Stealth - Royal Grimoire

10K 245 7
                                    

***

Walangyang hayup na lalaking 'to. Halikan ba naman si Snow. Ni hindi ko nga hinahawakan madalas kahit braso ni Snow e, siya kung makahalik, parang baby lang. Gago talaga 'to. Babasagin ko talaga pagmumukha ng isang 'to.

Hinila na ni Frost si Snow at inalis sa Mystic Fountain para iuwi sa kanila. 'Yun ang tawag sa lugar na 'to. Napansin kong nakasalampak pa rin sa paved pathway 'yung lalaking sinuntok ko.

Akmang susuntukin ko ulit siya ng magsalita siya na ikinagulat ko. "A single punch is already enough for welcoming me,

Phoenix."

That cold baritone voice..

"Dragon?!" Sigaw ko sa lalaking nakatayo na ngayon at pinapagpag ang suot na damit bago dahan-dahang inalis ang mask na suot niya.

"The one.. and only.. "

***

Monday 5:30 am

Maaga akong nagising kaya naisipan kong mag-jogging. Ramdam kong bakat ang eyebags ko dahil hindi na naman ako nakatulog kagabi. Kainis 'yung lalaki sa Acquaintance Ball. Naiinis pa rin ako sa sarili ko dahil nagpahalik ako at ang masama pa, nagustuhan ko! Waaaaah. Nakaka-frustrate.

Nagsuot ako ng jogging pants siyempre, na tinernuhan ko ng itim na sando at tsaka nagjacket. Kinuha ko na rin ang iPod at headset bago bumaba. Naabutan kong nagkakape sa sala si Zaphael habang nagbabasa ng malaking news paper. Sa mesang kaharap niya nakapatong ang isang itim at nakabukas na laptop. Napatingin siya sa'kin.

"Jogging?"

Tanong niya habang tinutupi ang dyaryo saka kinuha ang mug ng kape sa gilid ng laptop.

"Yeah." Maikli kong sagot saka dumiretso sa pinto. Ngunit bago pa man ako makalabas ng bahay ay narinig ko pa ang pahabol niyang paalala.

"Don't go out of the village, Snow. Mahirap na."

Napa-tss na lang ako. Ano namang gagawin ko sa labas ng village.

Pagkalabas ko ng gate ay sinimulan ko ng mag-stretching. My hunch told me again to do it. First time kong maglilibot sa village na 'to kaya improvised ang dala kong iPod na kapag naligaw ako, magagamit ko ito pauwi.

Higit dalawampung minuto na akong tumatakbo ng makarating ako sa parang mini playground nitong village. Marami-rami din ang nakakasabayan ko sa pagja-jogging. 'Yung iba, may kasama pang aso. Naupo ako sa isang swing doon para magpahinga. Papasikat na rin ang araw kaya babalik na 'ko sa bahay maya-maya.

Nakapasak pa rin sa tenga ko ang headset kaya nagtaka ako ng may kumalabit sa likod ko. Pagharap ko, isang batang babaeng nasa lima o anim na taon ang nakita ko. Tinanggal ko ang nakapasak sa kaliwang tenga ko saka siya tinanong.

"Bakit?"

Nakatitig lang siya sa mukha ko ng ilang segundo. Pagkaraan ng ilang sandali, bumulahaw siya ng iyak na ikinagulat ko.

"Teka, ano bang problema mo?!" Di ko napigilang sigawan siya. Wala naman akong ginagawa sa kanya eh. Ano ba problema ng isang 'to?

Lalo naman siyang umiyak ng malakas na ultimo mga taong nadaan sa 'min ay napatingin na.

"Ano ba 'yan, pati bata pinapatulan."

"Oo nga eh, mukha pa naman siyang bata, pero may anak na. Tsk. Tsk. Panahon nga naman ngayon."

Tinitigan ko ng masama ang dalawang tsismosang kung makabulong e parang nakalunok ng megaphone. Dagli naman silang umalis pero nakasunod pa rin sa'kin ang mata. Psh! Madapa sana kayo!

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon