Chapter 35: Bathe with Love

6K 181 10
                                    

CJ'S POV:

        "M-Melissa...a-ano'ng ginagawa mo rito sa loob?"
        "Haay...CJ..c'mon, kahapon ko pa napapansin na hindi mo maikilos ang kanang kamay mo, alam kong may pilay ka, napa'no ba 'yan kasi?"
       "Wala ito, napuwersa lang kasi ko nang nag-igib kami ni Benchok ng tubig sa poso."
       "So admit it, hirap ka di ba?" sabi niya hanggang maramdaman kong hininaan niya ang gripo.
       "P-pero Melissa, hindi na dapat na nandito ka sa loob, kaya ko na."
       "Nahihiya ka ba sa akin?"

        Nahihiya nga ba ako sa kanya? Na sa totoo lang mula kahapon ay iniimagine ko na ang yakapin siya at halikan? Na naiinis ako sa sarili ko bakit ko nararamdaman ito sa isang estranghero? Naramdaman kong inayos niya ang pagsampay ng tuwalya ko at muling dinama ang temperatura ng tubig.
       "Sabihin na lang natin Cj na ayaw kitang mahirapan, na atat na akong matapos kang maligo para makapag-kuwento ka na."
      "P-pero...."

       Nag-init ang pakiramdam ko ng magtama ang binti ko sa binti niya. Iba ang kiliti no'n.
       "Masyadong malamig ang tubig, hintayin mo at kukunin ko ang natirang mainit na tubig sa thermos kaninang agahan, ihahalo ko para maging maligamgam."
       "Melissa please... bulag ako, pero hindi ako dis-able at lalong hindi baldado, bulag lang ako."
       "Oo bulag ka at pilay ang kanang kamay, ano'ng oras ka pa matatapos maligo? Sa hapunan na?"

       Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi naman, grabe ka..."  Tumawa siya at tila napakasarap pakinggan ng kanyang tawa. Bakit pati pag-tawa ay hawig na hawig kay Mimay? Oooh.. ano ba itong naiisip ko.
      Pinihit niya ang doorknob. Nagtataka man bakit ako napapasunod ng babaeng ito ay hindi ko maintindihan. Tatlong minuto ay bumalik siya sa loob ng banyo at ramdam ko ang pagtimpla niya ng tubig sa balde. Nanatili akong nakaupo sa bangkito.
       "Lumabas ka na Melissa, kaya ko na."
       "Hinde. Iaassist kitang maligo."

       I don't understand pero bakit ganito kagaan ang loob ko sa kanya. Never akong naghubad at nag expose ng dibdib sa kahit na kanino mapa-kaibigan, o mapa-kamag-anak. Isang tao lang ang madali akong pag-hubarin....si Mimay.
      Masakit talaga ang pilay ko sa kanang braso kaya ni bra ko ay hindi ko ma-unhook. Naramdaman ko ang mainit niyang daliri na dumaan sa likuran ko.
        "Ako na, tsk, di ba hindi mo kaya? Mayro'n din ako niyan, Cj, don't worry," biro niya.

       Alam kong litaw na ngayon ang dalawa kong pares, at nasorpresa akong hindi ako nahiya sa kanya. Nagpaubaya akong tanggalin niya. Naramdaman ko ng bahagya ang lamig ng hangin. Nagsimula na niya akong buhusan sa ulo, at masarap ang maligamgam na tubig. Maya-maya'y minasahe na niya ang ulo ko ng may shampoo. Napabuntung-hininga ako dahil kuhang-kuha niya kumpaano ako masahihin ni Mimay noon tuwing masakit ang ulo ko.
       I am slowly getting crazy with this girl. Reincarnation ba niya ito? Natakot ako sa isiping baka may nangyaring masama kay Myles.
Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa sa pag-shampoo sa akin, na para akong isang batang pinaliliguan ng nanay.
       "Siguro'y may sideline kang massage parlor at ang galing mong magmasahe sa ulo?" biro ko.

        Maya-maya'y kinuha niya ang kamay ko at inunat. Naramdaman ko na lang ang pagkuskos ng hawak niyang bimpo sa braso ko.
        "Hindi naman sideline, marunong lang, hahaha!"

       Ang pagkuskos niya sa braso ko ay tumaas hanggang kili-kili, likod at last ang dibdib ko. Hindi ko ito inaasahan, kumibot ang pagkababae ko ng masaling niya ang korona ko.
       Isang buwan mahigit kaming magnobya noon ni Myles, pero hindi kami umabot sa ganitong tagpo. Ang bawat kilos ni Melissa ay kamangha-manghang parang wala lang sa kanya.
       "Tayo ka muna," sabi niya. "Para masabunan ko ang legs mo."
      Para akong robot na sumunod. Narinig ko ang pag-urong niya ng bangkito sa may pintuan. Siya ang umupo ro'n at maya-maya'y naramdaman ko ang palad niyang taas-babang sinasabon ang bukung-bukong ko pataas sa singit. Paulit-ulit, taas-baba. Para akong napanghihinaan ng tuhod sa ginagawa niya.
       "Bakit hindi ka gumamit ng bimpo ngayon?"
       "Baka makiliti ka at matadyakan mo ako palabas hanggang bayan.."

        Lihim akong natuwa. Naalala ko si Myles, alam niyang sa hita ako nakikiliti kaya't iniiwasan nya 'yon dahil nagagalit talaga ako kahit paglalambing pa niya 'yun. Naramdaman kong tumayo siya at umikot sa likod ko.
        "Oh, kaya naman ng kaliwang kamay mo, bubuhusan ko yung pepe mo, hugasan mo. Nasa likod mo naman ako, hindi ko na 'yan nakikita."

       Gano'n nga ang nangyari. Feeling ko, pulang-pula na ang mukha ko. Matapos niya akong banlawan ay tinutuyo na niya ang buhok ko.
       "Basa ka na rin," sabi ko. ( Ako, oo, basa na rin down there ;) )
       "Ayos lang, ako naman na ang maliligo matapos mo."

       Matapos niya akong tuyuin, ay hinalikan niya ang balikat ko. "Uhmmm...bango mo na."
        Kinilabutan ako dahil mahilig gawin 'yun ni Mimay sa akin, anytime of the day.
       "Thank you," mabilis akong lumabas ng banyo. Baka hindi ako makapag-pigil at mayakap ko ang babaeng ito.
       "CJ, huwag mong ... ipilit ikabit ang bra mo mamaya, ako na, magtapis ka lang muna at limang minuto lang akong maliligo. Huwag mong puwersahin ang kamay mo. Mamaya ay dadalin kita sa doktor."
       "Opo Ma'm," sigaw ko at napangiti ako pagtalikod...sa kilig!

       Mabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nagtatama ang aming mga balat. Matapos niyang maligo ay nagtungo nga sya sa room ko. Binihisan niya ako ng pang-alis at magla-lunchout daw kami. Kailan nga ba ako huling lumabas? Mula ng magkahiwalay kami ni Mimay, ay wala na sa isip ko yun.
Bago kami lumabas ng bahay ay wala sa loob kong nasabi kay Melissa na...
        "Melissa, salamat, puwede ba kitang yakapin?"
        Hindi siya sumagot bagkus ay kinabig niya ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Ang pamilyar na lambot ng katawan, ang pamilyar na amoy, ang pamilyar na haplos, hindi nahihiwalay kay Myles. Napabulong ako sa isip ko..."Oo Mimay, sobra na ang pangungulila ko sa 'yo," at nangilid ang luha ko ng bahagya.
        "Tara na nga," sabi ko ng kumalas ako.

         Dinala niya ako sa Aling Nena's Eatery. Sobrang coincidence dahil lahat ng paborito ko, walang tanung-tanong ay inorder ni Melissa. Hinayaan naman niya akong kumain gamit ang isa kong kamay. Hinihimayan na lang niya ako ng ulam. Ang sweet 'di ba?
         "Ganyan ka rin ba kay Sir Junior? Tanong ko. "Ang suwerte naman ni Sir sa 'yo."
         Napaubo siya. "Naku, hindi, wala rin kasing kasweet-sweetan 'yun sa katawan."
        "Ilang taon na kayong mag-kasama?"
        "Nito lang..."

          Bakit parang may kumurot sa puso ko sa sasagot nyang yo'n? Saan ba nanggagaling ang pakiramdam na ito? Habang inaantay ang dessert ay nagtanong si Melissa.
        "Mahal mo ba si Bogart?"
        "Mabait siya, makisig, masipag, matuwid na lalaki at..maginoo. Wala kang maipipintas sa kanya bilang lalaki."
       "Kailan mo huling sinabing mahal mo siya, CJ?"

         Hindi ako nakasagot. Bakit ako kinakastigo ng babaeng ito? Sa totoo lang, sa loob ng dalawang taon ay hindi ko ngang nasabi pa na mahal ko si Bogart.
       "Pakakasal ako sa kanya, sapat na 'yon."
       "Kahit hindi mo siya mahal?"
        "M-mahal ko siya." Nasabi ko rin pero tila nagpupumiglas ang buo kong pagkatao sa nasabi ko.

      Hinawakan ni Melissa ang kamay kong nakapatong sa mesa. Marahan ko itong binawi.
       "I am sorry, ayan na ang halu-halo. Akina, tunawin ko muna ang yelo. Ahhh...waiter," tawag niya.
       "Pahingi naman ng additional na gatas, pahiwalay sa maliit na lalagyan, please."

       Napahigpit ang pagkakahawak ko sa napkin. Ganyan si Myles sa tuwing umoorder kami ng halu-halo, kahit saang fastfood ay ugali niyang humingi ng dagdag na gatas. Naririnig ko pa ang pagdurog ng yelo sa baso. Atsaka niya nilagay ang kutsara sa kamay ko. "Oh, haya'n, kain na."
        "Melissa..."
        "Kalimutan mo na ang mga nasabi ko, taklesa lang, sige na kumain ka na. Siguro nama'y sa bagal mong kumain ay maikukuwento mo na kung ano ang nangyari sa 'yo - bakit at paanong nawala ang iyong paningin?"

         Humugot ako ng isang malalim na hininga bago magsalita.
       "Buwan ng Mayo noon year 2011...dalawang taon na ang nakakalipas.....ganito ang nangyari...."

*****************

Thank you for reading..

:)

Shan

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon