Chapter 7 - Reminscing The Past

391 7 0
                                    

A/N: may title ang chap na to .. hehe .. gusto ko kasi ipakita sa inyo kung gaano nga ba kaclose sina Willian at Aleine nung mga bata pa sila at kung paano nagbago ang lahat .. at POV ni mommy Maddie , mommy Yhallie at mommy Kariza ito .. balik muna tayo sa past ha , pinagiisipan ko pa kasi yung mangyayari dito eh .. may hint na sa mangyayari dito .. kung binabasa mo ang OMDA , malamang alam mo na ..

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

- 7 -

- Mommy Yhallie's POV -

( a/n: nasa beach pa po sila dito ha .. bago umalis si Willian para puntahan si Quinnet )

Yow !! May pov ako ... I love you author ^________^

Andito kami sa may terrace ng resthouse habang pinapanood ang mga bata .. Well hindi na bata talaga , pero baby pa rin namin sila eh .... Ang mga baby ko , kahit na malaki na sila sweet pa rin sila sakin ..

Nung bagong panganak palang yang si Chukoy ko , sobrang hands-on ako diyan , pati na ang asawa ko ...

Pero naalala ko nung 1st birthday nung apat ... si Aleine , Xaione , Nate at Chukoy ko .. Kahit na bata palang halos hindi na mapaghiwalay si Aleine at Chukoy .. Palaging naiyak si Aleine pag hindi niya kasama si Chukoy ... Nung minsan nga , sobrang nataranta si Bru Maddie kasi kahit anong gawin niya ayaw tumahan ni Aleine , si Xaione naman tahimik lang .. Tinawagan pa nga niya si Tita Myrns , dahil di na niya alam ang gagawin niya .. At dahil magkatapat lang ang bahay namin , dinig na dinig ko ang ngawa ni Aleine .. Kaya bitbit ko si Chukoy at pumunta kami sa kanila ... Nilapitan ko sila , at nang tumingin si Aleine samin ay bigla na lang siyang tumigil sa pag iyak at parang pilit inaabot si Chukoy .. Nagkatinginan na nga lang kami at natawa eh .. Kaya ayun , hinayaan nalang namin silang maglaro hanggang sa makatulog ...

Nang silipin namin yung dalawa sa crib nila .. Napahagikgik kami ni Bru , kasi magkahawak pa sila ng kamay habang tulog sila ... Kaya nang araw na yun , alam na namin na pagdating ng panahon magiging magbalae na kami ... 2 years old na si Chukoy ko ng mabuntis ulit ako sa baby girl naming si Hevn ... She's a very sweet girl ... At spoiled ni Yuric ...

Hanggang sa dumating yung time na kinailangan nilang maghiwalay ... Dahil kailangang magpagamot ni Aleine sa ibang bansa ... Nalungkot si Chukoy nun maging si Hevn nalungkot pero dahil na rin sa mga bagong technology kahit paano nakakapag usap sila ...

Pero dumating ang pinaka malaking pagbabago sa buhay ng panganay ko nung 17th birthday nila ... Napagplanuhan na kasi namin na magkakaron ng party para sa apat na bata ... At dapat uuwi na rin sina Aleine dito ... Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari hindi nakatupad sa pangako si Aleine .. Hindi rin naman kasi kaagad nakatawag samin ang mag asawang Maddie at Brent , kaya sumama talaga ang loob ni Chukoy ... Nagbago siya sa pakikitungo samin ...

Naging sobrang tahimik siya .. Lumayo din siya samin ... Nagtry kaming kausapin siya para ipaliwanag ang nangyari kay Aleine , pero sa tuwing ipapaliwanag namin sakanya , hindi niya pinapakinggan ... Nasaktan ako sa nangyari sa anak ko ... Pero thankful ako ng dumating si Quinnet sa buhay niya ... Kahit paano nakikita na namin siyang masaya ...

Pero sa nakikita ko ngayon bumalik na ang tunay na saya ng Chukoy ko ... Dahil si Aleine ang kaligayahan niya ...

" Bhie , tignan mo yang bunso natin .. May kakaiba sakanila ni Nate " sabi ng asawa ko .. Napalingon sa amin si Kariza at Nathaniel ...

May something din yata sa unico hijo nila at sa baby Hevn namin ... Hmmmmmmmmm ...

- Mommy Kariza's POV -

" Bhie , tignan mo yang bunso natin .. May kakaiba sakanila ni Nate " sabi ni Yuric ...

Nilingon namin siya ... Totoo naman ang sinabi niya eh ... Talagang may something sakanila ... Pero secret lang namin yun eh .. Matagal na naming alam na may gusto ang anak ko kay Hevn ...

Nagiisa lang ang anak ko , nahirapan na kasi ako magbuntis kaya hindi na siya nasundan ... Nung pinanganak si Hevn , tuwang tuwa si Nate , nanghingi siya kaagad ng kapatid samin .. Sabi niya sana daw may baby sister siya .. Pero hindi talaga kami makabuo na ulit .. Kaya naging close sila ni Hevn ... Akala ko yun lang , pero habang nung 10 years old na siya at 8 naman si Hevn ... Umuwi si Nate dito na may pasa sa may gilid ng labi niya ... Nang tanungin ko siya ayaw niya sumagot samin ... Hanggang ipatawag kami sa school nila ... Nakipag suntukan pala siya dun sa nambully kay Hevn ... Kinausap ko siya pagkauwi namin , eto ang sinabi niya ,

" mommy , walang pwedeng manakit at magpaiyak kay Hevn .. I promise that "

Habang lumalaki nga sila , parati siya sa tabi ni Hevn ... Madalas nga lang silang mag asaran pero deep inside ramdam ko na may something more pa ... Nagalit pa siya kay Willian nung time na halos lumayo ang loob nito sa pamilya niya ... Kasi umiyak ng todo nun si Hevn ...

Pero nakakapag taka lang bakit kaya parang hindi na sila aso't pusa ngayon ?

" So ready na ba kayo kung sakaling maging magkamag anak din tayo ? " biro ni Nathaniel ..

" No !! Ayoko pa !! Hindi pa ko ready , bata pa ang anak ko !! " Yhallie/Ako

Nagkatawanan lang kami dahil sa parehas na reaksyon namin ni Yhallie ...

- Mommy Maddie's POV -

OA much ang reaksiyon ni Bru Yhallie at Bhezpot Kariza ... Pero hindi ko sila masisisi ... Dahil ganun din naman ako ... Kahit pa nasa edad na sina Aleine at Xaione they're still my babies ....

Sobrang tuwa ko ng malaman namin na kambal ang magiging anak namin ... Kung pwede lang magtatalon nun ginawa ko na ... The pain during the nine months of pregnancy and while giving birth to them was all worth it ... Walang hanggang ang happiness ko nun ... Everytime na naiyak sila sobra akong natataranta .. Si Aleine ang madalas umiyak , na tanging si Chukoy lang ang nakakapagpatahan ... Si Xaione kasi baby palang tahimik na ...

Nung 4 years old na sila , doon na nagsimula ang pinakamalaking pagsubok samin ... May sakit sa puso si Aleine ... At dahil masyado pa siyang bata hindi pa siya pwedeng operahan ... Kinailangan naming pumunta sa ibang bansa para doon ipagamot si Aleine .. Mahirap pero kailangan ... After years of treatment , we thought she's okay .. Kaya nga sana uuwi na kami dito sa Pilipinas , pero mas malala pa pala ang nagyari because she needed a heart transplant ... Kung pwede lang na ibigay ang puso ko para sa anak ko ginawa ko na ... Kung sana ako nalang ang nahihirapan hindi siya ... Masakit para sa isang ina ang makita ang anak mo na nahihirapan ... But thanks to God , may pusong dumating ... Akala ko makikita ko nang manumbalik ang saya ng anak ko ... But I was wrong , lalo pa siyang lumungkot dahil sa hindi pagpansin sakanya ni Chukoy ...

Buti nalang nandiyan si Xaione at Xav para kay Aleine ... Si Xaione na sobrang mahal ang kapatid niya ... Nung time nga nabasa niya yung reply ni Chukoy sa email ni Aleine agad niyang sinabi na pupunta siya sa Pilipinas .. Akala namin magbabakasyon lang siya .. Pero laking gulat ko ng tumawag si Bru Yhallie sakin at sinapak si Chukoy ... Bumalik din siya kaagad dito ... Pinagalitan ko siya , pero sabi niya

' Kulang pa yun sa hirap na dinanas ng kakambal ko '

I just hugged him ... Alam kong nahirapan din siya sa sitwasyon ni Aleine ... Dahil kung ako ina nila nasasaktan mas masakit kay Xaione dun dahil mas ramdam niya ang kapatid niya ..

Si Xav ang joy ng family namin ... Hindi ko naman ineexpect na magkababy pa , pero dumating siya sa buhay namin ... Sakanya kami kumukuha ng lakas .. Sobrang mahal niya ang mga kapatid niya ... Idol na idol niya yung kambal ... Meron ngang isang beses na they were watching TV , si Aleine at Xaione magkatabi sa couch ... Nakaakbay siya kay Aleine at nakasandal naman ang ulo ni Aleine sa balikat ni Xaione ... Nang biglang nakisiksik sakanila si Xav .. Pumwesto talaga siya dun sa gitna ng kambal ... At nanood sila ng tv na siksikan sila sa malaking couch ...

May lovelife na si Aleine ... I hope hindi na ulit masaktan ang anak ko ... Ang dami na niyang pinagdaanan .. Sana .....

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

A/N: Boring ?? Yaan niyo na atleast ngayon alam niyo na ang pinagdaanan nilang lahat diba .. So mag procede na tayo sa present time .. Abangan ang mga pwede pang mangyari ... Comment and Vote naman po ..

My Fragile HeartWhere stories live. Discover now