Chapter 13: Sweet baby

7.8K 196 4
                                    

MYLES' POV:

      Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gusto na ring umiwas ni Czarisse, kaya nagtaka ako ng malamang mag stay pa siya ng dalawang araw. The reason behind, I don't know. What matters, she'll stay still.

        Nasa bahay ako ni Billy, we only have two days to practice. Hindi naman na mahirap kasi kabisado na namin ang sayaw, mga konting revisions na lang siguro. Billy prepared pancakes for us then dumating si Rench bandang alas tres. Makiki type daw at biglang nasira ang laptop niya. Sinamahan niya ako bumili ng coke sa tindahan.

      "How's weekend?" tanong ni Rench. "Mukhang maaliwalas ang mukha mo ngayon, ha? How's CJ?"
      "Ayos lang, sabi niyo nga,diba, enjoy the moment lang?" Hindi na ako nag-elaborate sa mga nangyari. Magiging masaya ako sa pagkukuwento ng happy moments namin, tapos biglang malulungkot dahil alam kong pansamantala lang lahat.
     "Hmmm....Oo nga, bago pa lang kasi kayong nagkakasama. Huwag mong madaliin. Anyway, tuloy ba sa Linggo yung birthday celeb mo?"
      "Am..hindi na siguro, itutulog ko na lang, concentrate muna ako sa competition."
      "Sobra ka naman, puwede naman naming pagtulungan ang handa mo. Hindi naman kailangang magarbo."
       "Sabihan ko na lang kayo. Oy! Panoorin niyo kami ha, pamparami ng pala, hahaha!!!!"
       "Kami pa?"

       Malapit na kaming makarating sa gate nina Billy ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko "Atelabs calling..." Rench saw it and teased me   
 
      "Atelabs ha....Sino 'yan? Siya? Labs pero may Ate? Tsk, tsk!" Natawa lang ako. Pagkabasa ko ng name niya sa screen ng cp ko, tumalon ang puso ko. First time ko siyang maririnig sa cellphone. Tumalikod ako saglit kay Rench.
      "H-hello 'teh, napatawag ka."
      "Hi, tapos na ba practice mo?" tanong niya. Haaay, napakalambing ng boses niya. Kinikilig ako. Kahit maghapon yatang siya lang ang marinig ko, solve na ako.
      "Ummm....maya-maya pa siguro, tapusin namin yung steps para bukas malinis na. Sa Wednesday na kasi yung laban."
     "Ah okay...andito ko sa MOA, sunduin ba kita o magkita na lang tayo?"

       Hanuuuu raaaaw? M-mag k-kita kami? Tagal naprocess ng utak ko ha. "M-May usapan b-ba tayo, teh?"
      "Ayaw mo?!"
      "A-hh s-sige, punta na lang ako diyan, bye."

       Hala! Naibaba ko sa sobrang kaba. Tinext ko na lang siya na nalobat ako. Tsk! Matapos magmeryenda ay umakyat sa kuwarto ni Billy si Rench para sa term paper niya, habang nagpatuloy kami ni Billy sa pag-eensayo.
      "Ano ba Be!" Sigaw ni Billy.
      "Ano? Bakit ka ba sumisigaw?" sabi ko.
      "Puwede ba? Ituon mo muna sa practice ang mahiwaga mong utak?"
       Nagpatay-malisya ako. Kasi nama'y iniisip ko ang pagkikita namin ni CJ mamaya. Gusto kong hilahin ang oras. Haaaay!
       "Sorry naman! High blood? High blood?" sabay ngisi ko.
      "Okay from the top! Tapon mo muna si Cj sa labas ng isip mo!" Tumawa lang ako.

       Natapos ang practice namin ng alasingko ng hapon. Kumaripas ako ng alis at binaybay mula Harrison hanggang MOA. Nagtext si CJ na sandali lang daw. Andito ako sa Mcdo at daig ko pang pusang di mapaanak na naghihintay ng kablind date. Iba talaga ang effect sa kin ni CJ, pinilit kong pakalmahin ang dibdib ko. Nakita ko na kasi siyang papalapit.
       "Hi," bati niya. Ganda ng smile niya. ^__^
       "Hi."
       "Busog ka ba?" tanong niya sabay kawit ng braso nya sa braso ko. My heart smiled.
       "Kakakain ko lang kina Billy, pero kung gutom ka, samahan kita. Bakit ka ba nandito?"
       "Aalis na kasi si Ate Cha, nagbonding lang kami ng mga kababayan namin."
       "Eh bakit gutom ka?"
       "Ummm..inantay talaga kita."
       "Ows? Ano gusto mo kainin?"
       "Kwek-kwek."
       "Kwek-kwek? Sa'n mayro'n no'n?
        "Sa baywalk."

        Napunta nga kami ng baywalk. Nilibre niya ako ng streetfoods at french fries. Habang kumakain ay inaya niya akong maupo sa may lilim ng isang puno. Palubog naman na ang araw, hindi na masyadong mainit. Para lang kaming batang nakasalampak sa lupa.
       "Oh," sabay abot ko sa kanya ng bimpo kong marumi na sa pawis kanina sa practice. "Ilagay mo sa puwitan mo, sayang kung marurumihan ang pants mo."
       "Wow! Sweet naman, pero sige," kinuha niya at nilagay nga sa puwitan niya saka umupo ulit. Pag upo niya ay sabay higit ng isang fishball sa stick.
       "Sweet naman talaga ako, hindi mo lang nakikita," bulong ko pero alam kong dinig niya pa rin 'yun.
       "Hmmm...parang hindi naman," sabya tumawa siya ng pino.
      "Try me...." hamon ko sa kanya.
      "Hmmm..sige nga, as of this moment pa'no ka magiging sweet? As in ngayon, ha."
      "Sus! Parang 'yun lang? Panis!" Tumingin ako sa mata niya, ngumiti ako. Tsaka pinahid ng thumb ko ang unting sauce ng fishball sa sulok ng bibig niya. Unconsciously, pagpahid ko ng daliri ko ay pinunas ko sa gilid ng short ko.
      "See? Sweet ako, ikaw lang eh! Tingnan mo, para kang hindi twenty five kumain."
      "Sweet na 'yon?! Mas sweet kung di mo pinunas sa shorts mo.."
      "Ah gano'n? Hinahamon mo ba 'ko?" Tumawa lang siya. Pinatulan ko ang hamon niya. Pinadulas ko ang index finger ko sa hawak kong barbecue. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at bigla kong pinahid ang mamantika kong daliri sa pisngi niya. Nagpumiglas siya kaya napadami pa lalo ang oil sa mukha niya. Napasigaw siya pero tumatawa at the same time.        "Mimay ano ba! Tsk! Hahahahah!!! Ano ba! Kulit!"
       "Stop!" Saway ko sa kanya sabay hawak ng kamay niya. "Don't move," sabi ko sabay pinahid ng kamay ko ang lahat ng mantika sa mukha niya. Awkward man, ay dinala ko sa bibig ko bawat isang daliri ko at sinipsip. Nagulat siya sa ginawa ko.
      "Mimay!" Na para bang sinasaway niya ako sa ginagawa ko. "Enough Mimay, kainis ka."

CJ'S POV:

       OO, Nagdesisyon ako na iawasan si Mimay dahil yun ang nararapat. Pero I don't understand kumbakit tila mas may anong puwersa pa na humahatak sa 'kin papalapit sa kanya. Kung tutuusin nga ay dapat umuwi na ako after namin mag bonding nina Ate Cha, pero mayroon sa puso ko na gusto si Mimay makasama. Pinilit ko na lang na kunyaring naiinis ako sa ginawa niya pero for me, napaka sweet ng ginawang paghaplos ng kamay niya sa pisngi ko. At nag pagsubo ng daliri niya sa bibig niya ay sobrang initmate no'n para sa 'kin.

       Hindi ko na pinahalata na naapektuhan ako sa ginawa niya. Sumikdo ang puso ko, just the mere touch of her palm on my cheek. Ano ba 'itong nangyayari sa 'kin? Lahat ay bago sa 'kin dahil never naging ganito ang pakiramdam ko kay Nico. Di maipaliwanag an kaba at saya sa tuwing magkasama kami. Ang tumingin lang sa mata ni Mimay na parang ngumingiti rin, ang mga mata niyang nangungusap, oh! Kailan pa ako namagnet sa pagtitig lang sa mata? Tsk!

      Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang wipes. Humugot ako ng tatlong sheets, kinuha ang kamay niya at isa isa kong pinunasan ang daliri niya. "Ang sweet...ateng ate ka, ha! Pagpatuloy mo 'yan, te!" Pang-aasar niya pa.
      "Sweet ko diba?"
      "Huwag mo ng uulitin 'yon bata ka! Tsk!"
      "Bakit? Ayaw mo ba?"
      '"Ang messy!" Bakit ba 'yun ang nasabi ko? Parang ibig sabihin ba'y gusto ko ang ginawa niya? Oo, gusto ko. Gusto ko dahil siya lang ang gumawa no'n sa 'kin.  Aktong kukuha siya ng wipes ay pinigilan ko siya.
       "Huwag na, ako na. Ako na magpupunas sa mukha ko, mam'ya ano pa gawin mo ulti diyan!"
     Tumawa siya ng malakas. "Sige na, ubusin mo na 'yang barbecue mo. Gumagabi na."

        Matapos 'yon ay nagtaxi na lang kami pauwi. Pagod na rin kasi ako mag-ikut-ikot kanina. Habang umaandar kami ay napansin kong inaantok na siya.
      "Mims..."
      "Hmmm?"
      "Inaantok ka ba? Kamusta practice mo kanina?"

       Hindi ko alam sa'n nanggaling ang bigla niyang pagiging cold. Kanina'y sweet siya, ngayon nama'y parang ang layo niya. "Okay naman," sagot niya.  Bigla akong nanibago pero hinayaan ko lang siya. Patuloy ang biyahe ng nakita ko siyang nakapikit na at biglang tumama ang ulo niya sa bintana. Lumapit ako, at dumikit sa kanya. "Mimay," bulong ko.

        Mukhang tulog na nga. Nilagay ko ang kaliwang kamay ko sa kaliwang pisngi niya at maingat na inihilig ang ulo niya sa kaliwang balikat ko. Nabitawan na rin niya ang panyo niya. Kinuha ko muna 'yun at nilagay sa bag ko. Bakit ba ganito ang pakiramdam sa tuwing magkalapit kami ni Mimay.
       Parang....parang sobrang sanay na ako at magaan sa pakiramdam. Hinawakan ko ang kamay niya, pinisil-pisil. May kakaibang init ang dulot sa paghawak ko ng kamay niya. Hindi ko ito narammdaman kay Nico. I just closed my eyes, ayokong mag-isip. Basta masarap ang feeling na hawak ang kamay niya.

         Sa sobrang hapo na rin ng katawan ni Mimay ay hindi ko na siyang inabala paghatid ko sa silid niya. Ako nama'y nagsimulang magsulat sa diary ko about what happened today. Sinulat ko do'n na nag nejoy ako kasama siya. Somehow I feel guilty, kasi hindi ko masabi do'n na nagugulumihanan ako sa nararamdaman ko pagdating sa kanya, o sa 'min. Nangako ako na makalipas ang dalawang buwan ay ipapabasa ko sa kanya ang diary.

        Matapos kong sumulat ay nagshower na ako at nagpalit ng pajama at ang nag-iisa kong negligee. Sana, isuot ni Mimay ang binili kong negligee sa kanya. Para naman akong kiniliti ng magflash sa isip ko ang "nangyari" sa fitting room. Ano ba itong nangyayari sa 'kin? Bigla akong nauhaw kaya nagdecide akong bumaba para kumuha ng tubig. Bago bumaba ay madadaanan ang silid ni Mimay.

         Akala ko'y tulog na siya pero may naririnig akong ingay. Hindi naka lock ang pinto, hindi ako kumatok at marahan kong pinihit ang knob. Maliit na awang lang ang ginawa ko at nakita ko si Mimay na nagsasayaw na tila may kapareha.
        Naaliw akong tingnan siya. Maya-maya'y parang nababagot siya at tila may steps na hindi niya maalala kung paano gawin. She seemed frustrated at nahiga pabulagta sa kama. Pumasok na ako ng tuluyan.
       "Mims, gabi na bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko sabay naupo sa ulunan niya.
       "May binago kasi si Billy na steps, hindi ko makuha or mabigyan ng justice kung paano gagawin, masyadong sexy..."
       "Sige nga, patingin nga ng sayaw niyo?"
       "Ang hirap kasi wala si Billy as my partner."
       "Eh di ako muna."

************************************

Ty for reading...







Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon