Chapter 17

222 11 0
                                    

Chapter 17
Autumn Sison

"Miss Tarozz." napangiwi ako nang mabungaran ko sa labas ng dorm room namin ang masungit na president ng student council. Inayos nya ang suot niyang glasses saka tiningnan ako ng masama.

"You are not reporting! Dalawang araw na ang nakalipas. Hindi mo ginawa ang punishment ko para sayo."

"I was injured-"

"I don't care! Dapat nagreport ka pa rin."

Napakamot ako ng batok. Ang init talaga lagi ng ulo ng lalaking 'to. Para siyang si Hurricane pero syempre mas grabe ang bisugo na iyon na hari ng mga mayayabang.

"You're in class BSP-Culverin-"

"Ano iyon?"

Tumalim ang tingin niya sa akin, marahil ay dahil pinutol ko ang kaniyang sinasabi. Napakagat ako ng labi. Walanjo!

"Do that again and you'll find your tongue missing."

Nyenyenye! Parang gusto ko siyang sipain. Ang sungit, parang pasan nya lahat ng problema sa mundo. I wonder kung anong mangyayari kapag si Hurricane o si Klaus na baliw ang nakausap ng Aries na 'to.

"Ano po ba 'yong BSP-Culverin?" may pagkasarkastik na tanong ko ulit.

"You applied for BS Psychology program, right. Culverin is a section."

Nanlaki ang mga mata ko. BS Psychology? Anak ng pating! May pagkasira-ulo rin pala ang may-ari ng file na pinagamit sakin ni Hurricane e, bakit Psychology ang kurso niya? Saka, may kurso pala dito? Nice, gagraduate din pala akong may degree.

"You'll attend your first class today and after dismissal, you will report to my office. Do you understand, miss Tarozz?"

Inilagay ko sa likuran ko ang akong mga kamay saka inilabas ang gitnang daliri ko. Oh, Mr. President, my middle finger salutes you!

"Do you understand, miss Tarozz?!" muling tanong niya. Sa pagkakataong ito ay mas mataas na ang boses at mas matalim ang tingin sakin.

Ngumiti ako, "Yes, of course i understand."

Hindi na siya nagsalita sa halip ay bigla nalang syang tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. Wow! Bastusan? Batuhin ko sya ng sapatos e.

"Ang panget mo!" nakasimangot na saad ko sa mahinang boses.

"Mas panget ka wag kang papatalo."

"Ay bagyo!" napatalon ako at agad na lumingon sa likuran ko. Sinamaan ko ng tingin ang roommate ko na nakangisi sakin.

"Tarozz pala ang last name mo,"

Tinaasan ko siya ng kilay, "O tapos?"

"Bagay sayo. Parang parrot."

"E kung sakalin kita?"

Mahina lang siyang tumawa saka humalukipkip, "Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko?"

"At bakit ko tatanungin? Mahalaga ka?"

"I'm Autumn Villega."

Umawang ang labi ko. Autumn? What the heck? Her name is Autumn? Oh my God! Sa dinami-rami ng pangalan bakit Autumn pa ang pinangalan sa kanya, nadudungisan nya ang magandang pangalan na 'yon!

"Bakit Autumn ang pangalan mo?!"

Nangunot ang noo nya, "Bakit? Ang ganda kaya ng pangalan ko, duh!"

Pinaningkitan ko sya ng mata, "Hindi bagay sayo, duh! Mas bagay sayo ang pangalang kurdapya!"

"E ikaw nga mukhang tilapya." nakangising bwelta nya.

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Where stories live. Discover now