Tumigil kami sa gitna ng sala na para bang may naalala siyang bigla.
Kunot noo ko siyang tinignan, binalingan din niya ako ng tingin.

"Where's your car key?" He ask, nagsalubong ang aking kilay ng dahil doon. Itinuro ko sa kanya ang sling bag ko na nakasabit sa likod ng pintuan. After that he continued walking. Pero aanhin niya yung susi ng kotse ko?

"Where are we going? Bakit kailangan mo yung kotse?" takang tanong ko sa kanya. Pero hindi pa rin niya ako sinagot. Hanggang sa nakarating kami sa may garahe. Ibinaba niya ako sa may tabi ng drivers seat nang may pag iingat. Umikot siya sa kabila at umupo na doon. Habang ako ay pinagmamasdan nalang ang bawat galaw niya.

At dahil doon ay napansin ko ang nanginginig niyang kamay. Because of his trembling hands ay nahihirapan na din siyang isuksok iyon sa dapat nitong kalagyan. Dahil doon ay napagmasdan ko ang kanyang mukha. He is acting so calm but his body is betraying him. Ganun na ba siya nag aalala para sa akin? Bullets of sweat was seen on his forehead.

May kung anong bumara sa lalamunan ko. Ewan ko naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Naiiyak ako because I was so overwhelmed how he worry about me.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan siya. But then he cussed because he cant enter the key on its keyhole. Kaya napabuntong hininga ako at hindi ko namalayan na hinawakan ko na ang braso niya. Dahil doon ay napatingin siya sa akin, punong puno talaga ng pag aalala yung mukha niya.
Nagkatitigan kami ng ilang saglit.

"Bakla relax ka lang okay. Hindi naman malala ang kalagayan ko." I said to  calm him nilakipan ko pa ng tawa. Pero hindi ata nakatulong dahil tinitigan lang niya ako.

"Relax ka lang. Don't worry too much hmm?" Sabi ko ulit sa kanya. Tinapik ko pa ang kanyang braso.

Humugot siya ng malalim na hininga at saka siya nag iwas sa akin ng tingin. Pinakalma niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagyukyok sa manibela.

"You made me worried to death." Maya maya ay sabi niya nang hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Hindi ko alam pero napangiti ako ng dahil diyan. Muntik ko na siyang ingusan habang nangingiti dahil ang baliw niya lang. May nalalaman pa siyang paiwas iwas sa akin pero kung makapag alala wagas naman pala.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang aking sarili at may umalpas na tawa mula sa akin. Pero napangiwi ako noong maramdaman ko ang pananakit ng upper part ng buttocks ko.
Pero hindi ata iyon nakaligtas kay Quiro dahil bigla siyang tumingin sa akin, kunot na kunot ang noo niya.

"Nothings funny Jamie gurl." Pagsusungit niya nang dahil doon ay mas napangiti ako. Tinakpan ko ng aking palad ang aking bibig para pigilan ang aking pag ngiti at baka mabeastmode pa si Quiro.

Hindi siya makapaniwalang tinignan ako at saka siya umiling na para bang sinasabi niyang nasa malala nang kalagayan ang aking pag iisip. Nagkibit balikat nalang ako at sinenyasan siya na magdrive na at dalhin ako sa hospital, clinic o kung saan man na makakatulong sa problema ko.

Pero habang nasa daan kami ay hindi ko talaga maiwasan ang mangiti. Dahil alam niyo ba kung ano ang nasa isipan ko.

The accident that happened to me was a blessing in disguise malay niyo nang dahil dito ay magkaayos na kami ni Quiro. Baka makapag apologize na ako sa kanya. At baka mabigyan ako ng pagkakataon na matanong siya kung bakit nga ba niya ako iniiwasan noong mga nakaraang araw.

"Stop smiling like an idiot Jam. Nothing's funny." Saway niya sa akin noong nilingon niya ako kaya naman nakagat ko ang aking pang ibaba at pang itaas na labi. Sabi ko nga hindi pa maganda ang mood niya. Pinag alala ko ba naman siya ng sobra.
Pero diko talaga maiwasan eh.

"Im just happy that is why I'm smiling." Nakangusong sabi ko sa kanya.

"At masaya ka pa sa kalagayan mong iyan ha." He said. Iningusan ko siya t palihim na inirapan. Nag iwas nalang ako ng tingin at saka tumingin sa labas ng bintana. Medyo napangiwi na naman ako noong sumakit ang pwetan ko.
"Hindi ba pwedeng maging masaya ako dahil pinansin mo na ako?" I blurted out without looking at him. Ewan ko nalang kung anong naging reaksiyon niya. Sa huli ay hindi na niya ako binara pa at hindi na siya nakipagtalo pa. Narinig ko nalang ang kanyang malalim na buntong hininga.

Forgotten Night (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant