Chapter 14

345 5 1
                                    

A/N: eto pa UD ulit .. lubusin na hanggat meron pang tumatakbo sa utak ko .. Gusto ko na tapusin pero parang hindi pa pwede marami pang mangyayari eh .. hihi .. habang tinatype ko tong UD na to , may idea ulit na pumapasok sa utak ko .. shemay >__<

===========================

- 14 -

- Aleine's POV -

Paglabas ko ng cr nakita ko sina Hevn at Nate na pumuwesto sa may field sa ilalim ng puno .. May klase si Hevn ah , bakit kaya andiyan sila ..

Lalapitan ko sana sila pero bigla akong niyakap ni Willian .. Naku ang sweet talaga ng boyfriend ko oh ..

" Ano ka ba , nasa school tayo .. Bawal ang PDA .. " sita ko sakanya ..

" Wala naman tao eh .. Bakit nga pala ang tagal mo bumalik ? "

" Kasi lalapitan ko sina baby Hevn at Nate .. Hindi yata pumasok ang kapatid mo eh .. " tinuro ko ang lugar kung saan nakapwesto sina Hevn ..

Hinila ako ni Willian papalit kina Hevn , ayaw niya kasi na magpabaya sa pag-aaral si Hevn .. Habang papalapit kami sa dalawa , napansin kong paramg seryoso ang usapan nila .. Medyo teary eyed nga si Hevn eh ..

" Anong gusto mong palabasin?? Na bukod sayo may iba pang lalaki akong pinagbigyan ng katawan ko ?? Ganun ba ang tingin mo sakin ? " sabi ni Hevn na ikinagulat namin ni Willian ..

Nagkatinginan kami at pinakinggan ang usapan nila ..

" Sshhh .. I'm sorry , nabigla lang ako .. Ako ang ama niyan .. Ako lang ... Huwag kang mag alala , papanagutan ko yan " si Nate

" Natatakot ako sa magiging reaksyon nila mommy "

" Kasama mo naman ako eh ... Huwag ka nang matakot " niyakap ni Nate ang umiiyak na si Hevn ..

Paanong nangyaring buntis si Hevn ? Saka diba aso't pusa yang dalawang yan .. Naguguluhan ako ..

Napahiwalay sila ng biglang lumapit si Willian at sinuntok si Nate ... Hindi ko na siya napigilan sa bilis ng pangyayari ...

" Kuya " gulat na bulalas ni Hevn ..

Halos sunod-sunod na suntok ang binigay ni Willian kay Nate , hindi na halos makaganti si Nate dahil nakadagan na sakanya si Willian .. Nang makabawi ako sa pagkabigla agad akong lumapit para pigilan sila ..

" Willian , tama na !!! " pilit kong pinipigilan si Willian .. Hinahatak ko siya sa damit niya para tumigil na siya ..

Pero malakas si Willian kaya hindi ko siya mahila .. Si Hevn naman umiiyak pa rin sa isang tabi .. Buti nalang wala masyado studyante sa area na to ng field ...

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko agad si Xaione ..

[ Hello ate , bakit ? ]

" Pumunta ka agad dito sa may field sa madalas nating tambayan !! Bilisan mo bago pa mapatay ni Willian si Nate !!! "

" Willian , ano ba ?!? Tumigil na kayo !!! "

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

- Willian's POV -

Sinuntok ko ng sinuntok si Nate .. Wala akong pakialam kahit pa matagal na kaming magkaibgan ...

Bata pa ang kapatid ko para patulan niya .. Alam na alam naman niya na ayaw ko munang mag boyfriend ang kapatid ko , pero ano tong ginawa niya .. Binuntis pa niya agad ..

Kanina pa ko sinisigawan ni Aleine na tumigil pero parang hindi ko siya naririnig .. Sobrang galit ako ...

Naramdaman ko na may marahas na humila sakin kaya napabitaw ako ... Niyakap ako kaagad ni Aleine .. Kahit anong galit ko , isang yakap lang ng babaeng to kumakalma ako ..

My Fragile HeartWhere stories live. Discover now