CHAPTER 4

1.8K 79 2
                                    

Cristel

Lumanghap ako ng sariwang hangin nang makatapak ulit ako sa aking lupang sinilangan. Kalalabas ko lang galing sa Airport at hinahanap si mom.

It's been six years? Seven years? I lost count when I leave this country for my father's company.

Hindi ko nga lang alam kung bakit nag-iba ang isip niya na pabalikin ako dito sa Pilipinas.

I already call my friend way back in America. Ewan ko nga lang kung nasaan siya ngayon dahil hindi ko naman natanong kung nasaan siya.

She's now a happy mother and a married one. Balita ko ay ang napangasawa niya ang dati niyang ex-boyfriend.

Gusto ko sanang mag protesta sa sinabi ni Dad na babalik ako dito. But what can I do? Wala naman sigurong saysay kung pagtataguan ko lang ang nangyari ilang taon na ang nakakaraan.

Imposible din naman sigurong magkita ulit ang landas namin. I mean, I know his name. And way back in America, I heard some humors na isa siyang 'manwhore'.

Hindi din imposibleng may girlfriend o asawa na siya ngayon.

"Cristel!"

Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni mom. Sinalubong ko siya ng ngiti at mahigpit na yakap sa sobrang pagka miss.

Minsan lang kasi bumibisita si mom at dad sa America dahil sa trabaho nila dito. And I can say medyo nahirapan ako sa trabaho sa America dahil sa ginawa ng past secretary ni Dad.

Nahanap na din siya ng mga police at ngayon ay nakakulong na.

"I miss you so much mom."

"I miss you too anak."

Kumalas kami sa pagyakapan bago niya ako tulungan sa iba kong mga gamit. Konti lang naman ang dinala ko and maybe tomorrow mag sho-shoping nalang ako.

"Nasaan si Dad at Clark, mom?" Tanong ko kay mom habang papalapit kami sa sasakyan na ginamit niya papunta dito.

"In the car. Binabantayan ng Dad mo si Clark dahil baka biglang tumakas."

Hindi ako makapaniwalang napailing. "Hanggang ngayon ba matigas pa din ang ulo?"

"Well sometimes. Minsan hindi talaga mapigilan."

Tumango-tango nalang ako sa sinabi ni mom. Kahit ilang taon ang nakakaraan, hindi parin talaga nagbabago si Clark.

Tsk. Tsk.

Hindi ko nalang kaya siya bigyan ng pasalubong? Chos!

Sabay naming inilagay ni mom ang mga bag ko sa back compartment bago kami sumakay sa back seat.

"Hi dad. Hi Clark." Salubong na bati ko sa kanila na mukhang si Dad lang ang nakarinig.

Naka head phone kasi si Clark.

Tsk!

"Your mom and I throw a welcome party for you. Wala ka bang gustong imbitahan na kaibigan?"

Napaayos ako ng upo sa sinabi ni Dad. Bumabiyahe na din kami ngayon patungo sa bahay.

"Wala naman dito ang kaibigan ko. Isa pa, hindi ako palakaibigan. You know that Dad. Mas mabuti na sigurong tayo-tayo nalang." Sagot ko na sinang-ayunan niya.

"I invite some of my business colleague. Nanduon na sila sa bahay at ikaw nalang ang hinihintay. Your cousin's wants to meet you. Na mi-miss kana daw nila." Mahabang litanya ni Dad.

Tumango lang ako sa kanya bago ako bumaling sa kapatid kong sobrang tahimik.

"Hindi mo ba kakamustahin ang ate mo?" Tukso ko sa kanya bago hablutin ang earphone na nakasaksak sa kanyang tainga.

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now