PINANSIN NA AKO NI QUIRO!

And seems like he is worried! Kailangan ko na bang magpaparty dahil hindi din pala ako matitiis ng baklang iyan! Napangiti ako ng alanganin.

"O-Oo. Okay lang ako." I answered stuttering.  Okay nga lang ba? Pero noong sinulyapan ko ulit yung nilalang na iyon ay napatili ulit ako.

"WAHHH! Bwisit na ipis ka wag kang magpakafeeling butterfly!" tili ko noong lumipad ang ipis at balak pa ata akong atakehin dahil sa pag iwas at takot na madapuan ako nung flying ipis ay nagkamali ako ng apak. Parang nagslow motion nalang bigla ang aking paligid at napaungol nalang ako sa sakit noong lumagapak ang aking pwetan  sa semento.

"Ouch!" Nakagat ko ang aking labi para lang wag mapasigaw dahil sa napakasakit ng pwetan ko na siyang sumalo ng lahat ng impact ng pagkakalagapak ko sa sahig.

"Hoy Jamieya gurl okay ka lang?" rinig ko ang  pasigaw na tanong ni Quiro may pag aalala din ang kanyang boses.
"Hintayin mo ako diyan!" He said. Hindi ko na siya masagot dahil sa sakit na nararamdaman ko. Pipilitin ko sana siyang sagutin pero napamura na naman ako noong makaramdam ako ng kirot sa aking ulo.
Pero pinilit ko pa rin na bangunin ang aking sarili at nakaya ko naman kahit na nakirot ang aking pwetan. Pero kulang nalang ay maiyak ako sa kirot, pinipigilan ko lang talaga.

May imamalas pa ba ako?

Nakarinig nalang ako ng kalabog sa baba ng bahay. Pinilit kong maglakad kahit na kandangiwi na ako dahil sa kirot na nararamdaman ko. At noong saktong paghawak ko sa hamba ng pinto papasok sa kwarto mula balkon ay sakto naman na bumukas ang pintuan ko. Napaawang nalang ang aking labi dahil si Quiro ang naroon. Napupuno ng pag aalala ang kanyang mukha. Hingal na hingal  din siya. Napakurap kurap  nalang ako.

"How- Paano ka nakapasok?" takang tanong ko napapangiwi pa rin ako dahil sa pagkirot ng pwetan ko. But he just met my eyes hindi niya pinansin ang tanong ko and he went into me.

"Okay ka lang?" He asked worriedly. Nagulat nalang ako noong hinawakan niya ako sa magkabilaang balikat as he scanned my body. Nalilito pa rin ako at hindi pa rin makasabay ang utak ko sa mga ganap. Napapamaang nalang ako sa pag aalalang nakikita ko sa kanyang mukha. Like he really cared a lot for me.

"Gurl anong masakit sayo?" he then ask me again. Tinignan niya pa ang mga braso ko. "Wala bang nabali sa buto mo?" he ask as he hold my hand but I just winced when he hold the area in my hand na kinagat ng talipandas na ipis. At dahil doon.
"Oh my gosh gurl! Anyare dito?" He ask. At dahil nao-awkwardan ako binawi ko ang kamay kong hawak niya. Paano ko ba sasagutin  ang tanong niya na kinagat ako ng ipis habang nagtatago upang hindi lang niya ako mahuli na pinagmamasdan ko siya? Ganun ba dapat? I step back but I just graoned when I do that because of my freaking buttocks. Sa tingin ko nabalian ako ng buto doon? Masyado na atang OA ang nabalian? Maybe nainjured.

Dahil doon ay napatingin ako sa mukha niya. Nakatitig na pala siya sa akin.

"Okay lang ako." I said and I tried to step para sana makapunta sa higaan ko pero napangiwi na naman ako dahil sa kirot.

"You are not okay." He said. Napakagat labi nalang ako dahil totoo naman ang sinabi niya. He look at me with that serious and worried face.

"H-hoy!" napatili nalang ako noong bigla niya akong buhatin ng pa bridal style. Nanlalaki ang mga mata ko dahil doon. "T-teka saan mo ako dadalhin!" Tarantang tanong ko noong namalayan kong pababa na kami ng hagdan.
Pero hindi niya ako sinagot. Nanatili lang na poker face ang mukha niya.
"O-oy Quiro, ibaba mo ako! Saan mo ba ako dadalhin." Taranta na namang sabi ko dito. I wiggled para sana bitawan niya ako pero napangiwi lang ako dahil sumakit na naman ang balakang ko.

Forgotten Night (COMPLETED)Where stories live. Discover now