Chapter 19

227 13 2
                                    

Chapter 19
Autumn Sison

“SHIT!” muntik na akong mawalan ng balanse nang may tumalon na butiki sa paa ko. Nagpapadyak ako at napapangiwing umatras at inambahang tatapakan ang balasubas na butiki nang mapansin ko ang tingin sa akin ng mga kaklase ko.

Napakamot ako ng batok saka tiningnan ang professor sa unahan. Bakas sa kanyang mukha ang pagkadisgusto at mukhang hindi niya palalampasin ang ginawa ko.

Matapang syang tumitig sa akin, “What's your name?”

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi, “Au—B-Barbara Tarroz po.”

Tumango-tango siya at napatalon naman ako nang ihampas nya sa mesa ang hawak niyang libro.

“Barbara Tarroz, halatang bastos. Nasaan ang respeto mo, miss Tarroz? At natakot ka sa isang butiki? Sigurado ka ba sa landas na pinili mo?!”

Napangiwi ako. Ang sama ng ugali ng professor na 'to. “Nagulat ho ako, hindi natakot.”

Narinig ko ang singhapan ng mga kaklase ko. Mayabang na ngumisi naman ang professor saka kalmadong naglakad palapit sakin, tumigil sya sa mismong harapan ko at halos tatlong dangkal nalang ang pagitan namin. Parehong tuwid ang aming tindig, nagsusukatan ng tingin habang pinakikiramdaman ko ang susunod niyang hakbang.

Magkasing taas lang kami at tila mas matanda lang siya sakin ng anim hanggang walong taon.

“Ano ba ang dahilan ng gulat? Hindi ba't takot? Isa kang psychology student, miss Tarroz, dapat ay alam mo ang simpleng bagay na 'yon!”

“Hindi ko pa ho alam at kaya nga ho ako nandito ay para malaman ko pero ngayong alam ko na, salamat ho sa impormasyon.”

Napakagat ako ng labi nang tumalim ang tingin sa akin ng professor. Nagulat ako nang bigla niya akong ambahan ng suntok kaya naman naiharang ko ang mga braso ko. Hinintay ko ang pagtama sa akin ng kamao niya pero wala.

Tumingin ako sa kanya. Nasa ere ang kaniyang kamao habang matalim ang tingin sa akin. “Ano miss Tarozz? Nagulat ka ba o natakot?”

Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong sumagot pero mukhang nanggigigil na siya sakin. Hah! I knew it! Walang tumatagal sa ugali ng isang Autumn Sison.

“Labas.”

Hindi na ako nagprotesta. Gusto ko rin naman talagang lumabas dahil nagugutom na ako. Nasaan kaya si Troy?

Nasa may pintuan na ako nang may maalala ako, bumalik ako sa loob at hinarang naman ako ng professor, “Hindi ba't sinabi kong lumabas ka na?”

“Kukunin ko lang po 'yong bag ko.” sagot ko saka sinulyapan ang upuang inuupuan ko kanina. Nangunot ang noo ko nang makitang walang anumang nakapatong doon.

“May gamit ka bang dala, miss Tarozz?”

Mahina akong natawa, “Wala nga po pala akong gamit.”

Naningkit ang mga mata ng professor at bago pa sya makapagsalita ay mabilis na akong sumibat. Langya! Bakit ba nakalimutan kong hindi nga pala ako matinong estudyante?

Husay ng paglalakad ko sa pasilyo. Kumekendeng pa ako dahil naiimagine ko ang pulang carpet sa nilalakaran ko, sa dulo ay nandoon si Hurricane, may hawak na malaking parang tinidor, may sungay at mahabang buntot habang hinihintay ang paglapit ko sa kaniya.

Natawa ako sa sarili kong naisip. Bakit naalala ko ang demonyong 'yon?

“Hey Barbs!” napalingon ako sa gilid ko. Ngumisi ako nang mamataan si Troy na naglalakad palapit sakin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin