Chapter 36

143 7 1
                                    

Chapter 36
Autumn Sison

SUOT ANG hoodie jacket ni Troy ay lumabas ako ng dorm room niya. Kaming dalawa na ang magkasama sa room habang lumipat si Ivan sa kwarto ni Hurricane

Hatinggabi na pero wala pa rin si Troy. Lumabas siya kanina dahil mag-uusap raw sila ni Hurricane kaya hinayaan ko pero kanina pa siya sa labas at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko lalo na't alam kong galit pa si Hurricane sa kaniya. Idagdag pa si Klaus na hindi ko na nakita simula kahapon matapos ang pagsasagutan namin sa rooftop.

“Autumn, saan ka pupunta?”

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Ivan sa likuran ko. Tiningnan ko siya ng masama. “Bakit ka ba nanggugulat?”

Umismid siya. “Saan ba ang punta mo? Delikado, nag-uuli ngayon ang disciplinary officers.”

“Nasa labas sina Troy at Hurricane. Mag-uusap raw sila.”

Nangunot ang noo ni Ivan. “Saan daw?”

“Hindi ko alam. Kaya nga hinahanap ko sila e. Samahan mo nalang kaya ako.”

Napakamot siya ng batok saka tumango. Halos kuba na akong maglakad dahil sa pagtatago ko, idagdag pang bigla nalang ako tinutulak payuko ni Ivan kapag may kumakaluskos.

“Makatulak ka naman!” singhal ko sa kaniya.

“Huwag ka nang magreklamo, itulak kita riyan sa damuhan e.”

Inirapan ko siya. Nagpatuloy kami sa paghahanap hanggang sa mapatalon ako dahil sa malakas na putok ng baril.

Suminghap ako. Binalot ng takot ang buong pagkatao ko at bigla kong naisip si Troy.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa direksyong pinanggalingan ng putok. Naririnig ko ang pagmumura ni Ivan pero hindi ko siya pinansin. Tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa madatnan ko ang isang pangyayari na nagpayanig sa buong mundo ko.

May dalawang tao akong natagpuan. Ang isa ay nakatayo habang may hawak na baril at nakatutok. Hindi siya gumagalaw. Tila nagulat. Namuo naman ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa lalaking nakahandusay sa lupa. Umubo siya ng dugo habang sinasalubong ang tingin ko. May tama siya sa dibdib at alam kong hindi maganda ang tama na 'yon.

“Shit!”

Ang boses ni Ivan ang nagpagising sa akin. Dali-dali kong dinaluhan si Troy na walang tigil ang pag-ubo.

Humagulhol ako habang tinatakpan ang dibdib niyang may sugat at nilalabasan ng dugo. Paulit-ulit kong ibinabalik ang dugo habang nanlalabo ang paningin ko pero hindi ito tumitigil.

“T-Troy! Troy, h'wag m-mo 'kong iwan!” sunod-sunod ang ginawa kong paghagulgol habang nanginginig ang mga kamay ko at katawan.

Dahan-dahang umangat ang kamay ni Troy. Napatingin ako sa mukha niya. Tumulo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata kaya mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Halos hindi ko siya maaninaw dahil sa luha kong walang ampat sa pagtulo. Halos hindi na rin ako makahinga dahil sa paghagulhol ko.

“I-I love you...”

“TROY!!” pinagpapadyak ko ang mga binti ko. Halos magwala ako habang pilit na tinatakpan ang sugat sa dibdib niya.

Dahan-dahan siyang ngumiti. “M-Makakaalis k-ka dito. T-Tutulangan... T-Tutulungana ka n-ni C-Cane.”

Marahas akong umiling. Sobrang sakit na ng dibdib at lalamunan ko pero hindi ko 'yon ininda. Hinalikan ko ang mga labi ni Troy kahit puro dugo siya. Hinalikan ko siya ng mariin. “H-Hindi, Troy! H-Hindi ako a-aalis dito ng h-hindi ka kasama. I-Ikaw ang g-gusto kong k-kasamang umalis!”

DEVIL'S DEN: AUTUMN SISON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon