CHAPTER 7

1.7K 74 1
                                    

Cristel

"Mom! Bakit Kailangan pa nating mag shopping?"

"Shut up sweetheart. Kailangang maging maganda ka sa birthday mo."

Kanina pa ako reklamo ng reklamo pero kanina pa din niya ako sinusuway sa parehong dahilan.

Kailangang maging maganda daw ako sa birthday party ko. That means mamaya.

It's been two days when I visited Analyn on her rest house. Dalawang araw na din ang nakakaraan at hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkikita.

Napabuntong hininga ako at mabilis na winaglit sa isipan ang nangyari. Ayoko munang maalala yun.

Ngayon ang mahalagang araw ng buhay ko. No negative vibes. Just a positive one.

Ilang boutique na ang napasukan namin. Kanina pa din kami ikot ng ikot para maghanap ng magandang damit.

Honestly, marami na kaming nabiling damit. Ito lang talagang si mom ang hindi makontento.

"Mom, let's go home." Nabubugnot na sita ko sa kanya nang pumasok na naman kami sa ibang boutique.

"No sweetheart. Kailangang maraming damit ang bilhin natin so that marami kang mapiling damit. Understood?"

I just rolled my eyes. Sinundan ko nalang si mom sa kung saan siya pumunta.

Hindi ko naman kailangang pumunta ngayon sa kompanya para magtrabaho dahil pinag leave ako ni Dad.

That's why I'm stucked with my mom here. Hindi naman ako makapag protesta dahil pinapagalitan niya ako.

Sukat dito. Sukat duon. Sukatin ito. Sukatin iyon.

Iyon lang ang ginawa ko hanggang sa mapagdesisyonan ni mom na kumain muna kami.

Lihim nalang akong nakahinga ng maluwag dahil kanina pa talaga ako napapagod.

"By the way hija, sinong mga bisita mo?" Tanong ni mom nang kumakain na kami sa napili naming kainan.

"It's just Analyn's family. Wala naman akong masyadong close friends at alam mo yun mom."

"How about your boyfriend?"

Napaubo ako sa sinabi ni mom. Masama ko siyang tiningnan bago uminom ng tubig.

"Mom! Bakit mo naman natanong yan? I don't have a boyfriend either!"

Napaiwas ako ng tingin ng biglang sumagi sa utak ko ang imahe ni Austin. Mabilis din itong nawala nang ipinilig ko ang aking ulo.

"Oh, I misunderstood it."

Napabalik ang tingin ko sa kanya. "Misunderstood what? Na may boyfriend ako?"

"Sort of. Nakita kasi kita na sumakay sa kotse ni Austin. One of your father's business colleague. Kaya I thought he's your boyfriend."

"Mom." It came out as a whisper rather than a shout when I saw a smile on my mother's face.

Gusto ko siyang pagalitan sa kanyang sinabi pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano pero bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko?

"You know what hija, I like him to be your boyfriend."

Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi ng aking Ina. Nakangiti pa siya habang binabanggit ang salitang yun.

I can't cope up the words I want to say. Gusto kong magtanong kung bakit nasabi niya yun. Pero iba ang lumabas sa aking bibig.

"May girlfriend na siya mom."

Black Mafia 7: Austin GuillermoWhere stories live. Discover now