Stealth - Thank you

6.9K 227 8
                                    

***

Narinig ko ang pagkalansing ng dalawang bakal kaya napamulat ako ng biglaan at hinanap ang pinanggalingan noon.

Nakatayo ang isang lalaking nakakuyom ang kamao malapit sa wasak na pinto ng rooftop habang madilim ang mukhang nakakatitig sa babaeng nasa harapan ko.

"What the fuck did you do to her, Xanthea?!" Mahina pero may diin na saad nung lalaki. Namutla kunwari yung bruha sabay tingin sakin ng masama. Tinaasan ko nga ng kilay.

"I.. I.. S-she.. Damn! It's her fault Arthur! She's flirting with you!" Tila nanginig ng konti ang boses niya ng sinabi niya 'yun. Matalim na tinitigan siya nung lalaki sabay dahan-dahang lumapit.

Dumausdos naman ako pababa para maupo. Para kasi akong nahilo dala marahil ng paglabas ng dugo mula sa kanang balikat ko. Hindi ko naman mapigilan ang sugat ko dahil nakalibing pa rin ang shuriken dito.

Hinawakan nung lalaki ang leeg nung babae na tila sinasakal. Halos pumutla ang puti na niyang mukha dahil sa ginawa ng lalaki kaya tahimik akong napatitig sa kanila.

"I'm warning you crazy bitch. Don't. You. Ever. Lay. A finger on Raven again, or I'll be the one to kill you." Malamig niyang saad saka pabalyang itinapon sa gilid ang naiyak na bruha. Buti nga sa'yo!

Napikit na lang ako matapos ng eksenang iyon. Masakit kaya sugat ko. Tss.

Naramdaman kong may nagpahid ng tela sa mukha ko. Nang imulat ko ang mata ko ay yung lalaki pala. Matiim niya 'kong tinitigan sa mata bago binuhat na parang bride. Nanghihina ako kaya hindi ko na pinilit na magreact. Ayokong mamatay nang dahil sa naubusan ng dugo. That's pathetic.

"Thank you." Mahinang saad ko sa knight ko bago ko tuluyang ipikit ang mata ko. Hindi ako matutulog, gago. Ayoko lang magtama ang mga mata namin dahil anng pagkakatanda ko, kaklase ko ang ungas na 'to.


***

Later ko na aayusin to. Hehe. Vote? Comment? Ok lang talaga kahit ano. Gusto mo ba ng Side ni Gray? Comment lang kung OO. Kung HINDI, comment ka din. Mehehe. ^_^v

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon