CHAPTER 6

1.8K 77 6
                                    

Cristel

Nakaawang ang bibig na napatingin ako sa kanya na wala man lang reaksyon. Did he hear himself? Is he insane?

Anong pumasok sa utak niya at tinanong niya ako nun?

"A-Ano? Ano bang pinagsasasabi mo?" Puno ng kaguluhan kong tanong habang nakakunot ang noo.

Walang pumapasok sa isip ko kung bakit niya yun natanong. Kasasabi ko lang na wala sa isip ko ang magka relasyon.

Then he just said us? In the first place wala namang kami!

Napatikhim ako at umayos ng upo. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

I think he just joking around. Wala lang iyon para sa kanya.

"Hmm."

Lihim akong napairap sa sinabi niya. Nanatiling kaming tahimik hanggang sa nakarating kami sa pakay namin.

It's a rest house near in a beach. Masarap ang simoy ng hangin at napakalamig.

Bukas ang ilaw ng bahay kaya alam kong nanduon sa loob si Analyn kasama ang pamilya niya.

Hinarap ko si Austin na kapapatay lang ng engine ng sasakyan.

"Salamat sa pag hatid sa akin dito."

"It's okay. May kailangan din naman akong puntahan dito."

Tipid at tango lang ang naitugon ko sa kanya. Napapisil ako sa aking kamay kung ano ba ang pwede kong gawin sa pag hatid niya sa akin.

Yes I know this is free. Pero ayokong magkautang ng loob.

"Why not come with me? Sure naman akong hindi mamasaamin yun ni Analyn." Usal ko kalaunan sa sobrang katahimikan.

"Yun nga ang gagawin ko."

Hindi ko nalang binigyang pansin ang sinabi niya at kinuha nalang ang mga pasalubong ko para kay Analyn at sa kanyang pamilya.

Nauna na akong lumabas ng kotse saka naglakad papunta sa pintuan ng kanilang bahay.

Alam kong nakasunod lang sa akin si Austin. Naririnig ko kasi ang yapak niya kaya hinayaan ko nalang.

"Sino ya—"

Natigil sa pagsasalita si Analyn nang mapagbuksan niya ako ng pinto.

Napatili ako at sinugod siya ng mahigpit na yakap.

"Gosh! Mabuti nalang at nakapunta ako dito. I miss you so much!" Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya bago siya pakawalan.

She's still shock knowing that I'm here. Kalaunan ay napangiti siya ng malawak at napatili.

"Oh my god! Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito? Sana man lang nakapaghanda ako para sayo."

Mabilis akong umiling sa kanyang sinabi.

"Kung sinabi ko sayo, saan na ang surprise duon? Tsaka, hindi mo naman kailangang maghanda para sa akin." Itinaas ko ang pasalubong ko sa kanila. "I bought it for you and for your family. Sana magustuhan niyo."

"Naku, sana hindi kana nag-abala." Sabi pa niya pero kinuha naman ang dala ko. "teka, sinong kasama mong pumunta dito?" Taking tanong niya.

Nilingon ko naman si Austin sa likod ko na nakapamulsa. Siguro hindi siya nakita ni Analyn dahil sa nakaharang ako.

"Si Austin—"

"Boyfriend mo?"

Masama ang tingin na iginawad ko kay Analyn sa kanyang sinabi. Isang beses ang tumikhim upang itago ang pag-iinit ng pisngi ko.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now