Chapter 30: In your arms..

6K 195 5
                                    

CJ'S POV:

    HINDI ko maintindihan kumbakit pag kaharap na si Mimay ay nauumid ako. Marami akong gustong sabihin. Nang sabihin ko sa kanyang I am sorry, sorry dahil sa nagawa ko siyang saktan.

        Kaya ako nag-resign ay para sa aming dalawa. Handa na akong panindigan siya at hindi kami makakapag-simula kung teacher-student kami sa iisang school.

     Nang iiwas nya ang kamay niya ng hinawakan ko siya, hindi ko hinayaang makawala 'yon. To tell her that I am holding on now. Pero mukhang siya na ang nag-desisyon para sa aming dalawa. She never gave me the chance, to say na ang pag-reresign ko ang initial step ko para harapin na siya.

       Nang ibalita sa kin ni Billy na may kasama siyang lalaki kagabi after ng party nila, hindi ako mapalagay. Dahil hindi ko kilala ang taong iyon. Pero nang sabihin ni Billy na kilala ni Ate Tam ay hindi na ako pumalag pa.

       I care a lot about her, at inamin ko na sa sarili kong mahal ko na si Myles.
Nagtatalo man ang puso at isip ko, gusto ko ng pag-bigyan ang puso ko. Feelings over reasons. Parang sinasaksak ang dibdib ko ng talikuran niya ako at walang lingun-lingong pumasok siya sa loob ng kotse. Ang sakit palang makita kang wala kang laban. :(

       Maraming pala-isipan sa akin kung sino ang kasama niya. Hindi ako makakain. Sa aking pag-higa ay umuukit sa ala-ala ko ang mga napag-saluhan namin. Ngayong gusto ko na siyang harapin ay tsaka naman niya ako tinalikuran. Huli na nga ba ako para mapasakamay siya sa ibang tao? Is she giving up on me already?

       Pabaling-baling lang ako sa kama. Umiibig ako kay Myles, pag-ibig na hindi maipaliwanag at ngayon ko lang ito naramdaman. Ang hirap pala. Humiga ako ng deretso at sapo ng palad ang noo ko. Pumikit ako.

    Ang lungkot at bigat sa dibdib ko, gusto ko ng pakawalan. I just fell my tears flowing from the corner of my eyes down to my pillow. Is this really love?

      Maya-maya, naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Unknown number is calling. I cleared my throat before answering the call.
        "H-hello...." panimula ko sa mahinang boses. The other line remained silent. Inulit ko ang pag hello. Ibababa ko na sana ng may marinig akong buntung-hininga lang.
      "Hello..." ulit ko.
       "A-ate...."  Lumundag ang puso ko pagkarinig ng boses niya. Hindi agad ako nakasagot.
       "M-Myles...."
        "Ate..."
        "Mimay.... umiiyak ka ba?" Narinig ko ang unti-unti niyang pag-hikbi.
       "Ate..sorry..."
       "Sssshhhh.... Mimay stop crying, 'yung baga mo. My ghad...!"

       Alam kong masama ang tama ng asthma sa kanya. Baka makulangan siya ng hangin sa pag-iyak. Ni hindi ko alam kung nasa'n siya.
       "Asa'n ka?"
       "Ate sorry... hindi ko na kayang wala ka.."
       "Ano?! Mimay please! Answer me, nasa'n ka?!"
        "Mahal mo ba ako, ate?"
        "Ghad Mimay! Oo! Mahal kita, mahal kita."

        Ayun lang at namatay ang linya. Tinawagan ko ulit ang numero. Hindi niya sinasagot. Tinext ko siya. "Parang awa mo na Mimay, nasa'n ka? Pupuntahan kita."
      Paikut-ikot ako sa kuwarto ko. Nag-aalala ako kung nasa'n si Mimay. Hanggang tumunog muli ang cp ko.
       "Basta mahal kita, ako ang pupunta sa 'yo, hintayin mo ako, ate..."

       Mag-aalas diyes na ng gabi. Hindi ako mapalagay. Alam kong binigay na nina Billy kay Myles ang address ng apartment ko rito sa Baclaran. Mula Las Pinas hanggang dito ay saglit lang naman kung walang traffic.

MYLE'S POV:

        Mula Makati hanggang Baclaran ay inabot ng treinta minutos. Galing ako condo ni Atty. Jim. Kinakabahan ako. Wala ngang definite na rason kung ano pa ba ang dapat kong sabihin kay CJ. Basta gusto ko siyang makita...ngayon.

       Habang katabi ko sa kotse si Atty. Jim ay tahimik lang ako. Gabi na rin, mabuti at pumayag siya. Habang naka-stop sa Buendia Taft ay nagsalita siya.
      "Myles, alam kong bago sa 'yo ang lahat. Alam kong ang pag-kakaayos ninyo ni Cj ay makakabuti para makapag-simula kang makapag-focus sa mga gagawin mo pa in the future. Alam kong mauunawaan mo ako. I trust you at sana'y pagkatiwalaan mo ako."
      "Oo na! Kung hindi ka lang guwapo!"

      Bumaba ako sa mismong tapat ng apartment ni CJ, mag aalas-onse na ng gabi. Panay ang pintig ng puso ko sa kaba. Tatawagan ko na lang si Atty. Kapag ready na akong umuwi. Nag-doorbell ako ng dalawang beses. Ang lakas pa rin ng kabog ng puso ko. May isang minuto akong nag hintay at bumukas ang pinto.
     "H-hi...good evening po, s-si Ate Cj po ba nandy'an?" tanong ko sa babaeng nag-bukas. Nakabihis ito at mukhang gigimik.

      Panay ang punas ko ng pawis sa noo. Walang electricfan ang common salas nila, ang init.
       "Ay...sandali lang ha, tawagin ko. Upo ka muna."

     Maya-maya'y bumaba ulit yung nag-bukas sa kin ng pinto. "Ah Miss, akyat ka na lang daw sa taas, nasa CR lang siya."
     "Ahh... puwede bang umakyat ang bisita doon? Dis oras na kasi."
      "Ay oo, puwede naman. Unang pinto siya kanan. Sige, mauna na ako sa 'yo, may gig pa ko eh."
      "Annie by the way..."
      "Ah okay, Myles ako. Salamat ha.."

       Inantay kong makaalis si Annie saka ako umakyat. Kumatok ako ng tatlong beses. Nang marinig ko ang yabag ng paa ni Cj ay lumundag na naman ang puso ko sa kaba.
Napapitlag pa ako bigla ng bumukas ang pinto.  Si CJ, sa harap kong nakatayo, naka-pajama at manipis na satin na negligee na may ribbon sa magkabilang balikat. Hindi ako nakakilos agad ng mapunta ang tingin ko sa mapang-anyaya niyang dibdib na bakat na bakat ang nipple. Napalunok ako at nag-angat ng tingin.

        Napansin ko ang mata niyang galing din sa iyak. May init na nanalaytay sa aking kabuuan nang maamoy ko ang kanyang balat, na sigurado akong bago siyang paligo.  Saglit kaming nagtitigan. Tila sinusukat kung sino ang unang magrereact. I know I've been harshed towards her that's why I am here to settle it down.
      Tipid akong ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko, iginiya papasok ng silid at sinara niya ang pinto. She turned to me after locking the door.
         Masuyo niyang pinadadaan ang palad niya sa pisngi ko. Hinayaan ko siya sa kanyang ginagawa. Ilang saglit lang ay hinuli ko ang kamay niyang humahaplos sa aking pisngi nang hindi inaalis ang tingin ko sa kanyang mukha.
        Pag-kahuli ko ng kamay niyang 'yun ay dinala ko sa bibig ko at hinalikan ang likod ng kanyang palad. Habang hinahalikan ko ng pino ang kanyang palad, ang isa naman niyang kamay ay humahaplos na muli sa aking pisngi. Hinuli kong muli ang kamay nyang 'yon.
        Ngayo'y dalawang kamay na niya ang kulong ng kamay ko. Marahan ko siyang hinila papalapit sa akin. Ga-hibla na lang ng buhok ang pagitan ng aming mukha.

      Binitiwan ko ang dalawa niyang kamay. I cupped her face, looking straight into her loving eyes, without any talkings between us, I gently pressed my lips against her lips.

*************

Shan
Vote comment

Minsan Kitang Inibig (Gxg Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon