Chapter 1: Lawas

127 112 0
                                    

OMG! I'm dead, late na ako sa school!

"Ma, bakit hindi mo ako ginising. We have an event today sa school, and I am the assigned representative of our section para mag organize ng event na 'yun." tuloy-tuloy kong sabi habang nag-aayos ng aking buhok pababa ng hagdan.

"Aba aba aba, nakailang akyat na ako sa kwarto mo para gisingin ka! At alam mo ba ang reply mo, "I don't have anything to do ma, its okay to be late sa school". Kaya hinayaan nalang kita." she imitated my voice pa habang hawak ang spatula.

"You know naman my habit, speaking while sleeping. And I'm not aware of what I am doing, lalo na kapag pagod ako." natataranta na ako dahil hindi ko mahanap ang ID ko which is very crucial sa school.

Ang sungit kasi nung guard, kala ko nga tropa-tropa na kami pero masyadong tapat sa trabaho. Pinanindigan ba naman ang NO ID, NO ENTRY policy ng school. Hindi man lang ako palagpasin kahit isang beses, hindi ko tuloy siya bati ngayon.

"Kumain ka muna bago umalis ha, ang ID mo nasa may lamesa kung 'yun man ang hinahanap mo." sabay kindat at pumasok na siya sa banyo para maligo.

Dumampot lang ako ng 2 sandwiches at inilagay ang sa bag ko. Balak kong kainin ang isa habang nasa byahe. Dumaan muna ako sa body mirror bago lumabas ng pinto para tingnan kung maganda pa rin ba ako. And as always, maganda sadya.

Kinuha ko na ang susi ng motor ko para pumunta sa sakayan ng jeep. Actually, kaya ko namang mag motor hanggang sa school, pero bilang isang tamad na nilalang, iniiwan ko nalang siya sa paradahan. Safe naman ang baby ko ron, aba siyempre bente pesos bayad ko sa parking.

Sakto, isa nalang ang kulang sa jeep at aalis na. Hindi kasi umaalis ang jeep hanggang hindi puno kapag nakapila, pero may mga jeep na 'sibat' kung tawagin, dahil hindi na sila nag-aantay ng pasahero at tumitigil o dumadaan nalang sila sa kung saan-saan merong pasahero. Buti nalang talaga at hindi na ipinilit ng konduktor na magsakay pa ng dalawa, kasi kalahati nalang ng pwet ko yung nakaupo tapos kulang pa raw ng dalawa. What if kalahati rin ibayad ko?

Hindi naman traffic, at halos kalahati ata ng sakay sa jeep ang bumaba na sa Bauan. Kaya bukod sa maganda ako, maganda na rin ang pagkakaupo ko. Inilabas ko na rin ang isa kong sandwich na may palamang bacon, egg and gulay.

Natatanaw ko na ang Waltermart, malapit na akong bumaba. Sa may gasoline station kasi nagbababa ang jeep, since roon ang last stop ng jeep. Dahil sa pagmamadali ko, nakalimutan ko pala bumili ng tubig. Kaya kahit late na ako, dumaan parin ako ng 711 para bumili ng tubig at mogu-mogu. Malapit na naman ito sa school, sa may lawas lang din. May nalimot pa akong ID, same lace rin sa school na pinapasukan ko, kaya nilimot ko nalang at inilagay sa bag ko. Ibigay ko nalang sa guard pag pumasok ako. After that, tinakbo ko na papuntang school.

And, Praise God. Hindi lang ako ang late, biruin mo pang-apat pa ako sa mga unang nakarating. Pag dating ko sa may gate, proud kong ipinakita kay Manong Guard ang ID ko. Feeling day accomplished na agad si sister. Nakahinga naman ako ng very light, pero nang maalala ko ang event for today na ioorganize namin, bumalik ang aking kaba.

MC kasi ako, and God knows how I hate public speaking. Yes, I am talkative pero ang mag-MC, thinking all of the audience attention ay nasa akin. Gusto ko nalang matunaw, nakakahiya.

Since this event is for the celebration of the Mathematics Month, naisip nung president namin to wear costumes related to math. Mga basics about math, kaya ngayon naka 'addition' sign costume ako ngayon. No choice, pero its a good thing na rin siguro dahil hindi masyadong kita ang aking face. Kahit super ganda ng face ko, need parin itago minsan kasi baka maraming ma-inlove, ayoko namang may mag suntukan hehe.

10 minutes before the event to start, kinain ko na yung isa ko pang sandwich sa bag at dumiretso na sa backstage. Inilabas ko ang aking mga gamit kasi naisipan kong linisin ang laman ng bag kong nung isang araw pa ang mga laman. Umupo na uli ako para basahin ang script. Habang nagbabasa napansin ko na 2 names ang nakasulat sa MC.

Cassandrah Margareth of STEM-Engineering

Eve Aldrich of STEM-Engineering

Hindi siya familiar, kasi halos kilala ko lahat ng students sa department namin. Pero ang alam ko nga dalawa kaming mag-e-MC e, pero wala siyang pinaka-script kasi parang supporting MC siya. Yung mag dadagdag lang sa mga sasabihin ko ganon. So hindi na ako nag paka-bother kasi kaya ko rin naman siguro kahit ako lang mag-isa. Umupo muna ako sa upuan at uminom ng tubig. Habang nag-iintay mag-start ang event, nag pratice muna ako nang pag-imik, baka kasi pumiyok ako mamaya.

Hindi ko na binuksan ang phone ko kasi for sure mawawala ako sa focus. Hawak-hawak ko ang script ko ng dumating ang president namin.

"Maggy, hindi ata makakarating 'yung kasama mong mag-e-MC. Pasensya kana ha, napaka unexpected ng pangyayaring ito kasi lagi siyang early bird." napakamot tuloy siya sa kaniyang ulo.

"It's okay kuya! I can handle naman." jusko! kahit nangangatog na ang tuhod ko ay napa 'I can handle naman' nalang ako.

Humingi uli siya ng sorry before umalis, kasi mag-start na raw. He offered pa nga to be my partner nalang, pero I rejected it kasi halata na pagod na pagod na siya. Lalo tuloy lumakas ang fighting spirit ko dahil sa dedication ni President sa event na ito. Dapat maging successful ang event kasi ilang weeks din ang inilaan namin to prepare this. Nakonsensya tuloy ako kasi may gana pa akong ma-late kanina. Basta, I need to do my best for this event to end successfully.

Nag-start na ang event, and I think I did great since grabe yung palakpakan nila kahit yung mga taga-ibang department ay napa-palakpak din. Or baka dahil maganda lang talaga ako, hindi na ako magtataka kung thats the reason.

"The only way to learn mathematics, is to do mathematics. That would be all, thank you for being with us until the end." I smiled, and bumaba na ako sa stage.

"Maggy! Ang galing mo grabe, sabi nung mga nasa likod namin, napaka-engaging daw at hindi man lang sila inantok. Grabe kana talaga, kaya you know na agad sa mga susunod pang events haha. Hindi ako nagkamali to assign this important task sa'yo. Thanks again!" salubong sa akin ni President.

Now, makakahinga na ako ng maluwag. I DID IT! I survived, kaya deserve ko kumain ng masarap today. Although sagot ng organization namin ang foods, parang I am craving for something sa 7/11. Kaya bumalik ako sa lawas para bumili.

"Hello po kuya! may nakita po ba kayong ID dito sa may sakayan ng jeep? Naiwala ko po kasi nang papunta ako sa school. Baka po rito ko siya naiwanan, or baka rito nagpatak." sabi niya sa isang jeepney driver na nakapila sa paradahan.

Nadaan ko siya at napatingin ako sa uniform niya, schoolmate ko pala. Papasok na ako sa pinto ng 7/11 ng meron akong ma-realize. ID? hala may napulot ako kaninang ID!

Lumingon ako kung nasaan yung lalaking nag hahanap ng ID niya, buti naroon parin siya. Tinanggal ko ang sakbit ng bag ko para kunin yung ID, kasi baka kaniya. Hindi ko na kasi natingnan yung name kanina, tapos may taklob pang sticker yung picture kaya hindi ko tanda if ano itsura nung may ari. Possible siguro na sa kaniya yun, kaya hindi na ako nahiyang i-approach siya.

Habang nag lalakad palapit sa kaniya, hinahanap ko sa bag ko 'yung ID. "Hello, I think sa'yo itong---------" hala omay gulay, wala yung ID niya!!!

Mahina lang yung pagkakasabi ko, pero narinig niya siguro kaya lumapit agad siya sa akin. Hala what should I do? Baka akala niya pinagt-tripan ko lang siya huhu. Ngayon ko lang naalala na naglinis nga pala ako ng bag kanina sa backstage, so maaaring hindi ko siya naibalik sa bag ko.

"sa'yo itong alin?" nagtama ang mata namin, nangatog ang tuhod ko sa kaba at kahihiyan. Paano ko sasabihin sa kaniyang naiwanan ko ito sa backstage, kung hindi naman ako sure kung kaniya ngang ID 'yung napulot ko.

And I think of something, my last resort. RUN!

"HEY, COME BACK HERE!"

***********************************************************************************************

No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or by any information storage without the permission of the author except permitted by law.

PLAGIARISM IS A CRIME!

ALL RIGHTS RESERVED

© 2022

Beauty: A Dangerous Thing (ON-HOLD)Where stories live. Discover now