Chapter 24

176 13 1
                                    

Chapter 24
Autumn Sison

Nakatulala lang ako sa kisame habang iniisip ang nakita ko kanina. Napalunok ako. Totoo namang may nakita akong tao doon pero bakit wala na nung dumating si Troy? Hindi ko maiwasang hindi sya pagdudahan. Anong ginagawa nya sa lugar na 'yon? Posible kayang si Troy yung lalaking pumatay kanina? Nakakapagtaka lang kasi na ang bilis nyang makarating sa lugar na 'yon. Saka kung nakita nya ako at sinundan lang, dapat nakita nya rin yung nakita ko o kaya ay naabutan nya ako kaagad doon palang sa may gate kung saan ako hinarang ng guwardiya. Nakakapagtaka talaga.

Nagkamot ako ng pisngi saka tumagilid. Ano ba kasi 'yung nakita ko? Totoo kaya 'yun o nag-iimagine lang ako?

Iritadong bumangon ako. “Imposibleng imagination ko lang 'yun!”

Tinuro ko ang sarili ko. “Hindi ako baliw para mag-imagine ng ganoon! Sigurado ako sa nakita ko at malinaw ang mata ko!”

“Oh my God!” sinabunutan ko ang sarili ko saka ipinatong ang baba ko sa tuhod ko. Lumabi ako. Hindi talaga 'yun imagination!

Bumuntong-hininga ako. “Kailangan kong kausapin si Troy! Tama!”

Naningkit ang mga mata ko saka tumatang-tango na humiga ulit. Kakausapin ko sya bukas kaya kailangan ko nang matulog. Tumango ulit ako saka pumikit pero muli ding nagmulat ng mata. Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa frustrasyon. “Ayoko na!”

***

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Tamad akong bumangon at tumingin sa paligid. Wala na agad 'yung roommate kong manyak?

Nagkibit balikat ako at bumaba sa kama. Nakakarinig ako ng malalakas na ingay at usapan sa labas pero hindi ko naman maintindihan.

Tamad akong lumabas ng kwarto. Hinarang ko ang isang babaeng dumaan sa harapan ko. “Anong meron?”

Inayos nya ang salamin niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay ko. Aba!

“Ikaw 'yung girlfriend ni Troy diba?”

Napangiwi ako. Oo nga pala. Laman kami ng chismis kahapon. So ano ngayon?

Tumingin ako sa paligid. May babaeng halos maglupasay na sa sahig habang inaawat ng dalawang babae. Ano bang nangyayari?

“Oh my gosh! Hindi pwedeng mamatay si Cane!”

Nanlaki ang mga mata ko. Patay na si Hurricane? What?

“Hindi naman sya patay e!”

“Pero mamamatay sya sa ginagawa sa kanya!”

Ano bang nangyayari?

“Sigurado akong naframed up lang sya. Hindi basta bastang magpapasabog si Cane.”

“Sino ba kasing nagsumbong sa kanya?”

Napatakip ako ng bibig. Oh my God! Ito na ba yung sinasabi ni Troy?

Dali-dali akong tumakbo palabas. Madapa-dapa pa ako sa hagdan. Nang makalabas ako sa dorm building ay sinundan ko ang direksyong tinatahak ng mga estudyante. Sa field.

Nang makarating ako doon ay bumagal ang paglalakad ako. Natatakot ako sa maari kong makita pero ipinagkibit balikat ko nalang ang nararamdaman ko. Lumapit ako. Nagkukumpulan sila kaya naman nagpumilit akong sumiksik. Halos maipit ako sa kanila hanggang sa nakarating ako sa unahan. Natulala ako at nanlambot. B-Bakit...

Napalunok ako. Si Hurricane, nakagapos siya sa isang bakal na poste sa gitna ng field. Duguan siya. Maraming pasa sa mukha at halos punit ang damit. Nakayuko siya. Walang malay at ang lubid nalang ang sumusuporta sa pagkakatayo niya.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon