Chapter 11

344 5 0
                                    

- 11 -

- Aleine's POV -

Matapos ang kulitan naming magkakapatid ay nag ayos na ko ... Pupunta kasi kami sa mall para mamili ng gamit ... Sa monday na kasi ang start ng klase ...

Pababa na ko ng hagdan ng makita ko si Daddy ... Nilapitan ko siya at niyakap ...

" Goodmorning baby " kiniss niya yung noo ko .. " Breakfast na tayo , nagluto si mommy mo ng favorite natin "

*o* " really dad ? halika na dali " Hinila ko na siya papuntang dining table ...

" Wow , mommy ang sarap naman "

" Ofcourse masarap talaga yan , kasing sarap ng mommy niyo este kasi masarap magluto ang mommy niyo " then kumindat pa si Daddy kay Mommy ..

Si Mommy naman feeling teenager , nagblush pa .. Tapos kiniss si Daddy ..

" Mom , Dad , get a room ! "

Nagkatawanan nalang kami ..Nag sweet ng parents ko diba ..

Matapos ang breakfast , umalis na.kami nila Xaione ... Kasama namin si Hevn at Nate ..

Nasaan kaya si Willian ? Ano yun hindi man lang ba siya magpapaliwanag ? Tsk ..

Pagdating namin sa mall , medyo weird lang yung feeling ... Ewan ko parang may nakatingin sakin ..

Nagpunta kami sa National Bookstore , nang matapos kaming mamili napagdesisyunan namin na kumain muna ..

Napadaan kami dun sa pinakagitna ng mall , mukhang may mall show na magaganap ...

O_______________O WTF !!!! Ano to ??? Bakit puro pictures namin ni Willian to ?

Picture namin nung baby pa kami na magkaholding hands , nung 4 years old kami na nagpropose siya sakin , at yung stolen shot ni Mommy at Mama .. Nakasandal ako sa balikat ni Willian , tapos nakaharap kami sa dagat .. Sunset yun ... At yun ang latest picture namin dahil kuha yun nung nagbakasyon kami last week ..

May biglang lumabas sa stage >____< si Jolibee ??? At bigla siyang sumayaw ... Para akong batang tuwang tuwa na makita si Jolibee ... Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ...

Biglang may mga naglaglagan na rose petals .. May red at white ... Nilapitan ako ni Jolibee at bigla siyang lumuhod sa harap ko ...

Hinubad ba niya yung ulo ni Jabee ,

" I'm sorry .. Mahal na mahal ba mahal kita .. Papayagan mo na ba ako mag explain ? " nakaluhod pa rin siya ...

" Oo ready na po ako ... Alis na tayo , nahihiya na kasi ako sa mga taong nakatingin satin eh "

Umalis na kami ni Willian , baka kasi isipin ng mga tao na may shooting dun ..

" Willian , sina Xaione nga pala "

" Don't worry baby , alam nila to "

Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar na yun ... Sa haba ng byahe namin di ko namalayang nakatulog na pala ako ...

Nagising ako na nakahiga sa parang garden ... Pagkaupo ko nakita ko na nasa isang overlooking place kami ... Para siyang mataas na lugar basta tabae mo yung mga bahay at buildings ..

May nakalatag na tela , at may unan pa ... Meron ding picnic basket sa tabi ... Nasaan na kaya si Willian ..

Naramdaman kong yumakap siya sakin mula sa likod ko ... " I'm sorry ha .. Pero wala naman talagang halikang nangyari eh "

Pinaliwanag niya sakin lahag ng nangyari ... Alam ko iniisip niyo na wala akong tiwala sakanya .. May tiwala naman ako pero hindi pa rin kasi mawala sa isip ko na malaki ang posibilidad na iwan niya ako at ipagpalit ... Dahil kahit matagal na kaming magkakilala iba pa rin ang meron sila ni Quinnet ...

" Just trust me ha .. Ikaw lang namang walang iba .. " lalo pang humigpit ang yakap niya ...

" Sorry din kung pinagdudahan kita .. Hindi ko lang kasi maiwasan na maisip na baka ipagpalit mo ko eh .. Nagawa mo ngang dedmahi ako ng 3 taon eh "

" Huwag mo nang isipin ang nakaraan ... Alam ko kasalanan ko kung bakit nangyari yun .. At wala na tayong magagawa para mabago yun .. Ang importante yung ngayon .. Ikaw si Maddeline Xandreia Arciaga ang pinakamamahal kong babae .. Ang babaeng gugustuhin kong iharap sa altar ... Ang magiging ina ng mga anak ko , ang makakasama ko habangbuhay .. "

He leans forward then kissed me ... Ramdam ko sa halik na to ang sobra niyang pagmamahal ...

Matapos ang halik na yun , humiga siya at umunan sa mga hita ko .. Hinaplos ko naman yung pasa niya sa may gilid ng mukha niya ...

" Pasensya ka na sa ginawa nila ha .. Kung di lang dahil sa pagiging sensitive ko hindi ka sana nasapak "

" Okay lang yun .. Saka atleast ngayon alam ko na mangyayari sakin pag pinaiyak pa kita ulit .. Baka nga mas malala pa dito ang abutin ko eh " tapos tumawa siya ..

Nang bandang hapon na ay inaya na niya ako umalis ... Sa buong byahe hindi niya binitawan ang kamay ko ...

" Oh ? Akala ko ba uuwi na tayo ? Bakit nandito tayo sa YhaMhy ? "

" Kain muna tayo bago umuwi .. "

Pagkapasok namin dun pumwesto kami sa pinakagitnang table .. Ang weird lang kasi yung pinakagitna talaga ang hindi okupado .. Pero sabagay baka pinasabihan na ni Willian ..

Matapos kaming kumain ng main course , dinala naman samin yung dessert ... Chocolate Cake ..

" Ang ganda naman ng design ng icing .. "

Singsing kasi yung design e , ang.cute parang totoo ... Wait ..... Teka .....

Kinuha ni Willian yung singsing , pinunasan niya muna para hindi malagkit ...

Then tumayo siya , " Everyone , this girl with me , ang babaeng pinakamamahal ko .. I wanna spend my lifetime with her , if only she'll allow it .. " lumuhod siya sa harap ko ..

" Ms. Maddeline Xandreia M. Arciaga , will you be Mrs. Willian Yuric Zamora ?

Will you marry me ??? "

WHAT ??????? OMG !!! Pwede bang himatayin na ???? Gosh ...

" Ofcourse , Yes !! " at ako na mismo ang humalik sakanya ...

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ... Pati lahat ng staff dito sa YhaMhy ...

Di pa sana maghihiwalay ang mga labi namin , pero may istorbong tumapik sa balikat ni Willian ... Pagtingin namin si Daddy pala ..

" Take care of our baby ha .. Huwag mo nang papaiyakin yan , dahil baka dobleng sapak ang aabutin mo sakin "

Andito din ang buong pamilya namin ... Lahat sila witness sa event na to ng buhay namin ...

May mas sasaya pa ba sakin ngayon ?? Wala na noh .. Haba ng hair ko , tinalo si Rapunzel ^______^

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

A/N: waaaaa .. ayan na , engaged na sila ... hahahahaha .. Bilis noh ? remind ko lang ha , 20 yrs old na sila dito , hindi na sila mga bata .. hihi .. votes comments ha :)

My Fragile HeartWhere stories live. Discover now