Chapter 28

175 11 0
                                    

Chapter 28
Autumn Sison

PAKIRAMDAM ko ay mamamatay na ako nang sumapit ang kinabukasan na nakagapos pa rin ako. Binasa ko ang nanunuyo kong labi saka ako lumunok ng matindi. Anak ng demonyo talaga! Nasa'n na ba si Profan na kamag-anak ni Lucifer? Hindi pa ba nya ako pakakawalan? Argh!

Pumikit ako at ginalaw ang binti ko. “ARGH!” napasigaw ako dahil manhid na manhid ito. Tang'na!

“Au—Barbs!”

Nag-angat ako ng tingin. Parang lantang gulay na tiningnan ko si Troy. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. “Kaya mo pa ba?” tanong nya.

Umiling ako. “Mamamatay na ako, Troy.”

“Ano ka ba! Wag ka ngang magsalita ng gan'yan!” galit na saway nya sa akin.

Tinawanan ko lang sya. Ang OA din naman nito e. Dait pa ang babae kung makareact.

“Tang'na kasing Aries 'yon, ayaw pumayag na palitan kita.” mahina nya pang sabi.

Kunot-noo ko syang tiningnan. “Kinausap mo si Aries?”

Bumuntong-hininga sya at tumango. Naupo sya sa lupa sa harapan ko saka nakapangalumbaba na tumingala sakin. “Anong gagawin ko para mailigtas kita? Mainit ang mata sa'yo ni Mr. Profan at alam ni Aries ang sekreto mo.”

Nginisihan ko si Troy. “Bakit pinoproblema mo ako? Mamaya isipin kong may gusto ka sakin e. Baka crush mo talaga 'ko?”

Ngumiwi si Troy. “Nangarap ka. Nasobrahan ka yata sa pagpapasirino kaya naapektuhan na ang utak mo.”

Tumawa lang ako saka napangiwi. Gustong-gusto ko nang humiga! Punyeta!

“Kumusta pala si Hurricane?” tanong ko habang nakatungo.

“Ayun, iginapos ulit namin ni Ivan. Nagwawala kagabi e, balak kang puntahan.”

Umirap ako. Ang lakas talaga ng tama ng bagyong demonyo na 'yon. Isi mo'y sobrang bait para puntahan ako. Tinangka pa akong pakawalan kahapon, mabuti hindi sya pinatay ni Profan.

“Ayos ka lang ba? Namumutla ka na.”

Inis ko syang tiningnan. “Ang kulit mo naman!”

“Nagtatanong lang naman ah!”

Sinamaan ko ng tingin si Troy. “Ikaw kaya igapos ko dito ng magdamag tapos tanungin kita kung ayos ka lang. Pompyangin kita d'yan e.”

Mahina syang tumawa. “Nanganganib na ang buhay mo, nagsusungit ka pa.”

Inismiran ko sya saka ako mariing pumikit. Ang sakit sakit na talaga ng katawan ko! Anong oras ba 'ko pakakawalan ni Profan? Lintek na baliw 'yon, pag ako talaga ginago nya, gagantihan ko sya.

***

LITERAL NA NAPALUHOD ako nang makalas ang tali sa mga braso at katawan ko. Sinalo ng braso ni Ivan ang katawan ko dahil sa sobrang paghihina. Gosh! Kung wala si Ivan siguradong para akong palaka dahil sa magiging bagsak ko.

Pumikit ako nang dahan-dahan akong pinaupo ni Ivan sa damuhan. Nahagip ng paningin ko si Troy na tumatakbo palapit sa amin.

Nag-angat ako ng tingin para tingnan si Aries na naglalakad palayo. Sya ang nag-alis ng pagkakagapos sa'kin. Tsk! Isa pa 'yang Aries na 'yan, sakalin ko 'yan pag may time.

“Tara na, hinihintay ka ni Cane sa kwarto nya.”

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Troy. Kwarto ni Hurricane? Bakit naman ako pupunta do'n?

Inirapan ko sya. “Doon nyo 'ko dalhin sa kwarto ko.”

“Pero inaasahan ka nga ni Cane.”

“Hayaan nyo nga sya. Hatid nyo na 'ko sa kwarto ko.” iritado kong sabi.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now