Chapter 33

144 4 0
                                    

Chapter 33
Autumn Sison

NAPALUNOK ako matapos umalis ni Troy at lumipat sa kabilang kama. Alam kong nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko. Sino ba namang hindi maaakit e dadalawa kami dito. Tahimik ang lugar, isa pa ay sobrang gwapo naman talaga ni Troy kaya normal lang na maakit ako sa kaniya.

Tumitig ako sa kisame pero hindi talaga maalis ang init na nararamdaman ko kaya mabilis akong bumangon pero nahilo ako sa biglang pagbangon kaya nahulog ako sa sahig.

“Shit! Autumn!”

Agad akong dinaluhan ni Troy. Tinulungan niya akong tumayo at maupo muli sa bakal na kama.

“Okay ka lang?”

Napatingala ako sa kaniya at napasinghap ako dahil para akong kiniliti nang makita ang nag-aalalang tingin niya.

May gusto ba ako kay Troy? O baka naakit lang ako bilang babae dahil kami lang naman ang nandito?

Napalunok ako. O baka naman naattract ako sa kaniya dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya at dahil siya ang lagi kong kasama at kabangayan. Sa totoo lang, mas madalas ko siyang kasama kaysa kay Hurricane at mas komportable ako sa kaniya kaya siguro hindi ko napansin na nagkakagusto na ako sa kaniya.

Matagal kaming nagkatitigan hanggang sa mapansin kong unti-unti nang bumababa ang mukha niya. Napapikit ako nang tuluyang maglapat ang mga labi namin.

Nagtaasan ang balahibo ko nang nagsimulang gumalaw ang mga labi niya sa ibabaw ng labi ko. Marahang humahalik.

Hindi ganito ang first kiss namin dahil ninakaw ko lang 'yon sa kaniya pero... ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng isang Troy Mariano.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay nagmulat ako ng mata at napatitig sa kaniya. Hinaplos niya ang pisngi ko saka ako muling hinalikan, sa pagkakataong ito ay mas malalim, may kahulugan at mas mapusok.

Umawang ang labi ko nang maramdaman ang kamay niya sa balikat ko. Dahan-dahan niyang ibinababa ang dress ko habang mapusok na hinahalikan ang mga labi ko.

Suminghap ako nang maramdaman ang tuluyang pagkahubad ng damit ko.

God, am I really doing this with Troy?

Hindi ko na nasundan ang kasunod na nangyari dahil nawala ako sa sarili. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa metal na kama habang nasa ibabaw ko si Troy, kapwa kami hubad, pawisan at darang sa apoy na lumulukob sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos nito pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi ko pagsisisihang ibinigay ko ang sarili ko kay Troy dahil sa mismong sandaling ito naramdaman kong may pagtingin ako sa kaniya.

***

NAGISING ako na kumakalam ang sikmura. Dahan-dahan akong bumangon at tiningnan ang sarili ko. Suot ko ang longsleeves na suot ni Troy kagabi at kanina. Napalunok ako habang nararamdaman pa ang lagkit sa pagitan ng mga hita ko at ang mga bakas ng haplos at halik ni Troy. Lalo na ang hapdi sa maselang parte ng katawan ko.

Inamoy ko ang suot ko. Amoy Troy. Sa ilalim naman ng suot kong longsleeves ay suot ko ang underwears ko.

Dahan-dahan akong bumaba sa kama at tiningnan ang paligid. Wala si Troy pero may nakita akong disposable na lalagyan na may lamang pagkain sa metal na lamesa. Dali-dali ko itong kinuha saka sinimulang kainin. Napapangiti pa ako dahil karne ang ulam ko. Alam na alam ni Troy ang gusto ko.

Matapos kong kumain ay inubos ko ang tubig na laman ng bote.

Napabuga ako ng hangin nang nahindagan na ako pero wala pa rin si Troy. Ano bang ginagawa niya sa labas?

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz