CHAPTER 13

1.5K 69 0
                                    

Cristel

Mahihimatay yata ako.

Iyon ang nararamdaman ko habang nakatayo sa harap ng kanyang mga magulang at seryosong tinititigan.

Jusko! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ngayon maibsan ang kaba ko kahit nakahawak ako sa kamay ni Austin.

It's his parents! Alangan namang maging bastos ako sa harap nila?!

"Mom don't scare her."

"It's okay." Pigil ko kay Austin bago ibalik ang tingin sa Ina niya. "Yes maam. I'm his girlfriend. Cristel Bridgeman."

Nandito na kami. Ano pang saysay ng pag-atras ko? Planado na ito. Kailangan namin itong gawin kahit hindi naman.. totohanan.

Ikinagulat ko ang sunod na ginawa ng kanyang Ina. Hindi ko yun inaasahan kaya nagulat talaga ako.

She ran towards me and hug me tightly. Napa-huh ako sa aking sarili dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari.

"At last! Nagdala na din ng girlfriend ang anak ko dito. Well, we know that he's a playboy pero ikaw ang kauna-unahan na dinala niya dito. My god! I cannot take this. Sorry for my behavior a while ago. I'm just kidding."

Napaawang ang bibig ko habang paulit-ulit na kumurap. She's kidding me a while ago?

Hindi ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag dahil nagbibiro lang pala ang mommy niya, o magugulat sa isa niyang sinabi.

Ako.. ang kauna-unahang babaeng dinala dito ni Austin?

Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin. Sa kanyang dad.

Iniwas ko nalang din ang tingin ko at nginitian ang mom niya.

"It's okay maam." Kiming tugon ko sa kanya.

Inangkla niya ang kamay niya sa braso ko na ikinagulat ko. Hinila niya ako dahilan para mapabitaw ako kay Austin.

"Come here. I want to have a chitchat to you while waiting."

Napatingin ako kay Austin but he just wink and smiled at me. Napailing nalang ako at nagpahila sa kanyang mom papunta sa living room.

"Gaano na kayo katagal ng anak ko, hija? Anyways, just call me Tita Faith. Feel free to call me that."

Naging ilang ang ngiti na iginawad ko sa kanya nang umupo ako sa sofa. Shit! Hindi ako sa ready sa tanong niya. Lalo na sa sinabi niya.

Tita it is.

Magsisinungaling ba ako o sasabihin sa kanya ang totoo? Hindi namin ito napag-usapan ni Austin. Paano nalang kapag tanungin siya ng dad niya at kasalungat ang sagot namin? Edi buking na kami.

Nakakahiya din namang magsinungaling sa mom niya kung naging mabait naman siya sa akin.

"Are you shy that's why you can't answer me? Aww."

Nahihiyang tumango nalang ako sa kanya. Mas mainam na ang sinabi niya kaysa magsinungaling o gumawa ng kwento. 

"Ano po yan Tita?"

Wow, karer na karer?

"Photo album ito ni Austin nung bata pa siya. I want to share this with you."

Napatango-tango ako bago umusog ng upo para makita ko ng maigi ang litrato niya.

Ne excite ako bigla! Ano kayang itsura niya nuong bata pa siya? Kagaya pa din kaya ngayon o iba na?

Pagbuklat palang ni Tita ng photo album ay napahagalpak na ako ng tawa. Natawa tuloy si Tita na mukhang nahawa sa akin.

Akalain mo nga naman oh! Ang isang Austin na hunk at habulin ng mga babae ay mataba pala nuon?

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now