Chapter 24 - Ending

410 3 0
                                    

A/N: Last Chapter po pero may Epilogue pa ...

Ngayon palang mag thank you na ko sa inyo para sa inyong suporta sa kwentong ito ... Alam ko ang daming flaws at typos nito pero binasa niyo pa rin .. Thank you po ..

Ang MEML po hanggat wala pang 10 votes at comments hindi po ako mag uupdate ...

OMDA po still onhold , baka po burahin ko rin muna kasi di pa po ako prepared masyado para sa ibang eksena ...

Pasensya na po dahil very short lang ito .. Baka po pansamantala na rin muna akong tumigil sa pagsulat .. I need encouragement >__<

- Willian's POV -

" Chukoy ko ... Kamusta ka na ?? Buti naman at naisipan mo nang bumalik dito ... Namiss kita anak .. " sabi ni mommy pagkapasok ko palang ng pintuan ng bahay namin ...

Matapos ang lahat ng nangyari nagpaalam ako sakanila na magbabakasyon muna .. Masyadong maraming nangyari , nasaktan ako sa mga ginawa nilang panloloko sakin ...

Kahit paano minahal ko rin si Quinnet ... Pero hindi pa rin nun matumbasan ang pagmamahal ko para kay Aleine ... Yan ang pinakamalaking realization ko ...

Nasaktan man ako sa ginawa niya pero ginawa lang niya yun para protektahan ako at ang buong pamilya namin ... Nahirapan din naman siya eh ... Isa pa , nalaman ko na pumunta pala siya nung naospital ako ... Nung panahon na hindi pa ko gumigising ...

Yung panaginip ko na kinakausap ako ni Aleine , totoo pala yun .. Narinig ko yun kay Nate bago ako umalis ... Narinig ko sila ni Hevn na naguusap ...

Kung sana pala hindi ako nagmukmok noon , sana natulungan ko siya para maka alis sa poder ni Phonze ...

" 'my naman , 2 weeks lang naman akong nawala eh ... " gumanti rin ako ng yakap sakanya ...

" Those 2 weeks were pure hell for me Chukoy ... Ni hindi namin alam kung saan ka nagpunta , kung kamusta ka dun , kung kumakain ka ba ... Hindi mo pa dinala ang cellphone mo , wala kami contact sayo ... Utang na loob Chukoy , huwag mo na ulit gagawin yun ... " pakiusap sakin ni mommy ...

" Yes mom , di na po mauulit ... Si tatay po ? "

" Nasa office pa , maya pa dating niya ... Nga pala , kahit alam kong pagod ka ... Pwede bang ikaw na magdala nito sa kapatid mo ? Namiss ka na rin niya eh , para siya na mismo ang sumapak sayo .. "

Natawa ako sa sinabi ni mommy ... Totoo naman eh , paniguradong sasapakin ako ng kapatid ko ... Nagalit nga nung naging kami ni Quinnet , di pa kami ayos tapos nilayasan ko pa sila ...

Nagpahinga muna ako sandali sa kwarto ko tapos bumaba na rin ako para dalhin kina Hevn yung binili ni mommy na mga gamit para sa magiging pamangkin ko ... Bumalik na sina Hevn sa bahay nila , dahil daw nalulungkot siya dito sa bahay namin ... Nastress din yata siya pati yung baby sa tiyan niya ...

Nilagay ko sa likod ng kotse yung mga gamit na dala ko nang makita ko si Xav sa may labas ng gate nila .... Nakatingin siya sakin na parang kinikilala niya ko ...

Nilapitan ko siya ... At bumaba ako na parang ka level niya ... " Kamusta na ? "

" Okay lang po ako kuya Wian , medyo malungkot lang po kasi iiwan ko na yung crush ko eh ... "

" Oh ? Bakit mo naman iiwanan ang crush mo ? Saan ka ba pupunta ? " Umupo kami sa may sidewalk ...

" Pagkatapos po kasi ng school , aalis na po kami eh ... " malungkot na sagot niya ....

" Aalis ? " takang tanong ko ...

" Opo , babalik na po kami sa Canada ... Yun po kasi ang gusto ni Ate ko eh ... "

My Fragile HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat