Chapter 9 - Meet Quinnet

361 5 1
                                    

- 9 -

- Aleine's POV -

On the way na kami sa bahay ni Quinnet para dalhin yung pinaluto ni Mama Yhallie ...

Base na rin sa mga kwento nila mabait naman daw si Quinnet at paniguradong makakasundo ko .. Lahat sila yun ang sinabi , including my mom .. Well except for Hevn .. She doesn't like her ... May something daw kay Quinnet , but she can't figure it out ...

" Baby we're here " sabi ni Willian , at pinagbukas pa niya ko ng pinto ..

Katabi lang pala ng subdivision namin yung village nila ... Maganda din yung house nila .. Nag doorbell na si Willian , at di rin nagtagal may maid na nagbukas ng gate ...

Agad din naman kaming pinapasok , dinala niya kami sa may living room at sinabing tatawagin lang daw niya si Quinnet ..

Feel at home si Willian , mukhang madalas siya dito ... Napalingon ako sa may table na maraming picture frames .. Halos picture lahat ni Quinnet .. Solo pictures , mas marami nga lang yung picture niya with Willian ..

Nasa park , sa mall , habang kumakain .. At yung nasa pinakamalaking picture frame ay family picture nila Willian na kasama siya .. Lahat naka smile except Hevn , mukhang ayaw talaga niya kay Quinnet ..

May pictures din with Xaione, Nate, Willian, Hevn at Quinnet .. Nakakainggit ... The last picture na kasama ko sila ay yung bago kami umalis , and that was 15 years ago ..

Naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko .. Aaminin ko , nagseselos ako .. Kung hindi lang sana ako nagkasakit sana hindi kami nagkahiwahiwalay ..

" Ian , anong ginagawa mo dito? "

Agad kong pinahid ang mga luha ko at lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun ...

Nakayakap siya kay Willian ngayon .. Well she's pretty , sophisticated .. Not like me , simple lang ..

" Pinadalhan ka kasi ni Mommy ng food .. Si tito L.A pa nagluto niyan for you .. "

" Wow ! Really ? Pakisabi kay Tita Yhallie thanks ha ... "

" May kasama nga pala ako .. " Nilapitan ako ni Willian at inakbayan .. " Eto nga pala si Aleine , baby , this is Quinnet "

Ngumiti siya , a genuine smile .. At inilahad niya ang kamay niya para makipagshakehands ..

Tinanggap ko yun at ngumiti din sakanya .. Paranoid lang siguro ako dahil kay Hevn ...

" Hi ! Nice to finally meet you ! " nag beso pa kami ...

" Hello , oo nga e .. Marami na rin akong narinig about you " pagkasabi ko nun , naramdaman kong pinisil ni Willian ang kamay ko ..

" Good ba yan o bad ? "

Napangiti ako , " Well good lahat , dahil pati mommy ko kilala ka "

" *chuckles* Si tita Maddz talaga oh .. Ituloy natin ang kwentuhan sa garden .. Nagpahanda kasi ako ng merienda , tara .. " Hinila niya ko papunta sa garden nila .. Nakasunod naman si Willian samin na nakangiti ...

Umupo na kami dito sa may garden nila ..

" Ang saya niyo naman tignan .. My bestfriend and My girlfriend .. Can't wait na maging magbestfriend din kayo " nakatingin ako sakanya nung sinabi niya yun ...

He held my left hand , and he kissed it .. O///////////O

" OMG !!! Really ??? As in kayo na ??? Kailan pa ? I'm happy for you Ian .. Kailangan nating magcelebrate " she really looks happy for us ..

" Nung isang araw lang , nung nagbakasyon kami .. As much as we want to celebrate , we can't .. You need to rest pa .. Malapit na ang pasukan so dapat marami kang energy " sabi ni Willian ..

Nagtuloy pa ang kwentuhan namin .. They're right , mabait nga si Quinnet .. Mukha lang siyang maldita at mukhang hindi makaksundo pero hindi pala .. Maybe tama si Willian , we can be best of friends too ..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

- Quinnet's POV -

Hi ! I'm Zhari Quinnet Sandoval .. 20 years old ^_____^

Bestfriend ni Ian for 3 years na .. Ako yung karamay niya nung time na nagkaron sila ng misunderstanding ni Aleine ..

* FlashBack *

Umalis na ulit sina mommy , ako na naman mag isa sa bahay .. Nakakatamad naman sa bahay eh .. Si yaya lang parati ang kasama ko ..

Lumabas muna ako at naglakad lakad .. Napadaan ako sa park dito sa labas ng village namin .. Park siya sa gitna ng village namin at isang subdivision ..

*sobs.sobs.sobs.sobs*

huh ? Ano yun ? Nagpalingon lingon ako sa paligid para makita kung ano yun ... Pagtingin ko dun sa may swing , merong isang lalake na kasing edad ko siguro, ang umiiyak .. Ano ba yan ? Bading ba yan ?

Lumapit ako sakanya , at nang makita ko ang mukha niya nakilala ko siya .. Classmate ko siya , same course din kami ..

" Bakit ka naiyak ? " tanong ko sakanya tapos umupo ako dun sa katabing swing ..

" Wala kang pakialam "

Aba't suplado tong uhugin na to .. Tsk .. Pasalamat siya mabait ako ... Tumayo ako at hinila siya ... Dinala ko siya dito sa favorite kong ice cream parlor ..

Pumalag siya pero di ko siya pinakawalan .. Alam ko na kayang pawiin ng icecream ang sama ng loob ng isang tao ...

Hindi siya nagsalita pero kumain lang siya .. Hindi ko na rin siya kinulit at hinayaan siyang kumain ..

" Thank you ha , Willian nga pala "

" Ok lang , I'm Quinnet "

* End Of Flashback *

Yun ang simula ng friendship namin ... Masamang masama talaga ang loob niya nang hindi nakauwi si Aleine nun ..

Ano kayang nangyari at nagbago lahat ? Sinunod niya kaya yung sinabi ko o tinuloy niya pa rin yung plano niya ?

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

A/N: Ayan na si Quinnet .. Masyado tahimik ang readers ko .. Magingay naman po kayo :)

My Fragile HeartWhere stories live. Discover now