[1] A Weird Dream

177 28 58
                                    


JOHANN

ALAS-SIYETE pa lang ng umaga at sinusulit ko pa ang isang minutong paghiga sa malambot kong kama nang may tumawag sa akin.

"Hello, good morning. This is Mr. Sebastian. How can I help you?" matamlay kong bati sa kausap ko.

Wala pa ako sa sarili dahil halos kagigising ko lang, kaya hindi ko na-realize na boses pala 'yon ng secretary namin sa may office.

"Good morning, Mr. Sebastian, this is your secretary from El Verio Company. We would like to invite you this afternoon for some important meeting with the CEO. Your attendance is surely expected, thank you!" agad niyang sinabi nang sagutin ko ang tawag.

"Okay. Maybe I can-"

Hindi pa ako tapos magsalita pero binabaan na kaagad ako. Ibang klase!

Meeting lang naman 'yan, pwede pa ako matulog for another one hour. Magigising naman ako sa tamang oras.

"By the way, good morning, love. See you later," bulong ko bago pumikit upang habulin ang aking tulog.

Saktong pagpikit ko ay nag-ring na naman 'yong cell phone ko. Pambihira.

Shit, si Mr. CEO pala!

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ko at kaagad sinagot ang tawag niya.

"Good morning, sir! Yes, I would love to come." Napabuga ako ng hangin. "Surely, my attendance will be seen later," masigla kong sagot sa kanya.

As usual, pinatayan na naman ako ng tawag. Kahit pala sa umaga ay may ganitong ugali na kaagad ang mga tao. End callers.

Kahit sana 'bye' at 'okay' bago nila i-end 'yong call, kaso wala---parang mga...tanga.

Pinilit kong matulog ulit pero gising na ang diwa ko. Bumagon na lang ako at saka nag-toothbrush.

Tama sila, tamad akong bumangon sa umaga pero wala akong ibang choice, kailangan talaga.

Nang makapag-toothbrush ako, humarap ako sa bowl. I have these weird hobbies na kapag umiihi ako, malayo ako sa bowl, 'tapos aamuyin ko 'yong moth balls sa drainer ng banyo ko. Yeah, I'm a weirdo.

Paglabas ko ng banyo ay nag-unat ako ng mga braso upang ihanda ang aking sarili sa parating na pagsubok---ang pagluluto.

Saglit lang akong nagluto. I didn't need forever to cook eggs. Mabango naman 'yong pagkakaluto sa mga itlog, at lasang-lasa ko talaga 'yong itlog sa scrambled egg. 'Yon naman ang goal ko tuwing magluluto ako ng ganito.

Maaga pa naman, kaya marami pa akong time. Pwede pa akong pumunta ng ospital bago dumiretso sa meeting mamaya.

***


TUMAWID na ako sa kabilang side ng kalsada dahil naroon ang ospital. Saglit lang ako naglakad, one hundred meters lang naman ang distansya ng condo ko mula sa ospital.

Nakarating din kaagad ako sa palapag kung nasaan ang kwarto ni Yamara.

"Love, dito na ako," bati ko sa isang magandang dalaga nang makapasok ako sa hospital room niya.

Humalik ako sa noo niya at saka umupo sa kaniyang tabi.

"Ang sweet naman ng boyfriend ko." Napabuntong-hininga siya. "Maganda 'ata mood mo ngayon?" aniya habang hawak ang kamay ko.

"Actually, oo, pero 'yong gising ko, hindi. Nevermind, hindi naman mahalaga 'yon," tugon ko. Tanong mo sa secretary ko at sa boss niya.

"Itlog na naman kinain mo?" tanong niya at kaagad naningkit ang kaniyang mga mata habang nakikipagtitigan sa 'kin.

Bahagya akong napangiti. "Uhm, kind of?" kamot-ulo kong sagot.

Naging malungkot kaagad ang timpla ng mood ni Yamara. "Kung hindi lang ako ganito, kung wala lang akong Leukemia... Eh, 'di sana naipagluluto kita ng kahit ano'ng gusto mong kainin," malungkot niyang sabi sa akin.

"Stop being so dramatic, love." Tinapik ko nang mahina ang pisngi niya. "You're battling with an illness, don't stress yourself. At ano'ng problema kung araw-araw ay iba't ibang luto lang ng itlog ang ulam ko? Ang mahalaga para sa 'kin ay ang recovery mo," pagpapatuloy ko upang palakasin ang loob niya.

Napangisi na lang siya. "Everybody knows that I'm dying anytime soon, love," sabi niya na para bang hindi big deal ang...mamatay.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. I don't want her to spread negativity. "Nasaan si tita?" tanong ko upang maiba ang topic.

"Lumabas sandali, bibili lang daw ng pagkain," sagot niya habang pinipisil-pisil ang kamay ko. "Siguro, may boyfriend 'yong nanay ko. Kanina pa umalis, eh. Hanggang ngayon wala pa rin."

"Ikaw? Ano'ng gusto mo? Baka may gusto kang ipabili? Babalik ako mamayang twelve p.m.," malambing na tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang kaniyang buhok.

"Wala naman. Okay na akong makita kang nandito sa tabi ko. Simula noong nawala si Daddy, ikaw---kayo na lang ni Mama ang mayro'n ako, kaya masaya na ako kapag nakikita ko kayong narito sa tabi ko," malalim na sagot niya sa 'kin.

Tumayo ako at akmang aabutin ang isang bottled water sa lamesa, pero napahinto ako nang bumukas ang pintuan.

"Tita, tulungan ko na po kayo," salubong ko sa kaniya.

"Salamat, 'nak," aniya habang iniaabot sa akin ang mga paper bag na puno ng mga pinamiling pagkain.

Kahit anong bagay ay handa kong gawin para kay Yamara at sa mahal niya.

"'Nak, musta pala pakiramdam mo? Nagpunta na ba rito si doc.?" kinumusta niya si Yamara at saka humalik sa noo niya.

"Opo, 'Ma. Nagpunta na siya rito kanina bago dumating si Johann," sagot ni love.

"Yamara, tita?" Sabay silang napatingin sa 'kin. "Mauna na po muna ako, may meeting lang po sa office. I'll be back later," sumingit ako sa usapan nilang mag-ina.

Lumapit ako kay Yamara at humalik muli sa kaniyang noo sabay bulong, "I love you."

Niyakap ko naman si tita at saka ako umalis.

Pagkalabas ko ng kwarto, parang narinig kong bumulong si Yamara sa tainga ko. Kilalang-kilala ko na ang boses niya, at alam kong boses niya iyon.

"Hindi rin ako magsasawang sabihin na mahal kita maging hanggang sa aking huling hininga. Mahal na mahal kita, sinta."


***

ALMOST 11 a.m. na, aabot pa naman siguro ako dahil hindi pa naman kaagad magsisimula ang meeting. Mas mabilis pa ako kay The Flash, kaya bago pa mag-start ay nakarating na ako sa meeting area. Sakto lang ang dating ko.

Nang matapos ang meeting, hindi na ako nag-aksaya ng oras. Umalis na kaagad ako at nagmadali nang bumalik ng ospital. That meeting was boring, to be honest.

Nasa tapat na ako ng condo kung saan ako tumutuloy. Kalmado lang akong naglalakad, hanggang sa mayroong tumambad sa 'king harapan. At exactly 12:51 p.m., may biglang nalaglag na lalaki sa harapan ko mismo. Mula pa yata sa rooftop. Nakasuot siya ng simpleng black pants, coat, at cap.

12:51: Long-Lost FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon