Chapter 2: Last Resort

101 76 1
                                    

"HOY! Bumalik ka rito!!!" rinig ko pang sigaw niya habang tumatakbo ako ng sobrang bilis na parang hinahabol ako ni kamatayan.

Konti nalang, abot kamay ko na ang gate ng school. I CAN DO THIS.

Taka akong tinignan ng guard, kala niya siguro dumaan si flash sa harap niya. Sorry kuya, naka-ID ako.

Dumiretso agad ako sa backstage para hanapin 'yung ID. Akma ko na itong dadamputin nang biglang may humablot nito sa akin.

"Ang bilis mo tumakbo." at tiningnan ang hinablot niyang ID mula sa akin. 

"Sa'yo ba 'yan?" I need an assurance na siya nga ang nag mamay-ari nuong ID. "Nalimot ko siya kanina, nakalimutan ko ibigay sa guard nung pumasok ako kasi nagma--"

"Thanks!" 

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at iniwan niya akong nakatulala, with my hands still trembling dahil sa pagod sa pagtakbo. Paano kaya siya nakapasok ngayon, e kung nasa akin ang ID niya.

Teka, parang Eve Aldrich 'yung nakasulat sa ID na nalimot ko a? 

Then this sudden realization hits me. So, kaya pala wala ang MC partner ko kanina ay dahil nasa akin ang ID niya. And dahil nasa akin ang ID niya, hindi siya nakapasok sa gate. Ayoko nang paka-isipin na I'm the reason kung bakit hindi siya nakapasok sa school. It's not my fault in the first place naman, I just want to help kaya ko nilimot. 

What a day, atleast nagawa ko ang task for today and I should be proud of myself.

*tap on shoulder* "You did great self."

"Maggy! Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba nagsusu-suot?" and yep, I am not a loner naman. I looked at the back, here comes the machine gun.

I have friends naman, actually I have a lot. And isa na roon si Celiz Mirano

"Uy Celiz! Sorry, lumabas kasi ako para bumili sa 7/11 kaso something happened.. Anyway, nag-lunch na ba kayo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Yes, kasama ko ang squad. What happened? jeez, she's kinda serious though. Ready na ready to fight e, should I tell her?

"oh my freaking juice! you had a conversation with Eve? For real? GOSH GIRLLL!" what? this is not the expression I wanted to see. I can't believe Celiz, urgh.

"why? I don't even know him. Bakit kilala mo?" I looked at her and we started to walk. Walk and talk really.

"you really don't have any idea, kahit guess?" I shrugged my shoulder while facing her, still walking.

We are on the way sa cafeteria, and since may event today there are booths for foods, games and many more. 

"tara bumili ng inumin, ang init." pag-iiba ko sa usapan. Hay nako Celiz! hindi ba halata na ayoko na pag-usapan, tapos papahulain mo pa ako. "Ate dalawa pong buko juice, 'yung nasa bottle po."

"Huy, 'di mo ba want hulaan? Bahala ka, ikaw din" she smiled widely, nearly a teasing face. 

"Neng, ito 'yung dalawang BJ. Enjoy!" at ini-abot ko ang bayad. 

Nag simula na uli kami mag lakad pabalik sa aming classroom. Akala ko nga titigil na itong si Celiz kakakulit sa akin na manghula, kaso hindi nga pala tumitigil 'tong babae na 'to hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Ayoko namang mawala ng todo sa mood ngayong araw, kaya sinakyan ko nalang ang trip niya.

"Asawa mo?" I guessed playfully.

"Gusto mo bang maging asawa?" she questioned me back. "He's my cousin, on my mother side. Hindi ba halata sa lahi?" sabay turo sa kaniyang mukha.

Sa sobrang gulat ko naibuga ko ang iniinom ko. 

"Gulat na gulat sister? kapatid ng dad niya ang mom ko. Gusto mo bang ireto kita sa kaniya? Ang alam ko kasi single siya at the mean time e." sinamaan ko siya ng tingin. Napansin ko na nakarating na pala kami sa harap ng aming classroom.

Hindi ko na sana papakaisipin 'yung nangyari kanina e, ang kulit lang nitong babae na 'to. I'm not interested nga e. 

"Whatever Celiz, uupo na ako dahil sobrang nananakit na ang paa ko kakalakad." saad ko sabay salampak sa aking upuan.

"Pagod na pagod ah? Pinagod ka ba ni Eve? Grabe ha, nasa talking stage pa nga lang kayo pinapagod kana agad." tumatawang sabi niya at umupo na sa tabi ko.

"Gusto mo bang makakita nang lumilipad na kamao?" at iniamba ang aking kamao.

She smirked at me, kinuha ko nalang ang aking cellphone. Need to post pa on my instagram account about the updates sa aking life.

Wala pala akong masyadong maayos na kuha kanina, puro blurred huhu. Nakakainis naman ang araw na ito. 

Ano kayang magandang magawa para naman umayos ang mood ko. Tiningnan ko si Celiz, hoping na may maii-suggest siya. But guess what? nakangiti lang si gaga habang nag pipipindot sa kaniyang cellphone.

"Sa una lang 'yan." biro ko, and this time siya naman ang masama ang tingin. 

"Wala kang magawa ano? Asus, kung ako sa'yo sisimulan ko na ang awaiting love story namin ni Eve." in character pa siya, ano ka disney princess?

"Love story your face, edi ikaw nalang." u-ub-ob na sana ako sa aking desk ng may matanaw akong pag-asa.

Hay, my life savior.

"Andy, my man!" sigaw ko habang winawagayway ang aking kamay. 

"Ginugulo mo na naman ang utak ni Mags, tama na bhie, baka mabaliw na 'yan" siniringan niya si Celiz, at nakipag-fist bump ako sa kaniya.

"Hay, salamat! Ayaw ako tigilan ni Celiz dahil sa Eve na 'yan." inis kong sabi.

"Oh, sino na naman iyang ishiniship mo kay Mags? Last time I remember na may ishinip ka kay Mags, isang linggo siyang hindi tinantanan nuong lalaki kasi akala ay gusto rin siya ni Mags." hinablot niya ang BJ ni Celiz, sabay higop.

Kitang-kita ko ang pag bilog ng mga mata ni Celiz dahil sa ginawa ni Andy.

"Akin 'yan!!! Bumili ka nga ng sa'yo. At saka, ano naman sa'yo kung i-ship ko si Mags, single naman 'yan, allowed naman ni Tita"

"Kahit na allowed ni Tita! You don't have the rights to decide na i-ship siya kahit kanino. What if i-ship kita kay Lennard?" 

Hindi ko maintindihan sa dalawang ito kung saan ba patungo ang usapan na 'to.

"What the heck Andy man, is-ship na lang ako, sa maasim pa. Kausapin mo na nga lang 'yang mga tools mo. Hmp!" 

"Ito cutter, magsaksakan na kayo. Init na init, napaka iingay" I went to the restroom after ko mag walk-out. 

Well it's not really intentional, 'yung pa walk-out effect ko. Way ko lang 'yun para mag stop na sila sa pag aaway. Leave me no choice.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beauty: A Dangerous Thing (ON-HOLD)Where stories live. Discover now