Stealth - The Lady in the Cruise

7.9K 217 45
                                    

***

Matiim akong nakatingin sa likod ng isang babaeng may kulay gintong buhok. We're in the middle of a serius conversation I guess.

Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Magkahalong tuwa, inis, galit? I don't know why either. Dinig 'ko ang pagbuntong hininga niya sabay nagsalita.

"In your world, I'm long gone and dead. I don't exist anymore. People accused me for being ruthless and heartless. They.. They just don't know a thing. Kaya pinili kong lumayo na lang at ipagkatiwala kayo sa mga taong alam kong mapoprotektahan kayo laban sa mga kaaway. They're after me. Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit ka nandito. Hindi mo na sana ako hinanap. Magkakagulo lang. Magkakagulo na naman, anak."

***

Napabalikwas ako ng bangon pero napabalik din agad sa higaan ng bumalatay ang sakit sa may bandang kaliwang tagiliran ko. Kumirot din ng bahagya ang ulo ko dahilan para mapapikit ako ng mariin.

What was that anyways?

A dream? Another glimpse? What?

But it feels realistic. Some part of me is telling that it's real.

'Pero ba't niya naman ako tatawaging anak?'

Tanong ko sa sarili ko kahit na alam kong wala din namang sagot na lalabas mula sa utak ko.

Hindi si Mommy Yumi ang napanaginipan 'ko. Ibang tao.

Natigil ako sa pagmumuni-muni ng bumukas ang pinto. Pumasok si Serene kasama si Zaphael.

Teka, anong nangyari sa cruise?

"Nasan si Frost?" Tanong ko agad sa kanila. Ang huli 'kong natatandaan ay sabay kaming tumalon ni Frost sa tubig ng sumabog yung cruiseship.

Yeah. Sumabog na naman.

"Ok na ba pakiramdam mo? Ilang araw ka ding walang malay ha." Pambungad ni Zaph. Nahawa na yata sa'kin. Ni wala man lang Hi/Hello?

Okay. Hindi niya 'ko sinagot. Minsan, bastos din 'tong kausap eh. Poker face ko siyang tinignan kaya si Serene na ang sumagot.

"Buhay pa naman siya, Couz. Ang totoo nga niyan nasa school na siya eh. He-he."

Good news for him. Madami pa siyang dapat ipaliwanag kaya hindi siya pwedeng mawala bigla.

"Gusto ko ng umuwi." Mabilis kong tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kanang kamay ko pati na din ang ibang aparato na nakakabit sa buong katawan ko. Nakaramdam na naman ako ng kirot pero tiniis ko na lang. Ayoko ng matulog dito. Nasusuka ako.

Hindi naman sila pumalag at tahimik na lang na sumunod.

*

Kinaumagahan, hindi ko nadatnan si Frost sa bahay.

Pinagtataguan niya ba ako?

"Nasan si Frost? Kahapon ko pa siya hinahanap pero ni anino niya hindi ko mahagilap. Pinagtataguan niya ba ako?"

Inis kong tanong sabay upo sa harap ng mesa. Babalik na ko sa skwelahan. Wala ng pahi-pahinga lalo pa't nadagdagan na naman ang alalahanin ko. Kailangan ko ng sagot mula kay Frost at kailangan kong mahanap yung babae sa cruise.

"Late na siyang umuwi kagabi kaya hindi na siya nag-abalang daanan ka sa kwarto mo. Tsaka maaga siyang umalis kanina. May aasikasuhin daw siya." Si Zaph habang nagbabasa ng dyaryo.

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon