☪️Chapter 96☪️ (Get the girl who named Heaven)

15.7K 509 32
                                    

Cloud Livingstone POV:

Nakatingin lang ako sa Lola ni heaven na gusto akong kausapin.

Nag hihintay akong magsimula syang mag salita pero ilang minuto ang katahimikan ay di pa sya nag sasalita.

"Ano toh staring contest." natatawang sabi ni Christopher.

Tsk.

Tiningnan ko naman sila at ginalaw ang ulo ko na parang pinapaalis sila.

"Ahm Tara na guys punta tayo sa taas." mark buti na lang at may matalino akong kaibigan.

"Huh bakit naman?" Christopher kung merong matalino meron namang bobo tsk.

"Wag ka ng magtanong umalis na tayo." Emily

Nagsialisan naman silang lahat kaya kaming tatlo na lang natira.

Tsk, I hate this boy.

"So?" pagsisimula ko.

"Gusto ko lang sabihin sayo na alagaan mo ang Apo ko at iligtas sya sa lahat ng panganib." Saad nya sa akin.

"Bakit mo sinasabi ito sa akin?" tanong ko sa kanya, di sya sumagot pero ng tingnan ko sya sa mata ay may nakita akong pagsisisi pero saan.

"Di ba halata? Malamang alagaan mo sya dahil asawa mo sya." napatingin ako sa lalaking, xyril ang pangalan na nakacross arm.

"Tsk. I'm not talking to you." cold kong sabi sa kanya.

"Kung hindi lang buntis si heaven ay tuloy ang kasal namin pero buntis sya di naman ako ganon kasama para aagawin sya sayo, Hindi ba?" nakangising saad nya sa akin.

Bumunot ako ng baril at kinasa ito at itinutok sa kanya.

"Di ako mag dadalawang isip na iputok ito sa bungo mo kapag inagaw mo sa akin ang asawa ko." cold kong sabi sa kanya pero tinawanan nya naman ako.

"Sa baril ka lang ba magaling? Tsk. Di mo ba alam na ako ang childhood friend ni heaven at di mo ba napapansin na may lagi syang dalang laruan? Ako ang nagbigay nun sa kanya." lumapit sya sa akin at binaba ang baril na hawak ko.

"Magkasundo kami noon pero ngayon hindi na dahil iba ang pakikitungo nya sa akin ngayon at isa pa di ko na napapasin na dala ang laruang ibinigay ko sa kanya. Ang sabi ko noon sa kanya ay dalhin nya ito para di sya matakot sa ano mang mangyari sa kanya pero ngayon, alam kong ikaw na ang nagbibigay ng lakas sa kanya." pagkukwento sa akin.

"Tsk, di bagay sayong magdrama nag mumukha kang bakla." pang aasar ko sa kanya.

"Abat!"

"Enough!" Lola

"But Lola sya na nga sinasabihan eh." palihim naman akong napangite.

"Tama na. Please Mr. Livingstone gawin mo ang makakakaya mo para pasayahin ang Apo ko." nag mamakaawa nyang saad at lumuhod pa sa harap ko.

"Lola." xyril

"Tumayo po kayo. Kahit di nya po yan sabihin ay gagawin ko po talaga yun." saad ko sa kanya at pinatayo sya.

"Maraming salamat ayaw ko ng maghirap muli ang apo ko. Pinagsisihan ko na ang ginawa ko sa kanya dahil pinilit ko syang pumatay ng tao na walang kasalan at inosente pero dahil sa subrang bait nya ay mas pinili nyang magpagutom kaysa sa pumatay. " Mas lalo akong humahanga sa asawa ko dahil sa kabutihan nya.

"Don't worry po dahil gagawin ko ang lahat para magkaroon kami ng masayang pamilya." ngumite ako sa kanya, minsan lang toh dahil relatives sya ng asawa ko.

Nakarinig naman ako ng mga yapak na papunta sa direction namin.

Nakita ko naman ang asawa ko na kasama si Nathalie at ang mga kaibigan namin.

Lalagpasan nila sana kami pero tinawag ko ang asawa ko.

"My Queen tabihan mo ako dito." Nakangiting aya ko sa kanya.

"Ahm kakain pa kasi ako nagugutom na ako eh." Sabi sabi nya.

Shit nakalimutan kong di pa sya kumakain.

"Oww anong gusto mo mong kainin? Ipagluluto kita." tanong ko ulit sa kanya.

"Ahm pansit pero dyan ka lang I'm sure naman na nagluto ng ganon si manang lisa." Sabi nya at iniwan kami dito sumunod sa kanya ang mga kaibigan ko.

"Hayaan mo na ijo dahil ayaw nya lang talaga akong makita dahil kinamumuhian nya ako." Saad ni lola.

Ito ang pangalawang pagkakataon na maawa ako sa isang tao.

"Gusto nyo bang kausapin ko sya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na, alam ko naman na matutunan nya akong patawin sa kabila ng ginawa ko sa kanya." saad nya pa.

"Kung ganon, kayo ang bahala. Nga pala ito lola." ibinigay ko sa kanya ang dalawang invitation para sa kanilang dalawa ni hambog.

"Birthday? Sabay kayong dalawa?" tanong ni Lola na ikinatango ko naman.

"Gusto kong nandoon kayo kahit wag nyo ng isama itong hambog na toh." Sabi ko at tinuro si hambog.

"Ul*l di ako hambog. Kahit di mo ako bigyan ng invitation ay pupunta parin ako." Sabi nya.

"Lahat ng organization ko ay pupunta at ang mga kapartner ko sa business at kinabukasan nyan ay Ang kasal namin." Sabi ko.

"Alam nya na ba ito?" tanong ni hambog.

"Hindi pa pero ipapaalam ko naman ito sa kanya. 3 days from now mag sisimula ang malaking party para sa aming dalawa." pagmamayabang ko kay xyril.

"Tsk."

"Pupunta kami." Lola.

"Thats Good." nakangiteng sabi ko.

Someone 1 POV:

"Kung ganon tatlong araw na lang at magaganap ang kanilang party?" Saad ko.

"Oo at kinabukasan nito ay kasal nila kaya gawin na natin ang pinaplanuhan natin." desperadong sabi nya.

"Sa mismong kasal nila ay kunin mo si heaven at sayong sayo na sya." napangise naman ako sa sinabi nya.

Sa akin naman talaga nararapat si heaven kahit ng unang meet palang namin ay inangkin ko na sya.

"At sa akin naman si cloud dahil sa akin lang sya nararapat."

"Hindi ka ba nandidiri dahil mismong pinsan mo ay pinagnanasaan mo?" tanong ko sa kanya na may kasamang pagngiwe.

"Walang paki alaman dahil sa akin lang sya. Kaya ako sumapi sa iyo dahil alam kong may gusto ka kay heaven nayun. Kunin mo sya at ilayo sa amin ni cloud wala akong paki alam kung saan mo sya dalhin."

"Alright ihanda na natin ang lahat ng mga tauhan natin dahil madugong labanan ito sa pagitan ng Mafia at gangster/Assassin." Saad ko.

Gagawin ko lahat para hindi ka maging masaya Livingstone at kukunin ko ang pinakaiingatan mo bwahahahaha (Evil lough)

Someone 2 POV:

Pipigilan ko kayo sa mga plano nyo di ko hahayaan na may masira kayong pamilya dahil sa ambition nya.

Kailangan ko syang puntahan para balaan sya at ihanda and sarili sa magaganap.

I was Controlled by a Mafia Lord [UNDER REVISING AND EDITING]Where stories live. Discover now