[4] A Gift From Achilles

48 14 28
                                    


JOHANN

"LOVE, baka may ipakukuha ka?" tanong ko kay Yamara habang gumagayak ako.

"Wala naman. Bakit? Saan ka pupunta?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.

Isinuot ko ang aking black eyeglasses. "sa condo. Kukuhanin ko 'yong laptop ko. May mahalaga tayong kailangang gawin mamaya," sagot ko habang inaayos ang buhok ko.

Nilalaro niya 'yong teddy bear na ibinigay ko sa kaniya. "Ano naman?" Tinaasan niya ako ng kilay.

I clicked my tongue. "Basta, ako'ng bahala," sabi ko na lang.

"Hmm, okay," matipid niyang sabi habang hinahalik-halikan ang teddy bear.

Matamlay naman akong tumingin sa kaniya. "Sana, teddy bear na lang ako." Ngumuso ako habang nakatingin pa rin sa kaniya.

"Tama na 'yong kahapon!" sabi niya.

"Kiss pa kita, eh," bulong ko sabay layo ng tingin sa kaniya dahil alam kong may lilipad na kung anong bagay papunta sa mukha ko.

Pagharap ko sa kaniya para magpaalam, biglang tumama sa mukha ko 'yong maliit pero mabigat na unan niya. "Aray! Masakit 'yon, ah!" kunwari'y nagalit ako habang nakahawak sa mukha ko. Pero masakit talaga 'yon, ah.

"Si love naman, parang baliw," kalmado niyang sabi, pero masamang-masama ang tingin sa 'kin.

Hindi na ako lumaban dahil alam kong magiging totoong away 'to. Lumapit na lang ako sa kaniyang at saka humalik sa kaniyang noo. "Alis na ako, inaaway mo naman ako," pabiro akong nagpaalam.

"Hindi kita inaaway, 'no!" Inirapan niya ako pagkatapos yumakap sa 'kin. Matapang pero parang baby kung maglambing.

"Sasaglit lang ako," paalam ko bago lumabas ng kwarto.

***

NANG magawa ko na ang pakay ko, umalis na ako sa condo. Pabalik na ako ng ospital.

Literal na saglit lang ang alis ko dahil magkakalapit 'yong ospital, condo, at El Verio Company. Para lang akong pabalik-balik sa tatlong 'yan. Minuto lang ang kailangan bago makarating.

"Love, look what I have here," bati ko pagkapasok ng kwarto.

Nag-aabang pala siya sa pagbalik ko. Hindi ko alam kung para sa pagdating ko mismo, o para lang talaga sa pagkain na siguradong dala ko pagbalik.

Iniabot niya kaagad 'yong dalawang box ng donut. "Thank you, love," nakangiti siyang nagpasalamat, hindi ko alam kung sincere o nang-uuto. Pambihira.

"Ano ba'ng gagawin natin? Ano'ng agenda mo, ha?" tanong niya habang binubuksan ang kahon ng donut.

I sat next to her and put my cup of iced coffee on the table. "Look for Achi," I simply answered, trying to focus while opening my laptop.

Nakatahimik ako at ino-open 'yong laptop nang hampasin ako ni Yamara ng teddy bear. "'Daya, ba't ikaw lang may Starbucks?!" galit niyang tanong sa akin habang masama ang tingin sa kape ko.

"I won't allow you to drink coffee. Drink water," I strictly said.

"Drink water, drink water," she mocked me, trying to convince me that she's really mad.

Kumagat na lang siya sa donut. "How? Eh, ni hindi nga natin alam kung nasaan siya ngayon at kung buhay pa ba siya hanggang ngayon." Bigla niyang kinalimutan ang trip niya at nag-focus lang sa sinabi ko na hahanapin namin si Achi.

Humigop ako ng kape at nanlisik ang mga mata niya nang makita iyon. Ininggit ko pa siya habang umiinom ako. Kinurot naman niya ako nang bahagya sa tagiliran.

12:51: Long-Lost FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon