Chapter 1: Bitter

23.4K 343 14
                                    

Myle's Pov:

        Isang umagang nakakabagot ngunit nakasanayan na ng ang aking paningin. Isang babaeng treinta'y tres ang edad na nakahandusay sa salas matapos ang pagwawala kinagabihan dahil broken hearted. Dahil, iniwan ng jowa! Ano bang bago ro'n?
        Maliit pa lamang ako ng iniwan ako sa pangangalaga ng tiyahin kong tiboli, siya si Auntie Tamila. Tammy for short. Kahit anong pilit kong mainis, ay di ko magawa. Hindi dahil sa paulit ulit na ganyan ang sitwasyon niya, kundi sa isiping "HELLO! Di ka ba napapagod magmahal, umiyak, iwan at umiyak na naman?! O sadyang Tanga ka lang?!"

        Hay naku! Mahal ko naman 'tong Tita ko'ng 'to. Kami na lang ang natitira dito sa Pilipinas at lahat ng kamag-anak ay nasa America. Kaya ako, heto! Nganga sa kalinga ng magulang. Anyways, dahil kay Tita Tammy, kumpleto na rin. Isang ina na may pusong ama, Hahaha!!!

        "Tammy!" Bulyaw ko sa kanya habang niyuyugyog ko ang balikat niya. Siya na nakahilata sa carpeted na salas at nakapatong ang ulo sa sofa.
       "G-galangen m-mo ako'ng bata ka! Hik!" sabay hilig ulit ng ulo sa sofa.
       "Hay naku Tamila! Gawin mo munang kagalang-galang ang sarili mo! Tingnan mo nga 'yang sarili mo at itong bahay natin! Maawa ka naman sa 'kin, Tita! Finals ko ngayon."
         "Hoy! (Hik!) Myrna Elisze! Pinalaki kita at inalagaan, huwag kang ganyan!" At pinilit niyang tumayo ngunit bumagsak pa rin, pero ngayon sa sofa na ang buong katawan.
       "Alam ko 'yon no! At habambuhay ko 'yung utang na loob. At utang na loob naman Tita, tama na...magpahinga ka naman."

        Inusog ko siya hangga't magitgit siya sa sofa sapat para makatabi ako. Hinagod ng kamay ko ang mga buhok niyang nalaglag sa mukha niya papasok ng tainga niya.  "Tsk! tingnan mo nga 'yan! Pawis na pawis ka. Natatakpan ang ganda ng mukha mo. Ikaw, pumapangit! Eh 'yung haliparot mong ex? Ano? Hayun! Nasa kandungan ni Emma sa kabilang kanto. Kasi bakit kaya? Hmmm..."

       Tinapik-tapik ng daliri ko ang baba ko. Na parang ang utak ko ay nasa baba, haha! Naku! Di dapat! Kailangan mag-isip pagdating sa pag-ibig. Tinuloy ko ang litanya ko.
        "Hmmm...dahil ba sa wala kang trabaho ngayon, gano'n?" (Hay naku! Wala naman pala akong kausap.)

        Padabog akong tumayo at sinimulang damputin lahat ng kalat niya. Kainis! May group project pa naman kami mamaya rito sa bahay kaya kailangan ko ng bawasan ang kalat, hay naku talaga!  Haay! Pag sira talaga ang araw mo, tuluy-tuloy. Pagdating ko sa campus ay nasalubong ko ang manliligaw kong suuupppeeerr kulit, kainis!

       "Hi Myrna!" bati ni Merwin habang sinabayan na niya ako paakyat ng second floor. "Ako na magdadala ng gamit mo, sa Speech Lab ka ngayon diba?"
      "No, I can manage," sagot ko sabay kumpas ng kamay ko patabig ng kamay niya. (Suplada ko no?)
        "Ummm...puwede ba 'ko dumalaw mamaya sa inyo?"
        "Sorry Merwin, may gagawin kami mamayang study ng grupo sa bahay, finals na diba?"
       "Bukas?"
       "Next time na lang."
       "Next week?'
       "Ang kulit mo!"
       "Alam mo Myles, gumaganda ka, saka cute pag nagsusungit."
       "Ewan ko sa 'yo!" (matagal ko ng alam yon! Hahaha!)

        Inunahan ko na siya maglakad. "Sige, mauuna na ko, late na 'ko sa klase ko."

~~~~~~~~~~~~~~

        Maingay ang klase nang dumating ako, I am fifteen minutes earlier. Natural, daldalan dito, daldalan doon, make-up-an dito, make-up doon, at ang topic ng mga pasosyal kong mga kaklase ay tungkol sa kung sino'ng hot sa campus at kung pa'no sila mapapansin. Buhay nga naman. Naghihirap ang mga magulang mapag-aral langs ila, puro kaeklatan naman ang inaatupag sa eskuwelahan!

       "Nakabusangot mukha mo diyan?" tanong sa 'kin ng bestfriend kong si Dallie. Inalis niya ang isang folder sa upuan at nilipat sa lap niya. Sinesave niya ako lagi dahil lagi naman siyang nauuna sa 'kin.  Nilabas ko sa bag ko ang manila paper na gagamitin ko sa report ko today.
        "Pa'no ba naman, aga-aga, binuwisit ako ni Tita Tam, hay! Lasing na naman! Hindi maka move-on sa pag-iwan sa kanya ng jowa niya! Tapos....sumabay pa diyan si Merwin! Pa'no ko ba ididispatsa 'yung mokong na 'yon? Ayaw akong tigilan?"
        "Hay naku girl! Bakit kasi ayaw mo bigyan ng chance? Guwaping naman?"
        "Kung gusto mo sa 'yo na lang! Aanhin ko ang guwapo, kung gutom naman aabutin ko?'
        "Masyado ka kasing advance mag-isip. Why don't you just enjoy? Bata pa tayo para ma-stress."
        "Ay naku! Alam mo, hindi ko alam kung pa'no kitang naging kaibigan? Super kontra bulate mo!"
       "Umayos ka nga, gandahan mo report mo, diba nanganganib ka dito sa Business Report natin?"

         Naging maayos naman ang report ko. Nang dahil kasi sa buwisit ko sa Tita ko, imbis na ako inaalalayan, baligtad! Napabayaan ko ang ilang subjects ko. Nawala tuloy ang scholarship ko. Kaya I am planning to have a part time job nitong summer.

        Hindi ako nakakain ng maayos ng lunch kaya ininvite ko si Dallie sa isang burger stand sa kanto ng university. Paglabas ng gate ay nasalubong namin si Billy, ang badush naming classmate. Hindi ko naman ikakaila na masarap talaga kasama ang mga bading. Lagi kang tumatawa.
        "Haba pa rin ng mukha mo, teh? Mukha ka namang busog na?" Bati ni Billy pagkabeso sa 'min.
         "Ewan ko ba doyan, sampung araw yata kung reglahin," sabat ni Dallie.
        "Alam mo, Alnida, tunggain mo na lang 'yang shake mo at manahimik, hmpf!"
       "Buo talagang pangalan, te? Ano ba galit mo sa mundo Myrna Elisze?"
        "O-oh...." at umikot paitaas ang mata ni Billy. "I guess I know..." Natanaw naming lahat si Merwin. Pero when he noticed na we're with Billy ay lumiko ito ng daan.
       "Ate, pabili nga ng double cheeseburger with matching overflowing coleslaw," sigaw ni Billy sa tindera sabay baling ulit sa 'kin.
        "Bakit ba kasi snob ka 'ron Myles? Pogi naman, papa-ble pa...yummy!"
         "Yummy-hin mong mukha mo! Magsama kayo ni Alnida! Kayo maglandi don!"

         Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik sa last subject namin. Binanatan ulit ako ni Billy, "Ateng! Bakit ba ang bitter mo?"
        "Ano'ng bitter pinagsasasabi mo 'dyan, bakla ka!"
        "Nemen! Eighteen years old ka na. Sa May, nineteen ka na pala. Ayaw mong mamansin sa 'sang katerba mong manliligaw?"
       "Sakit lang ng ulo, pati puso!"
       "Aynaku Girl! Tatanda kang dalaga!"
       "Alam niyo bang tanghali na lang ang tapat ngayon?"
        Sumabat si Billy "At ruler na lang ang srtaight ngayon!"
       Dallie chuckled. "Ano'ng tinatawa-tawa mo d'yan bruha?" paismid kong tanong sa kanya.
      "Eh kasi naman bakla," baling niya kay Billy.       "Baka naman...hindi lalaki gusto ng manok natin?"
       "Ano?!" bulyaw ko sa kanya.
       "Eh...baka naman kasi girl, baka naman ang gusto mo ay ang mga kabaro ng Tita Tammy mo?"
       Humagalpak ng tawa si Billy, "Hahahaha!!! Hahahaha! Bakit di ko naisip 'yun?"
       "Tse! Magsitigil nga kayong dalawa. Para kayong buhok niyo sa baba! Magugulo!"
       "Oist! Makinis itetch!" malanding sabi ni Billy.
       "Nagwa-wax ka Billy?" pagsakay naman ni Dallie.  Haay!!! Ganyan sila kagugulo. Ganyan nila ginugulo ang buhay ko! Pero, carrybels naman, love ko silang dalawa.

         Pag-uwi ko ng bahay ay wala ang Tita. Malamang kung wala sa bahay ng ex niya, ando'n at nakikipag-tong-its sa bahay ni Aling Perry. Nag-ayos na muna ako ng bahay. Ang sabi ko sa mga classmates ko ay kumain na before pumunta rito, at wala akong perang pambili ng pagkain.
        Matapos magpahinga ay pumunta ako sa kuwarto ni Tita Tammy. Malamang, magulo ro'n at dami kong ililigpit. (Sipag ko no?)
         Habang nagliligpit ay bumasag ng diwa ko ang tunog ng cellphone niya.

        "Tamo 'to si Tita! Ayaw talagang magpahagilap sa 'kin! Iniwan ang cellphone! Grrrr!! Hinanap ko pa kung sa'n nanggagaling ang tunog. Nasa ilalim ng unan niya. Ang tumatawag? Cha-Cha. At sino namang bruhildang Cha-Cha 'to? Bago na namang chix?
         Halos lahat ng babaeng nagdaan kay Tita ay kilalala ko, mapa girflriend o hindi, kalandian, kaharutan o hindi. Natutuwa pa naman ako at break na sila nung buwisit na Sheila na yun, heto na naman!
         Sinagot ko na rin ang cell at mukhang away tumigil. Pairita ko ito'ng sinagot. "Hello!"

          Hindi ko siya binigyan ng chance na sumagot. .

        "Wala rito si Tamila! Lumayas! Bye!"

***************

Shan.



































Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon