Chapter 23

179 10 1
                                    

Chapter 23
Autumn Sison

“BAKIT MO SINABING NANDOON SI HURRICANE?”

Sumimangot ako. Narinig pala ni Troy ang mga nangyari sa loob ng SC office at pinagagalitan niya ako ngayon matapos niya akong kaladkarin papasok sa kwarto niya sa dorm. Ano bang problema nya e hindi naman siya ang nadawit? Saka totoo namang naroon si Hurricane ah!

“You're putting him in danger!”

Tumalim ang tingin ko. “Anong gusto mo? Ako lang ang mapahamak? Patas lang naman kami ni Hurricane e, pareho lang kaming tagilid!”

“Hindi mo kasi naiintindihan! Matagal nang pinag-iinitan ni Mr. Profan at Aries si Cane!“

“E anong pakialam ko?!”

Tinitigan niya ako saka umiling-iling. “Ang hirap mong umintindi, Autumn!”

Sarkastiko akong tumawa at hindi makapaniwalang itinuro ang sarili ko. “Ako pa talaga ang mahirap umintindi?”

“Oo! Alam ko namang galit na galit ka kay Cane pero sana naman nag-isip ka rin! Hindi mo ba napansin na mainit ang dugo ni Aries kay Cane? Sana napansin mo 'yon!”

Iritado kong ginulo ang buhok ko. “Hindi ko napansin at wala akong pakialam!”

Nagdadabog akong lumabas. Aba! Ako pa talaga ang mali? Iniligtas ko lang naman ang sarili ko ah! Paano kung sangkot nga si Hurricane sa nangyari edi ako ang lumabas na masama kasi pinagtakpan ko siya? Saka this is a place of survival dahil galing na rin sa kanila na school of assasin 'to! Kailangan kong mabuhay at kung pagtatakpan ko ang ganoong mga bagay siguradong hindi ako tatagal dito!

“Where are you going?”

Sinamaan ko ng tingin si Ivan saka siya nilampasan. Binangga ko pa ang balikat niya. Hah! Akala nila matatakot ako sa kanila? Tsk!

Mabilis ang paglalakad ko palabas ng dorm nila. Mabuti nalang walang mga estudyante dahil oras ng klase. Nang makalabas ako ay tumingin ako sa paligid. Ano bang gagawin ko ngayon? Ayokong umattend ng klase, mga psychopath naman ang mga guro dito baka mahawa pa ko.

Bumutong-hininga ako at tamad na naglakad patungo sa girls dormitory. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay pabagsak akong nahiga sa kama. Nagugutom na ko!

Nakatulog ako na kumakalam ang sikmura at nagising din ako na kumakalam pa rin ito. Pambihira naman talaga! Mali yatang kinalaban ko ang tatlong ugok na 'yon, baka sa gutom ako mamatay hindi sa kamay ng mga baliw na tao dito sa campus.

“Oh!”

Mabilis akong napabangon ang tiningnan ang nagsalita. Ang manyak na roommate ko. Tiningnan ko ang itinuro niya.

“Oy! Pagkain!” dali-dali kong kinuha ang pagkain pero napangiwi ako nang mabuksan ko ang styro foam. Kanin at gulay.

Nakasimangot kong tiningnan ang roommate ko. “Anong pagkain 'to?”

“Chopseuy ang tawag dyan! Tanga ka?”

Inirapan ko siya at ibinalik sa bedside table ang pagkain. “Ayoko nyan!”

“Edi wag!” kinuha niya ang pagkain at sinimulang lantakan. Diring-diri ako habang sarap na sarap naman siya sa kinakain niya.

Tamad akong tumayo saka lumabas. Hinihimas ko ang tiyan ko habang palabas ng dorm. Ang boring! Grabe!

Nang makalabas ako ay nagpalinga-linga ako. Nasaan kaya ang gate dito?

Naglakad ako ng naglakad. Kung saan saan ako nakarating hanggang sa matagpuan ko ang hinahanap ko. “Oh my gosh!” napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa mataas na gate. Tumakbo ako palapit doon pero napapreno ako at muntik masubsob nang harangin ako ng gwardiya. Napakamot ako ng ulo.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now