CHAPTER 23

1.6K 72 0
                                    

Cristel

"May plano kana bang umuwi?" Tanong sa akin ni Shery na ka Skype ko.

Pasado alas siyete na ng gabi at nandito parin ako sa veranda ng kwarto. Tinatanaw ang magandang tanawin ng dagat sa ilalim ng nagkikislapang bitwin at sinag ng malaking buwan.

It's been three days when I last visited Cherafhel on her place. Kung noon palagi akong napapagod, mas worse naman ang nararamdaman ko ngayon.

It's not that severe though. Mas mabilis lang talaga akong mahilo at mapagod ngayon dahil first trimester ko sa pagbubuntis.

I don't want to take the risk of my child. Kaya kahit bored ako dito sa malaking bahay, naghahanap nalang ako ng pwedeng gawin o kaya natutulog nalang ako.

"I'm not planning it Shery. It's just that.. hindi ko talaga kayang iwan ang Islang ito."

I embrace my self as wind past through me. Nakasuot naman ako ng makapal na sweater kaya hindi ako masyadong nilalamig.

She sigh. "Okay fine. Naiintindihan ko yun. Just don't forget that you have your own family here. Marami ding nag-aalala sayo. Oo sinabi ko sayong hahayaan kitang kailan ka mag desisyon. Pero Insan naman. Maraming naghihintay sayo dito. Pwede ka namang umuwi kahit panandalian lang tapos bumalik ka agad." Mahabang litanya niya na parang pinapagalitan ako.

I smiled awkwardly to her. Mukhang naiinis na din yata si Shery sa pagiging matigas ng ulo ko.

Alam ko naman yun eh. Hindi ko lang talaga kayang iwan ang Islang ito. But partly, may point naman siya. Kailangan ko din naman kasing umuwi dahil nanduon ang pamilya ko. Maraming nag-aalala sa akin duon.

"Okay, okay. Pag-iisipan ko. Happy now?" I sarcastically said to her causing to make her smile.

"Mabuti naman kung ganun. Miss na kitang makita sa personal at mayakap."

Nag pout pa ito na parang bata na mahina kong ikinatawa. Kung kanina ang seryoso niya, ngayon naman parang batang nagpapaawa na bigyan ng candy.

"Teka nga lang, bakit ako palagi ang hina-hot seat mo? Ikaw naman kaya? Anong status mo diyan ngayon na hindi ko alam?" Suspetsya kong tanong.

Naningkit ang mata ko nang maging mailap ang kanyang tingin. Natawa pa siya ng nakakailang. Masyadong napaghahalataan na may tinatago eh.

"Haha ano kaba naman Insan. Anong status pinagsasasabi mo? Single na single ako. Walang karelasyon." Tumawa pa siya ulit ng nakakailang at umiwas ng tingin.

Gotcha!

Mas naningkit ang tingin ko sa kanya nang magkasalubong ang tingin namin.

Marami naman ang ibig sabihin ng status at iba ang nasa isip ko. Of all status, bakit relationship ang unang pumasok sa isip niya?

"Hindi yun ang ibig kong sabihin Insan. What I mean is kamusta kana diyan? Anong status ng trabaho mo? Ang buhay mo?"

He looks like a robot while awkwardly moving. Lihim nalang akong natatawa sa itsura niya.

Kahit kailan talaga hindi pa din siya nagbabago. Hindi parin niya kayang mag tago ng sarili niyang sekreto.

Pero kahit ganun, may tiwala ako sa kanyang hindi niya muna sasabihin sa parents ko ang tungkol sa aking pagbubuntis.

"B-Bakit hindi mo naman agad sinabi? Haha namali tuloy ako. Ano.. ahm. Okay lang naman. Maayos ang trabaho ko. Walang problema." Sunod-sunod niyang sabi pero hindi nakatingin sa akin.

I have a deep sigh, understanding Shery. Siya nga kaya niya akong intindihin, ako pa kaya? I should understand her too. Marami na siyang  ginawa sa aking malalaking bagay. This is the least I could to to her.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now