Stealth - Acquaintance Ball

11.8K 285 12
                                    

***

Nasa cafeteria kami ngayon at nagla-lunch. It's been two weeks since nag-umpisa ang klase at wala namang kakaibang nangyari sa buhay ko. Well, maliban na lang sa asungot na si Kyler na, sa kasamaang palad, ay napabilang sa circle of friends kuno namin.


"Uhmm.. Nga pala. Next saturday na ang Acquaintance Ball. Nakapaghanda na ba kayo? Isasabay kasi sa day class students ang mga night class." Sabi ni Kyler habang walang pakundangang lumalamon. Ang baboy talaga kumain. Walang ka manners-manners at proper etiquette sa katawan.

"Yung totoo Kaiyle, sa kalye ka ba pinatira ng mga magulang mo? Parang isang milenyo ka ng hindi nakakakain ah.." Nang-uuyam na pahayag ni Serene.


"Paki mo ba? Inggit ka lang kasi ako, hindi tinatablan ng cholesterol. E ikaw? Ewww. Oink-oink.." Ganti ni Kyler.


"Aba't! Sinong mataba sa'tin?! Ang sexy sexy ko kaya! Health concious lang ako no! Duhh.. Ikaw may abs nga, nag-iisa lang naman. Hahahaha! Dapat tawag diyan AB lang!"

Wag na kayong magtaka sa dalawang 'yan dahil simula pa lang, nagkakabangayan na 'yang mga 'yan. Tahimik na ang akong nakain habang hagalpak naman ng tawa si Frost.


"Anong nag-iisa lang?! Baka maglaway ka pag nakita mo na 'to."


"Ewww.. Hindi ako aso. Tsaka, abs lang pinagmamalaki mo? Walang kwenta, siguro nga mas matigas pa gilagid ni Frost diyan sa abs mo no."


"Pfft.." Hahaha. Natatawa na 'ko. Ang tindi talaga bumanat ni Serene. Namumula na sa inis si Kyler.


"Langya naman, Death.. Ba't nadadamay na pati gilagid ko diyan? E kung gilagid naman kaya ni Snow ang pagtripan niyo?"

Napaseryoso ako ng mukha at tinitigan siya ng masama.


"Joke lang.. Pati na rin pala esophagus at internal organs ko, isali niyo na." Bawi niya.


"Hahahahaha!" Sabay na tawa nung dalawa.


"Tahimik!" Sigaw ni Frost na ikinatahimik nila, pero halata pa rin sa hilatsa ng pagmumukha nilang dalawa ang pigil na tawa.


"Pwede bang hindi umattend nung ball?" Pag-iiba ko ng topic. Napatingin silang tatlo sa'kin na parang nanghihingi ng eksplinasyon.



"Hindi ka ba aattend, honey?" Tanong ni Kyler.



"Hindi ko pa alam."


"Umattend ka, insan. Parang awa mo na, 'wag mong iiwan sa'kin 'tong dalawang 'to. Huhuhu."



"Psh! Kung ikaw rin lang makakasama ko sa ball, mas mabuti pang 'wag na lang din akong pumunta." Sabat naman nung isa.



"Mas lalo naman ako no! Baka mapagkamalan pa 'kong pulubi pag ikaw katabi ko.."



"E mas la--"




"Ssssshh...." I cut him out. Baka kung san na naman mapunta ang usapan.



"Okay.. Sige na. Aattend ako." Huling saad ko bago tumayo at bumalik sa classroom ko.



*

Saturday 10:30 PM




Nakaharap ako sa isang full size mirror ng may kumatok sa kwarto ko. "Pasok."




STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon