Chapter 46: Pangako

7.1K 214 10
                                    


CJ'S POV:

INANTAY ko ang text at signal ni Bogart para maka-entra na ako. Kinakabahan ako sa pagkikita namin. Hindi ako mapakali habang nasa washroom siya. Nang makalapit na siya at maamoy ko ang pabango niyang hindi niya pinapalitan ay lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Pinilit kong maging kalma. Nang mapansin kong napatda rin siya pagkakita sa akin ay nagbiro na lang ako.

"Ano? Tatayo ka na lang diyan?" tanong ko sabay smile. Hindi agad siya nakakibo at napansin kong nangilid ang luha sa sulok ng mata niya. Tumayo ako bigla at niyakap siya, ng mahigpit. Naramdaman kong tumaas ang kamay niya sa likod ko at napaganti siya ng yakap sa akin.
"Cj," ang tanging nabulong niya.
"Yes Mimay, it's me...it's me."
"Ohh....." anas niya ng maghiwalay kami ng yakap. "I-I don't know what to say, I am speechless."

Hinalikan ko siya sa pisngi atsaka kami parehong naupo. Magkatapat kami ngayon sa gitna ng isang mabining liwanag mula sa kandila sa mesa namin. A perfect dinner date with the one you love.
"Are you surprised?" tanong ko ng hindi inaalis ang titig sa mata niya.
"Yah...surprised and..and nervous," sagot niya sabay baba ng tingin.
"...and it's cold here too," sabi niya pa uli sabay himas sa braso niya.

Tumayo ako at pumunta sa likuran niya. Ibinalabal ko sa kanya ang peach kong scarf.
"There, mas bagay sa suot mo ito," bulong ko sa tainga niya. Hinimas ko ang magkabilang braso niya.
"Relax Myles, ako lang ito, relax," mahinhin kong sabi sa kanya tsaka ko hinalikan ang ulo niya. Hinila ko ang upuan ko at itinabi sa puwesto niya. Pag-upo ko ay hinuli ko ang kamay niyang nakapatong sa hita niya.
"Feeling better?" tanong ko. Tumango lamang siya. Niligid niya ang ulo niya sa area at ng akmang aalisin niya ang kamay ko mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko.
"Don't," matigas kong sabi.
"Kinahihiya mo bang kasama mo ako Mimay?"

Sinulyapan niya ako saglit tsaka umiling. "Myles, hindi ako sanay ha. Kailan ka pa naumid pag kasama ako?"
"Bitiwan mo na ang kamay ko CJ, hindi ako makakakain ng isa ang kamay, gutom na ako."

Pinisil ko pang saglit ang kamay niya bago ko siya bitawan. "Okay, let's have dinner.."
Habang kumakain kami ay ako ang laging nagbubukas ng usapan. "Ano ang iniisip mo ngayon Myles?"
"Namiss kita ng sobra sobra, sobrang maaari na akong mamatay sa kahihintay ng tawag mo."
"Marami akong bagay na inaayos kasi. I regret I wasn't able to attend Bogart's wedding. Nadelay ang flight ko kasi pero naabisuhan ko naman siya."
"Is this a set-up for us, or what? I mean this dinner."
"I asked help from Jim, and yes, alam kong kakausapin ka nila before me. Alam ko ito."
"Why didn't you tell me na wala na kayo ni Bogart? Halos mabaliw ako ng umalis ka at sa pag-kakaalam kong babalik ka para sa kasal niyo?"
"I want you be on your own. You need to think na ako talaga ang gusto mo. Tiningnan ko kung...paano mo bubuuin ang sarili mo kung mawala ako, pero how stupid I am dahil ako ang hindi naka move-on."
"Ha?"
"Myles, hindi kaila sa atin ang katayuan mo ngayon. Maatim mo bang pagtsimisan ka ng iba na ang nirerespeto nilang boss at director ng kompanya ay may karelasyon na babae? I don't want you to be humiliated."
"So, bakit ka bumalik?"
"Para kunin 'yung diary na para sa akin, yung galing sa 'yo."
"Para ano pa kung nagdesisyon ka na pala ng para sa ating dalawa?"
"Gusto kong balikan kung paano tayo noon."

Binitawan niya ang kubyertos niya at may kinuha sa bag. To my surprised ay inilabas niya ang diary na sinasabi ko mula sa handbag niya. She handed me the diary.
"Here, lagi kong dala 'yan na baka dumaan ang isang araw na magkrus ang landas natin at maibigay ko' yan sa 'yo." Napahiya yata ako, I bit my lower lip.
"Myles..."
"Kung totoo man na kinasal kayo ni Bogart, at least matupad ko ang pangakong maibigay sa 'yo yan."

Binuklat ko ang diary at nagulat akong pinagpatuloy pa rin niya ang pagsusulat kahit hindi nagkikita. Nabasa niya siguro ang nasa isip ko. "CJ, I didn't stop loving you. I didn't stop dreaming that you and I could be together once again. The thought of losing you, giving you up to someone else, that would be my greatest regret as long as I live."
"But I'm here now Myles, isang tanong lang...kaya mo ba? Kaya mo ba akong ipaglaban?"
"Cj, alam ni Mama, alam ni Lolo, ni Bogart, ni Jim, ni Kat. Tanggap nila ako. Kaya ko Cj, hindi naman siguro kailangang ipaglandakan pa sa madla di ba?"
"Ayokong mahirapan ka kasi at maipit pagdating ng panahon."
"Bakit ka ba nagbalik CJ? Para paasahin ulit ako? Pinangugunahan mo kasi ang lahat, wala pa nga. Gustong kong isipin na hindi ako, kundi ikaw ang duwag."
"Dahil maraming nakapaligid sa atin. Hindi lang tayo ang tao sa mundo, ikaw ang inaalala ko."
"So stop bothering regarding those people. Hindi sila ang nakakapag-saya sa 'yo. Hindi sila nasasaktan kapag nasasaktan ka."

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon