[11] Repeat After All

35 9 9
                                    


JOHANN

I found my self sweating... a lot. Sobrang bigat ng paghinga ko na parang galing ako sa one hundred kilometer marathon. Hindi pa ma-process ng utak ko kung ano'ng nangyari.

Pinilit kong bumangon kahit hirap na hirap ako. Sa hindi ko alam na dahilan, sobrang sakit ng katawan ko-parang bumagsak ako mula sa itaas.

Bigla akong napabalikwas sa kama nang makita ko sa cell phone ko ang date.

Wednesday, September 8, 2010.

Parang 'galing na ako sa date na 'to. Naglalakad na ako papunta sa harap ng salamin nang ma-realize ko na galing ako sa isang mahabang panaginip.

Paano nangyari 'yon? Twelve a.m. na ako natulog kagabi-o kanina. seven hours of sleep lang 'yon pero 'yong panaginip, parang isang taon.

Naaalala ko na nanaginip ako nang mahaba pero hindi ko pa maalala kung ano mismo ang mga nangyari within a year... sa panaginip na 'yon.

I called Yamara and greeted her a good morning. Binanggit ko na rin sa kaniya 'yong panaginip kong isang taon ang itinagal. Guess what? Tinawanan lang niya ako.

Tiningnan ko lang 'yong mukha ko sa salamin dahil parang nababaliw na ako. Lalo na kanina at dalawang beses akong binabaan! Bigla na lang pinatay 'yong call! Gagantihan ko si Mr. CEO at 'yong secretary namin!

Nevermind. Panaginip lang 'yon. Saka sabi ni Yamara, sometimes, dreams are just dreams. Kinontra ko pa siya kanina. Ang sabi ko, dreams really do come true.

Mahal ko, eh, nagpatalo na ako, saka hindi naman ako mananalo sa kaniya.

Diretso na ako sa banyo para mag-toothbrush at umihi nang malayo sa bowl-first goal ko sa umaga. Pagkatapos, nagluto na ako ng breakfast ko, siyempre scrambled eggs na naman, 'yon lang ang kaya kong iluto. Kailangan ko pa ng guidance ni Chef Gordon Ramsay.

Naka-boxer brief lang ako habang nagluluto, at itong lintik na mantika, tumalsik pa sa abs ko! Dapat pala nag-apron ako. Papa-kiss na lang ako kay Yamara mamaya para mawala na 'tong sakit.

Masaya naman ako sa nailuto ko dahil naglasang itlog 'yong luto ko. Okay na 'yon.

Pagkagayak ko, dumiretso na ako sa isang flower shop para bilhan ng bouquet 'yong girlfriend ko, siyempre. Bumili na rin ako ng mga pagkain at mga prutas-dapat healthy!

Eighth anniversary namin ngayon. Teenagers pa lang kami, kami na. Pasaway kasi kami.

Pagdating ko ng ospital, gising na gising na siya dahil hinihintay daw niya ako. Miss na miss talaga ako.

"Love, sabi ko, huwag ka na mag-abala, 'di ba?" maarte niyang sabi habang inaabot ang bouquet na dala ko. "Akala ko na-forget mo na," dagdag niya sabay hawi ng buhok.

I rolled my eyes. "Umaarte na naman," bulong ko na sapat lang para marinig niya.

Ilang minuto rin kaming nag-asaran. 'Yon naman ang daily routine namin. Nasabi ko na rin sa kaniya na darating mamaya si Ryven dahil hindi pa sila nagkikita.

Pagdating ni Ryven ako na ang nagprisintang bumili ng meryenda. Iniwan ko na lang sila dahil saglit lang naman akong bibili. Habang nasa elevator ako, parang pamilyar na sa akin ito. Hindi ko alam kung kalian, pero parang nag-meryenda na kami noon ng pizza, burgers, and fries, 'tapos ang drinks namin ay root beer.

Nagsimula nang maging weird lahat. Sunod-sunod nang nangyayari lahat ng mga nangyari sa panaginip ko.

Pagbalik ko ng kwarto, natawa kaagad si Yamara dahil parang ang lalim daw ng iniisip ko. Tama siya, sobrang lalim nga ng iniiisip ko.

12:51: Long-Lost FriendWhere stories live. Discover now