Stealth - Iron Rusty Man

15.6K 311 5
                                    

***


"And, as anyone can see! Stealth is still the Queen!"

Dumadagundong ang palakpakan.

"Wooooooo!"

"Awesome! Wew!"

"You're the best Stealth!!!"

"Witwew!!"

Someone is standing in the middle of the arena, dripping wet with blood, holding a stiletto dagger on her right hand. It was just a wild guess when I say it's a 'HER' because the fact is, THAT someone is covered with a long dark cloak with hood. The dagger was the only visible thing you can see beside from the cloak.

Everyones shouting in victory. Then, it became more blurry.

*

Naalimpungatan akong nagmulat ng mata ng maramdaman ko ang ibang presensiya sa paligid. Nandito pa rin ako sa flower fountain.

"Hi!" Masiglang bati ng isang lalaking nakatunghay sa tabi ko.

"Fuck! Nandayo?!(What the hell?!) You scared the shit outta me!" Sigaw ko sa kanya dahil sa gulat. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa'kin kaya itinulak ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko. Kulay copper ang buhok niyang medyo mahaba. At... mukha siyang chickboy. Nakangiti pa rin ang loko kaya tumayo na ako. Saktong pagtayo niya ay kinwelyuhan ko siya kaagad.

"Did you do something unforgivable?! Talk, or I'll kill you!" Pagbabanta ko. Sinusubukan ko lang namang magtapang-tapangan sa harap niya dahil ayokong magmukhang mahina, lalo na't may amnesia pa 'ko. Mukha naman siyang disente pero ayoko paring magtiwala agad. Hindi niya tinanggal ang kamay ko sa kwelyo niya pero nakangiti pa rin siyang sumagot sa'kin.

"Naku wala, wala! Tinititigan lang kita habang natutulog ka. Wala ka kasing kasama kaya hinintay ko na lang na magising ka. May mga napapadaan kasing mga loko-loko dito minsan."

Marahas ko siyang binitiwan kaya napasipol nalang ito. "Hindi ko gustong tinititigan ako." Malamig kong tugon sa kanya sabay pagpag ng skirt ng uniform ko. I hate attention, pero umagang umaga pa lang kanina, andami ng natingin sa'kin. Sarap tusukin ng mga mata nila eh.

"I can't assure you that no one would stare at you. I mean, you're too stunning." Sagot niya. Tinalikuran ko siya.

"I hate compliments, too. And.." Hinarap ko ulit siya at tinitigan sa mata. "I can manage to protect my self. I don't need anybody. Get it?" 

Tinalikuran ko na ulit siya saka naglakad ng nakapamulsa. Nakasanayan ko na ang ganitong gesture.

"Teka lang miss! Ako nga pala si --"

"I don't effin' care!" Sigaw ko ng hindi man lang siya nililingon.

Alas onse na ng umaga kaya malamang na hindi na 'ko pumasok. 30 minutes late na 'ko kaya maglalakad lakad na naman ako hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Di naman nagtagal, nakarating ako sa field. Naupo ako sa isang malilim na puno sa gilid ng field para magpahangin ng mag vibrate ang phone ko.

1 Message Received

---------- 

From: Frost, my Ugly Twin

Where ya at sis? Tara ng mag lunch. Nasa carpark ako now.

----------

... ?

Seriously?

Ang adik talaga ng abnormal na yun. Look at this crappy message! Mensahe ba ng lalaking may matinong pag-iisip ang magtext ng ganito? Tss.

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon