paglubog ng araw. Maraming mga Akala, pero mas maraming Akala ko lang pala.

     Ang tanging nasa isip ko noon ay oras ko na, pero salamat sa dalawang best friend ko na hindi ako iniwan, at ipinagpapasalamat ko ang buhay ko sa kanila dahil doon.

     Para sa akin, my life was a miracle and not a lie.

     Alam mo ba 'yong parang natupad lahat ng mga pangarap mo sa buhay kahit hindi mo naman talaga pinangarap iyon?

     Ang sarap sa pakiramdam. Wala na akong iba pang hihilingin dahil kontento na ako sa buhay ko ngayon. Guess what? Magkakasama na kaming tatlo ngayon---masaya at walang problema.

     Pero kahit masaya na kami ngayon, nakaka-miss pa rin 'yong mga problemang nalagpasan namin. Hinahanap-hanap ko pa rin 'yong stress at sakit sa ulo.

     Sa totoo lang, kung papipiliin ako kung ano ang buhay na gusto ko, gugustuhin ko 'yong buhay na mahirap. Gusto ko 'yong buhay na maraming problema... Buhay na maraming beses kang lalaban pero hindi mo susukuan. Iyon ang buhay na gusto ko.

     Sa ilang taong puno ng mga problema, alam kong nahirapan ako pero hindi ko tinanggap ang lahat ng 'yon bilang pabigat at pahirap sa buhay. Pagsubok ang mga 'yon na kailangan kong paghirapan, kailangan kong ipanalo. At iyon ang ginawa ko.

     Mahirap ang buhay sa mundo, pero makakaya mong lagpasan ang lahat ng mga kinahaharap mong mga problema kung maniniwala at magtitiwala ka sa sarili mo.

12:51: Long-Lost FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon